Bilog ang mundo ngunit buong buhay mo umiikot sa apat na sulok nito...kwadrado... masikip...paulit-ulit.
27 November 2007
Malubhang Karamdaman
Natural lang sa nanay ang mag-alala. Natatakot sya baka daw anong meron sa akin. May sakit nga ba ako? Hmmm, masamang damo, matagal mamatay. hehehe... Wala lang naman 'to.Panic lang palagi yang si mommy. Ang alam ko anemic ako. At talagang bata pa lang ako hindi na ko HEALTHY. Isa akong LAMPAYATOT. Hmm, napapaisip tuloy ako bigla ngayon? Naka-tatlong pasa na pala agad ako? Sa loob ng isang linggo may average na 4 na pasa ang nakukuha ko. Ayos ah?
Kung sa bagay, may ilang araw na rin akong walang energy. Nanghihina talaga ako at palaging walang ganang kumain. Hala!!! may sakit ako?!!?! hehehe,. Sa tingin ko, SOBRANG STRESS lang talaga ako ngayon! DAMN IT! Sino bang hindi ma-stress sa buhay na 'to! Sabi nga ni Ulang sa kwento ni Bob Ong, .. "ang hirap gumawa ng wala". Tama naman e, ni hindi mo nga malaman kung kelan matatapos. Ang hirap mag-isip ng wala kang iisipin. Ang hirap mag-plano ng hindi mo alam kung ano ang dapat mong simulan. Grrrrrrrrrrrrrrrr! Nakakainis di ba?
Sabi ng nanay ko, magpacheck-up daw ako. E, ayoko nga! Ayokong marinig ang sasabihin ng doktor e. Isa pa, wala naman talaga akong nararamdaman. Yung sumpong ng tyan ko, alam ko na yon. May gamot na ko para don. Etong mga pasa,.. nawawala rin naman ng kusa yang mga yan. Nothing to worry. hehehehe...
Sa isang araw... mababatukan na ko ng nanay ko! hehe. Ang tigas daw kasi ng ulo ko.
21 November 2007
Bukas Kung Mamamatay Ako
ano kaya ang mangyayari?
Sisikat kaya muli ang araw sa silangan?
O bubuhos ang malakas na ulan?
Sana bumuhos na nga lang ang ulan,
Kahit man lamang ang ulan
ay lumuha sa akin,
kung sakaling walang umiyak
para sa akin.
May mag-aalay kaya
ng bulaklak sa akin?
Sana kahit isang rosas man lang,
para naman kahit sa huling sandali
makatanggap man lang ako ng bulaklak.
Sino-sino kaya ang pupunta sa lamay?
Upang magpuyat
at magbantay sa akin?
Sino-sino kaya ang iiyak?
Kani-kanino kayang luha
ang papatak sa aking kabaong?
Ano kaya ang kantang tutugtugin
sa aking libing?
Meron kayang mahihimatay?
Sino ang huling magtatapon ng bulaklak?
Saan kaya ako ililibing?
Sino kaya ang hindi makakatulog
sa unang gabi kapag ako'y wala na?
Sino ang unang magpapamisasa
aking kaluluwa?
Ano kaya ang pakiramdam
kapag patay na?
Makikita ko kaya si Daddy?
Makikita ko kaya ang
ibang pumanaw na rin?
Ang tanong?
Kung saan ako mapupunta?
Sa langit?
Sa impyerno?
Sigurado sa impyerno.
Gaano kaya kainit don?
Ano kaya ang parusa ko?
Patay na ko,
pero maghihirap pa rin.
Hanggang kailan kaya?
Kung bukas mamamatay ako...
Matatapos na kaya
ang kalungkutan ko?
Siguro hindi...
ganun pa rin.
Kung bukas mamamatay ako...
Lumuluha pa rin ako,
Pero mabuti na rin siguro
na lisanin ang mundong ito.
Baka sakaling sa kabilang mundo
Doon ko makita ang hinahanap ko
Isipin na nating nasa impyerno na ako,
Kahit nahihirapan ayos lang...
Kung bukas mamamatay ako...
Sino kaya ang kasabay kong mamatay?
Sino kaya ang makakasama ko?
Sino kaya ang makakausap ko don?
Kung bukas mamamatay ako...
Mamamatay din kaya siya?
Sana oo,Sana mamatay din sya...
Ngunit paano kung mamatay nga sya?
At sa langit sya napunta
Hindi ko rin sya makakasama
Hindi ko rin sya makikita
Sana pareho kami ng pupuntahan
Para makasama ko na siya
Sana hawakan na niya ang kamay ko
At di na muling bibitawan pa
Kung bukas mamamatay ako...
Mamamatay rin sya...
Sa kabilang buhay siguro
18 November 2007
EWAN
EWAN...
-sagot ng mga hindi sigurado.
-sagot ng mga nag-aalinlangan.
-sagot ng nagkukunyaring may alam.
-sagot ng mga "playsafe".
-sagot na neutral lang.
Inakala kong mas malilinawan ako. Pero, mas lalo lang gumulo. Anak ng tofu! Lalo lang nyang ginawang KOMPLIKADO ang buhay kong complicated. (hehehe) Ang totoo, napaiyak na talaga ako. Masakit kasi. OUCH talaga! Hirap na rin syang magpaliwanag para tumahan ako. Kung may magagawa lang ba sya. Hindi na sana nangyari pa 'yon.
Hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama. (ooopss! sa kama ko po at nakadamit ako no?) Malalim ang iniisip. Tatlong taon na mula nung nagkakilala kami. At hanggang ngayon, iisa lang ang problema namin. Bakit ba ganon? Wala kaming magawa dito. Sya ang unang lalakeng minahal ko at mahal pa hanggang ngayon. Ako, ako ang babaeng hindi nya makalimutan sa buong buhay nya. Kahit na ilang beses naming putulin ang mga bagay na nag-uugnay sa amin. Pilit pa rin kaming pinagtatagpo. Pinagtatagpo,. para paghiwalayin. Ang hindi ko maintindihan, bakit ba kailangan pang mangyari ang mga bagay na yon? Nasasaktan lang lalo ang isa't isa.
Mukhang tama sya. EWAN nga. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng buhay naming dalawa. Minsan, gusto ko na ring tanggaping hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro nga. Nanghihina pa ako sa nangyari. Kanina lang yon.
EWAN ko, . hindi ko alam,. bukas.,. sa isang araw,.,kung magkikita pa ba kami at magkakasama uli. EWAN ko kung kelan ko sya makakalimutan. EWAN ko kung kelan sya magkakameron ng lakas ng loob. EWAN ko... )-;