21 November 2007

Bukas Kung Mamamatay Ako


Kung bukas at mamatay ako,
ano kaya ang mangyayari?

Sisikat kaya muli ang araw sa silangan?
O bubuhos ang malakas na ulan?
Sana bumuhos na nga lang ang ulan,
Kahit man lamang ang ulan
ay lumuha sa akin,
kung sakaling walang umiyak
para sa akin.


May mag-aalay kaya
ng bulaklak sa akin?
Sana kahit isang rosas man lang,
para naman kahit sa huling sandali
makatanggap man lang ako ng bulaklak.

Sino-sino kaya ang pupunta sa lamay?
Upang magpuyat
at magbantay sa akin?
Sino-sino kaya ang iiyak?
Kani-kanino kayang luha
ang papatak sa aking kabaong?


Ano kaya ang kantang tutugtugin
sa aking libing?
Meron kayang mahihimatay?
Sino ang huling magtatapon ng bulaklak?
Saan kaya ako ililibing?
Sino kaya ang hindi makakatulog
sa unang gabi kapag ako'y wala na?

Sino ang unang magpapamisasa
aking kaluluwa?
Ano kaya ang pakiramdam
kapag patay na?
Makikita ko kaya si Daddy?
Makikita ko kaya ang
ibang pumanaw na rin?

Ang tanong?
Kung saan ako mapupunta?
Sa langit?
Sa impyerno?
Sigurado sa impyerno.
Gaano kaya kainit don?
Ano kaya ang parusa ko?
Patay na ko,
pero maghihirap pa rin.
Hanggang kailan kaya?

Kung bukas mamamatay ako...
Matatapos na kaya
ang kalungkutan ko?
Siguro hindi...
ganun pa rin.



Kung bukas mamamatay ako...
Lumuluha pa rin ako,
Pero mabuti na rin siguro
na lisanin ang mundong ito.

Baka sakaling sa kabilang mundo
Doon ko makita ang hinahanap ko
Isipin na nating nasa impyerno na ako,
Kahit nahihirapan ayos lang...

Kung bukas mamamatay ako...
Sino kaya ang kasabay kong mamatay?
Sino kaya ang makakasama ko?
Sino kaya ang makakausap ko don?

Kung bukas mamamatay ako...
Mamamatay din kaya siya?
Sana oo,Sana mamatay din sya...
Ngunit paano kung mamatay nga sya?
At sa langit sya napunta
Hindi ko rin sya makakasama
Hindi ko rin sya makikita
Sana pareho kami ng pupuntahan
Para makasama ko na siya
Sana hawakan na niya ang kamay ko
At di na muling bibitawan pa

Kung bukas mamamatay ako...
Mamamatay rin sya...
Sa kabilang buhay siguro
Kami ang para sa isa't-isa




No comments: