23 October 2008

Kailan Matututo ang Batang Bobo?

Hay nako! Sinasabi ko na nga ba?
Huwag nang padadala sa mga bagay na walang katiyakan.
Ayan! Nakita mo na?
Ilang beses na bang nangyarai sayo sa yan?
Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin ba natututunan?
Bakit ba napakabobo mo?
Dapat ata iniuumpog na sa pader ang ulo mo?
Ang mga taong katulad nya ay hindi pinagkakatiwalaan.
Hindi pinaniniwalaan.
Wala syang kwenta!
Wala syang silbi!
Wala syang isang salita!
Ginamit ka lang nya.
Hindi mo ba nakikita?
Lalapit lang sya kapag may kailangan sya.
Mabait lang sya kapag may pabor syang hihingin.
Kapag nakuha na nya ang gusto nya?
Saan ka na ba pupulutin?
Daig mo pa ang laruan.
Para ka lang basurang itinapon sa daan.
Ang ganyang klase ng tao ay hindi pinag aaksayahan ng panahon.
Hindi minamahal...
Sarili lang nila ang iniisip nila.
At huwag mo nang masubukan pang bigyan sya ng pagkakataon.
Dahil lahat ng pagkakataong nasa kanya ay sinayang na nya.
Kalimutan mo na sya.
Ilibing mo na sya ng buhay sa iyong alaala.
Mas mabuting huwag mo nang bigyan ng pagkakataon ang isip mo na isipin sya.
Nasaktan ka na naman.
Ilang ulit pa ba?
Huwag kang magmadaling ibigay ang puso mo sa taong di karapat dapat.
Dahil meron naman talagang nararapat para sayo.
At sa palagay ko hinihintay ka rin nya.
Huwag mong sayangin ang oras mo sa kanya.
Isipin mo na lang na isa itong leksyong dapat mo nang matutunan.
Dapat matuto ka na.

18 October 2008

Week One

a VERY busy week for me.




I just started reporting on the new company I am into. Atlast, and I think I’ve found the “right” job for me. I was hired as the new operations assistant in one of the most I can say biggest and prominent industrial park in the country. Kinda good, but the pressure is too much to handle for me. I can’t imagine running the whole operation of the entire industrial park, even if I am only assisting the head engineer it will really take a lot of effort doing so. The industrial park is under the Lopez Group of Companies which really surprises me because I really don’t have an idea about it. After I finish the orientation last Monday, I was introduced to the entire staff of the admin department.Gee! I was nervous at that time. There are a lot of eminent persons surrounding me. These engineers are the “real” engineers who knows every inch of the detail of a plan.




For this week, my assignment is to handle all the admissions of the contractors and sub contractors that will be entering the park. I have to learn how to issue those passes like ID’s, stickers,etc. so that they will have the permission to enter and proceed to their respective projects inside. There are certain requirements in each passes. I have to make sure that they are complying with those or less… they cannot enter. Done! It was quite easy, the problem is that when I encounter those “pasaway” people. They are annoying and truly pain in the ass.


Yesterday, I was again assigned at the lobby due to the absence of the receptionist. So, for the third time I was the one who will accept all the calls and applications of our locators. Unfortunately, around 10am in the morning the water supply in some areas of the park shut down for some unknown reason. The heck! I think there 3 locators who were affected. It probably took about 15minutes when supply was regained. Crap! I don’t like accepting calls especially if it is all about complaining. There are some people who can even understand things even if you are trying to explain every inch of the details.



Tomorrow, I’ll be starting to do my real duty. OMG! I’m doing the shop drawings. And what really sucks it that I already forget some of the commands in CAD! SO HELP ME GOD. The pressure in this new environment is really killing me. It’s affecting my cells. HARRRRRR!!! But then I have to look at it in a positive way. I had a wonderful job ( except for the salary… toinks!) Well, its part of reality. There is nothing I can do but to face this new challenges I had.

10 October 2008

Twilight Adik





Labis na akong nananabik...
Showing ng Twilight Movie
ay malapit ng sumapit...
Bwahahahaha.....

09 October 2008

ang love award mula kay supergulaman



Rules:


Link the person who started this award.

Link to the person who "LOVE" you.

Post the rules on your blog.

Tag 7 people at the end of your post and link to them.

Let each person know they have been "LOVED" and leave a comment on their blog.



I'm showing my love to the following:











Ang Medical Examination Atbp.


Naging busy ako this week despite ng inaakala kong “katamaran galore” na nangyari sa akin nung Monday. Hmm, teka…imagine, I’ve been in Batangas pala this past three days. Ngayon ko lang naisip. Tapos wala pa rin akong tulog lalo nakagabi. Sarap iuntog ng ulo ko sa pader dahil hindi talaga ako dalawin ng antok. Lahat na ata tinitext ko e logtu na. Hay… Mapapagkamalan na naman akong adik. Gusto ko sanang itext si special monster kaya lang, meron ata sya that night at sobrang suplado. Hmp! Kainis talaga yun. Hmm, by the way ang cute pala ng tawag ko sa kanya… special monster… hehehe. Bigla lang yung pumasok sa isip ko a? Crap!


Last Tuesday, me and my mom went to Lipa. May inasikaso si ina at syempre wala naman syang ibang isasama kundi ako. After non, daan muna kami sa SM, relax… Antok ako talaga ako that day at wala akong ginawa kundi ang humikab ng humikab. Napansin nga yun ng nanay ko e.Puyat daw kasi ako, sino daw ba ang kausap ko nung gabi. Hehehehe. Narinig pala nyang may kausap ako. Well, kausap ko si special monster. Pero I really messed up that night. Badtrip, I’ve been waiting my whole life for that one night pero wala naman akong ka sa MOOD sa MOOD noon dahil natutulog na ako nung tumawag sya. So, inshort bangag lang ako. Adik ko talaga! Anyway, bakit ba nag woworry na naman ako??!! Parang tawag lang e… hmmm…


Last Wednesday naman, schedule ko ng medical exam sa FPIP. First time ko magpamedical. As in yung general check up talaga. Hindi naman kasi naging requirements yun ng mga previous companies na napasukan ko. Kabado palang ako, gabi pa lang. Shit! Baka madetect nilang may sakit ako sa utak. Hehehe. Konti lang naman ang mga naging kasabay ko. At inasikaso naman ako ng maayos. Mabuti naman, dahil first time ko. Hehehe.


Inaasahan ko nang sasablay ako sa EYE EXAMINATION dahil 9 years old palang ako nakasuot na ko ng salamin. Pero atleast, they gave me consideration. Hindi naman kasi ako operator wherein kelangang 20/20 ang vision. Sa dental, ok na rin. Nakabraces pa ang upper lateral ko pero ok naman ang mga molars ko at complete na rin kasi ang mga wisdom teeth ko. Pass! Sa physical naman, nakapa ata nung doktora yung thyroid ko, pero sinabi ko naman na meron akong history ng goiter. Pero nothing to worry dahil non-toxic yun. Pinakuha na lang nya ako ng medical clearance sa aking attending endocrinologist ( tama ba?). Syempre ang funniest part dito sa physical exam ay ang paghuhubad. Hehehe. Even before, naglolokohan na kami ng mga kaibigan ko about ditto. Specially yung mga nag apply na for abroad. Part talaga ng exam ang maghubad at tumuwad. I did it! Hehehehe. Pagkalabas ko nang room, natatawa ako at itinext ko pa sa kaibigan ko na…”hindi na ko virgin, tumuwad na ko”… Ang text back nya…”wow! Congrats! Nadevirginized ka na.” hehehe.




After that kinuhanan ako ng isang litrong dugo. JOKE! At pagkatapos x-ray. Ang problema ko na lang…yung stool sample ko. SHETNESS! Eto ang mahirap sa akin e, hindi ako basta basta makakajebs sa kung saang comfort room at sa kung anung oras. Dahil marami pa akong ritwal at seremonyas. So, kinausap ko yung doctor sa lab at pinayagan naman nya akong bukas na ibigay yung sample basta wala pang 2 hours yon. Ayos! Yung stool sample at medical clearance na lang. Umuwi ako sa kabila ng matinding sikat ng araw. Shit! Tanghaling tapat pero hindi muna ako nag lunch dahil kelangan ko pang dumaan sa attending physician ko para kumuha ng medical clearance. 2006 pa pala ako huling nagpacheck up! Hehehe. Pasaway talaga at one year ko rin itinigil ang pag inom ng thyrax at calsan. Last year kasi nagkameron ako ng reflux. At dahil kelangan ko ring uminom ng gamot para don, itinigil ko ang mga droga ko para sa aking thyroid. This year na lang ako uli nagstart ng medication ko. Medyo nasermonan ako ni doktora pero binigyan naman nya ko ng clearance. Lumiit naman ang size ng goiter ko e kaya abswelto na rin! Mabait naman si Dra. Sya rin ang doctor ng lola ko at kilala na nya pamilya naming kaya no prob. Para ngang hindi doctor-patient ang magkausap e.

DUANEY- ang teddy na bigay ni duane


Thursday… Kanina back to Asia Pacific Diagnostic Clinic uli ako para ibigay ang aking pinaka iingat ingatang stool sample at medical clearance. Sila na lang ang mag papass sa HR at yung HR na lang uli ang tatawag sa akin kapag ok na ang lahat. Sabi nila so far wala namang problema, hihintayin na lang yun magiging result ng stool at yung reading ng x-ray. Wala pang 15mins ang itinagal ko dun kaya sinabihan ko si Duane na magkita kami. Hehehe. Ngayon ko palang kukunin yung regalo nya sa akin. Late na sobra! Naging busy kasi kami pareho lalo na nung nagstay ako sa Manila. March pa pala kami huling nagkita nun. Nagpunta ako Calamba para kunin yung gift. Isang teddy bear na brown. Cute, mabango nga e. Sumusuot hanggang utak ko yung halimuyak grabe! Hindi ko alam kung anung inilagay nya don. Hindi rin naman kami nagtagal ng usap. Inihatid nya lang ako sa sakayan. Habang naglalakad kami papunta don, yun na lang ang naging time naming sa konting kwentuhan. Busy rin sya. May aaplyan daw kasi sya e. Tumigil na sya uli ng pagpasok, magtratrabaho daw muna. Kahit hindi na kami ganun kadalas nagkakausap ni Duane. Hindi pa rin sya nagbabago. After ng konting usapan sumakay na ko at umuwi na rin sya.


Pag uwi ko… umulan… Ang saya naman. Mabuti na lang at hindi ako inabot dahil naglakad lang ako. Nag online ako at nakausap ko si Mico. Si Micong sobrang kulet! Palagi nya akong sinasabihan ng mataray daw ako sobra. As in SOBRA! Magaling daw akong mambara at para bang lahat ng sagot ko e alanganin. Kung hindi ewan… bahala na. Nakakatawa sya. Hindi ko naman sya kilala talaga. Hay nako! Palagi syang tumatawag sa akin at pag online ako palagi ring nag YYM. Wala naman akong sa MOOD makipag bolahan sa kanya. Walang ibang lalake sa isip ko ngayon kundi si special monster. At dahil don, naiinis na ako sa sarili ko. Baka mamaya e matulad na to sa naramdaman ko kay Em. Hindi pede. Wag muna.Hindi dapat! Wag po! Hehehe.


07 October 2008

Ang Konsensya

Hmm, anung kalokohan na naman ba ito?
Pilit kong pinagtatakpan kung ano ang totoo.
Pero ano nga ba ang totoo?



KONSENSYA 1: Ang totoo, gusto mo sya, natatakot ka lang.


KONSENSYA 2: Ang totoo talaga, hindi mo sya gusto. Ginagamit mo lang sya. Nililibang mo lang ang sarili mo. Ganun din naman sya sayo,kaya maglaro na lang kayo pareho.


KONSENSYA 1: Hindi! Nagkakamali ka! Mahalaga ka rin sa kanya. Hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa nya para sayo? Hindi naman nya yun ginawa sa iba.


KONSENSYA 2: Tanga ka ba!?!?! Natural, style nya lang yun para mahulog ang loob mo sa kanya. Kaya wag mabuti pa, makipaglaro ka na lang, unahan mo sya.


KONSENSYA 1: Wag! bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong ipakita ang tunay nyang motibo. Mabuti syang tao, katulad din ng pagkakakilala mo sa kanya. Wag kang matakot magtiwala.


KONSENSYA 2: KALOKOHAN! Paiiyakin ka lang din nya katulad ng ginawa nya sa ibang babae. Pinapaasa ka lang nya.Ikaw lang ang flavor of the month sa ngayon. Wag kang magpakatanga,.. gamitin mo din sya.


Itigil na ang kalokohang ito. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Bahala kayo! HMP! Adik!

06 October 2008

Antok Moments



Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapigilan ang aking kaantukan sa araw na ito. Ewan ko ba kung bakit? Hindi naman maulan kung saan magiging malamig ang klima at talagang matutukso kang matulog. Tinanghali na n ga akong magising kanina, kahit na narinig ko na ang alarm clock ng kapatid ko. Hindi ko lang maimulat ang mga mata ko, at para bang hinang hina pa ako. Nakatulog ako uli at paggising ko, tirik na ang araw. Tinatamaan na ako ng mga sinag nito kahit nakasara naman ang kurtina sa aking kwarto. Halos hindi ko talaga maibangon ang aking katawan sa labis kong katamaran. Pero pinilit ko na lang.


Pagkatapos kong kumain ng almusal, wala pa rin talaga akong lakas para kumilos. Marami akong dapat ayusin ngayon. Una, ang mga damit ko, mukha na namang pinaglabanan ng kung ano ang aking cabinet. Kelangan ko na rin magbawas ng damit na hindi ko naman masyadong sinusuot, ipa-repair ang mga dapat i-repair at ipamigay ang mga iba sa kawang gawa. Inayos ko na rin ang mga dapat kong dalhin (kung sakali).


Pero, talagang wala akong sa mood. Parang may magnet ang kama ko at talagang hinihila ako pabalik sa kanyang piling. Nakatulog ako uli. Isang maikling idlip. Bumaba ako uli upang magtanghalian. Parang pinababa ko lang ang kinain ko at nagawa kong matulog uli. Lagpak na naman sa kama. Pinilit ko na ngang manuod ng TV pero wa epek ito. Talagang nais kong mahimlay at mahimbing. Mga 2 oras pala akong nakatulog ngayong hapon. Hindi pa nga ako magigising kung hindi ako nakaramdam ng init. Brownout pala! Kamusta naman. Mabigat pa rin ang katawan ko ng ako’y bumangon. Walang nangyari sa aking maghapon. Lunes na lunes pa naman. Naligo ako para naman magising ang dugo ko (at sana pati ang aking kaluluwa).



02 October 2008

October na!

Unang araw ng October sumpong ako ng katamaran. Tanghali na akong nagising dahil hindi ko naman naramdaman ang sikat ng araw. Maulan ang miyerkules na ito. May bagyo kasi, pero hindi naman talaga dito sa lugar namin. At dahil ngasa ganitong panahon, nakakatamad bumangon at kumilos. Masarap lang mahiga sa kama maghapon, ang kaso hindi naman pwede dahil may appointment ako sa aking dentist. Ayoko naman i-cancel pa ito uli dahil dapat nung Saturday pa ako nagpunta. Hinintay ko na lang na medyo tumila si ulan at saka ako umalis.


Sa clinic… anak ng tinapay, pakiramdam ko na naman ay wala akong ngipin sa unahan. Sobrang higpit na as in to the max na ata ang higpit ng braces ko sa upper lateral ko. Nakadagdag pa ang chainsaw… Hayzzz… Good thing, hindi ko na kailangang mag elastics. YAHOO!!! As in yahoong yahoo. Tinanggal na din ang brackets ko sa lower lateral. Sabi ni Dra. Annie siguro December pedeng tanggalin. Sa wakas, makakakain na din ako ng maluwalhati.

Hayzzz. October na.Grabe ang bilis ng araw. Pero sana matuloy ang mga plano ko for this year, bago matapos ang taon na ‘to. Sana, sana,.. so help me God! Toinks!

Kanina ko lang narealize na wala nap ala akong kapera pera. Shit! Mahirap pa ako sa daga. ( Ngunit ako’y isang daga?!?!) nyahaha! Ang laman na lang ng wallet ko ay tumatagingting na 60pesos. San naman kaya ako makakarating sa 60 pesos? Ibinili ko pa kasi ng sim ang engot kong utol dahil walang ginawa ang sim card nya kundi kainin ang mga pinaload ko. Crap! Wala na nga rin pala akong load. Shit! Ano bang nangyayari? Wala na akong pera talaga. Mabuti na lang at may mga taong may mabuting kalooban na pinapaalhan ako ng load. NAKS! Ang galing diba? Hindi nila kasi kayang hindi ako makausap e,.. hehehehe…

Pero sa totoo lang kailangan kong kumita kahit konti. Kailangan ko ng part time job. Inisip ko kasi, kung mag aaply pa ako masasayang din dahil aalis naman ako. At matagal ko na talagang pinaplanong umalis. Pakiramdam ko kasi hindi talaga ako para dito e. Unang una, wala namang nangyayari.Hay… baka naman nasa ibang bansa ang swerte ko,..hehehe. Pero mga dalawang buwan pa ako tatambay. Yung 60 pesos ko, kailangang madagdagan. Kahit pang kape sa Starbucks hindi pede yung pera ko. Crap!

Trabaho, pera… Eto lang ang iniisip ko nagyon. Hmmm, ok, syempre iniisip ko rin ang akong bagong inspirasyon. Hehehe. Teka, speaking of him, hmmm,….dapat siguro hindi talaga ako nagpanic. Hinayaan ko na lang muna kung anung meron dahil hindi pa naman talaga ako sure. Pero infairness, naka one month na at mukhang continuous naman ang mga ginagawa nya. I find it sweet! Wala lang. Hehehe. Sana nga maging ok kami. Nyaks! Nag ilusyon! Sabi nung friend ko, wag ko daw replyan for two weeks, para daw matesting if mamimiss ako. Grabe! Sira ulong yun! E ako naman ata ang papahirapan nya! Pero, naisip ko, magawa kaya. Wala namang masama e. Testing lang kung talaga bang may halaga ako sa kulangot na yun! Hahaha… At sana matiis ko naman sya. Toinks!

Hay! October na! Tapos maya maya pasko na. Kelangan ko na talagang rumaket e. Makapagbenta kaya ng laman?! May bibili kaya? Hehehe… Sana makasimot ako ng pera, tulad nung 500 na nasimot ko. Makasali kaya sa mga game show? Tumaya kaya ako sa Lotto? Mag benta ng shabu? Ano kaya???!?!?!?