18 February 2008

i hate love


Life isnt fair... You cannot always have the one that you want and its giving me so much pain now. >sigh<>



14 February 2008

Happy Valentines Day

Nung wednesday nagpunta ako sa isang mall kasama ang pinsan ko. Nag-ikot-ikot...nagwaldas ng pera sa mga walang kwentang bagay. Syempre bumili ako ng libro. Teka, hindi pa nga pala ko bayad sa pinsan ko? Sya kasi ang nagbayad nun. hehehe. Para akong batang ini-enjoy ang buhay ko. Pero sa kabila naman nun, maraming nakalinya sa isip kong dapat kong gawin. Pero time out muna. Nakakastress na kaya yon. Relax muna. Kailangan ko ng ibang environment. Hindi ako umuwi noon sa amin. Dun muna ako nakitulog sa mga pinsan ko. Kasama naman talaga 'yon sa plano ko. Nagtext lang ako sa nanay ko at sinabing hindi ako uuwi.

"Heto na naman..." sabi ko sa sarili ko, habang pinapasok ko ang masikip na eskinita na puno ng nagkalat na mga batang amoy araw, mga lalakeng ala Joaquin Burdador, mga babaeng nagtsitsismisan at naghahagalpakan. Namiss ko rin naman ang Maynila. Ang maduming hangin at amoy ng kanal na puno ng basura. Eksakto na namang may nag iinuman sa daan kaya kulang na lang ay tumagay na rin ako sa mga astig na repakol don. Hehehe.

Bukas, Valentines Day... Isang bagay lang naman ang naglalaro sa isip ko. Babatiin nya pa kaya ako? Alam kong mukhang malabo. Asa pa ba naman ako sa ugali ng engot na yon? Hay! Bakit ba kasi napakatanga ko? Ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili ko..."huwag ka nang umasa...huwag ka nang umasa..." Anak ng pagong! Ito na talaga ang huli! Kapag wala pa rin nangyari bukas. Dapat ko na talagang tapusin ang lahat. Pilit ko paring inaaliw ang sarili ko sa kabila ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. Mahal ko sya pero wala na akong magagawa para mapabalik sya. Matabang na at wala ng lasa ang aming relasyon. Kahit ata isang sakong asukal pa ang ilagay ko rito. Isa pa, nakakaramdam na rin ako ng pagkasawa at pagod. Maingay pa ang kapitbahay pero bagsak na ko sa kama. Bukas...Valentines Day na...

Eto na, Valentines Day na. Maaga akong nagising dahil kailangan ko na ring umuwi. Marami na ang nagtext para bumati. Pero iasng tao lang naman ang hinihintay kong magtext sa akin. Habang nasa byahe. Para lang akong lumulutang. Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa isang flowershop para bumili ng rose para sa nanay ko. Ilang taon ng patay ang tatay ko at wala namang magbibigay sa kanya ng bulaklak kundi kaming mga anak nya. Marami akong nakasabay na bumibili ng bulaklak. Shit! kelan kaya ako makakatanggap,kahit isa lang...basta galing sa kanya...hmmm,,. asa pa!

Isang malamig na araw ng mga puso. Malakas ang hangin at medyo maulan. Iniabot ko ang rose sa nanay ko. Dinala naman nya agad yun sa may altar. Pagpunta ko sa kwarto, may bigay din pala sa akin ang kapatid kong bunso. "sweet"hehehe naalala din pala ako ng utol ko. Kung iisipin, sya nga pala ang pinaka importanteng lalake sa buhay ko ngayon. Maghapon lang ako sa kwarto. Malamig... masarap matulog at masarap ding may kayakap. Pero unan lang ang meron ako ngayon. Hay... wala na... Di na sya magtetext...

Umakyat agad ako pagkatapos ng hapunan. Pagtingin ko sa cel ko... Shit! umiilaw! Ibig sabihin may message! Tiningnan ko kaagad. Anak ng! Sya un! Para akong baliw na tuwang tuwa dahil nagtext sya para batiin ako. At dahil excited, nagreply naman ako agad. Mabilis naman ang karma. Dahil nalungkot lang ako nung nagreply sya uli. Last load na daw nya yon. Naubos na kasi dahil madami syang binati. Aray! Latak lang pala ako sa load nya.Pag may labis saka lang ako maaalala. At sa dami ng binati nya ako pa ang huli. Isang bagay lang ang ibig nung sabihin. Hindi na talaga ako mahalaga sa kanya. Hay! Nablangko lang lalo ako. Pinamukha nya lang sa akin na wala na talaga at dapat ko na ring itigil ang kalokohan ko.

Happy Valentines Day! Pasensya na kung sobrang late na ng greetings ko...