17 September 2011

Wake Me Up When September Ends

Hindi ko alam ang kwento sa likod ngkantang "Wake Me Up When September Ends" pero in a away medyo nakuha ko yung idea. Hay... bakit nga ba ganito kapag September? hindi ko ma-explain yung feeling. Dapat swabe lang,. pero andun yung adrenalin rush. Wala namang importanteng okasyon,. wala naman akong maalala na Holiday, pero ang busy at ang bilis ng ikot ng mundo kapag September. Nakakapressure,. nakakatense,. pero masaya,. Ang nerbiyos ay kailangan din sa buhay para maging maligaya.



Nakalinya na ang isang katerbang dapat kong gawin. Pero eto ako at nakatunganga pa din. Nagkwekwento. Nagpaplano. Isang bagay ang natutunan ko, kahit gaano kabilis ang ikot ng mundo mo, minsan kelangan mo nang huminto saglit at magpahinga muna. Tumahimik sa isang tabi. Pumikit. Huminga. Ngumiti. At isiping maayos din ang lahat.