30 August 2008

Ang Pinaka kong Biyernes

Palagi kong tanong sa aking sarili... "ganon na ba talaga ako kasamang tao at pinaparusahan ako ng ganito?" Parusa nga ba ito o sumpa? Mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit ba parang ako lang ang taong makasalanan at sumambot lahat ng kamalasan sa mundo. Ito ang buhay ko, nakakasawa.. Puro sablay, walang magandang nangyayari. Kung meron man, isang iglap lang at siguradong hindi magtatagal at may masama itong kapalit.



Biyernes noon. Ang pinakamalas at masamang biyernes ng buhay ko. Walang sinabi ang mga kinatatakutan nyong friday the 13th na yan. Dahil buong puwersa ata ng kadiliman ang nagsanib pwersa nung araw na yon para hiyakatin muli ang aking kaluluwa sa walang hanggang kalungkutan.
Kaya naman pala maraming kakaibang nangyari umaga palang ng araw na 'yon... Una, wala pang baha nung lumabas ako ng bahay kahit high tide naman. "Swerte" nasabi ko pa sa sarili ko. Pagkatapos nakalibre pa ako ng pamasahe sa tricycle. Pagsakay ko naman sa jeep, hindi na naman sinasadyang "student fare" ako. Masyado pang maaga noon, kaya nilakad ko na lang ang kahabaan ng Timog hanggang Tomas Morato. Tutal naman hindi pa ganon kainit at wala pang masyadong tao. Isa pa, exercise na din 'yon. Sa totoo lang ayos lang sa akin ang maglakad dahil mas nabibigyan ko ng pansin ang mga bagay bagay sa aking palagid. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ako ng mga ideya kung ano ang mga dapat kong isulat.

Saktong 7:30 palang nang makarating ako sa office. Maaga pa katulad ng dati. Inakala kong isang karaniwang araw lamang iyon,nagkamali ako. Hindi pala.

Araw ng sweldo. Sa wakas, nang inabot sa akin ang pay check ko, tinanong ako kung meron na daw akong natanggap sa sulat. Nagtaka ako, at sinabing "wala po". Buong araw kong iniisip kung anung sulat kaya yon at para saan. Sa totoo lang halos hindi ako nakapagtrabaho buong maghapon dahil don. Medyo kinabahan na rin ako at parang alam ko na. Pero binalewala ko yon. Ayoko nang mag isip ng negatibo. Nagbabagong buhay na ko.

Natapos ko na ang trabaho. Kelangan kong umuwi ng maaga dahil sa Laguna pa ako uuwi ngayon. Sinabihan akong dumaan sa kabilang opisina, may sasabihin siguro si Ma'am sa akin. Shit!!!! Baka may kinalaman din yun sa sulat na sinasabi sa akin kanina.

Pumasok ako sa kwarto ni Ma'am, malamig ang aircon, kinakabahan ako. Inaabot ang sulat.Shit! Tae! Sabi ko na nga ba. Nagpapaliwanag sya at sinasabi ang buongdetalye ngunit parang wala akong marinig. Iniisip kong panaginip at di ito totoo. Pero eto an nga. Gusto ko nang maglaho bigla sa kinauupuan ko nung mga oras na yon. Ni hindi ko magawang magsalita at magtanong. Alam kong konting minuto pa na ilalagi ko sa loob ng silid na 'yon ay babagsak na ang luha ko. Pucha ang sakit! Nadurog na naman ang pagkatao ko. Ang baba na nga ng tingin ko sa sarili ko, mas lalo pang hindi ko na ito mahukay pa sa pagkakabaon.




Lumabas ako ng silid na parang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kinuha ko lang ang gamit ko at hindi ko maayos ayos sa bag ko. Bwiset! Lumabas ako ng building. Tumawid sa kalsada. Parang gusto ko nang magpabangga sa jip. Pumapara ako ng masasakyan ng may mga luha sa mata. "wag kang tanga! umiiyak ka!" Bulong ko sa sarili. Halos pumapatak na ang luha ko sa loob ng jip. At nang bumaba naman ako para sumakay ng bus, para lang akong nakalutang sa ulap.



Umiyak lang ako sa bus. Pero pinipigil ko ang mga kaawa awa kong mga luha. Wala naman akong mapagsabihan ng problema ko sa mga oras na 'yon. Palagi naman akongnag iisa e. Hindi na ako nasanay...

Ano bang mangyayari sa buhay ko ngayon? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kung para saan ba talaga ako. Tang ina kasi! Bakit pa ako nabuhay? Wala naman akong silbi. Wala akong kwentang tao. Dapat sa akin mamatay. Mamatay...




No comments: