Hindi na ako masyadong nakakapag-blog. Ito ay dahil sa.. hmm... maraming dahilan. Una, dahil na sa trabaho. Obviously, sa ibang bahay ako nag-sstay ngayon kaya hindi ako nakakapag internet. Actually may access naman ako sa net don kaya lang pag-uwi ko kasi sobrang pagod na ako at feeling ko hindi na rin ako makagawa ng iba pang bagay.
Sobrang init lang kasi talaga sa site at pakiramdam ko e natutunaw ako sa ilalim ng sikat ng araw. Kasabay rin noon ang pagkaubos ng aking energy. Mga more or less 30 minutes ang travel time ko mula dun sa bahay na tinutuluyan ko at sa site. Tapos, maglalakad ako ng mga 5minutes papasok dun sa village. Ganon ang sistema everyday except na lang kung wednesday dahil umuuwi ako sa amin at kapag weekend.
At dahil nga nakikitira lang ako, hindi ganon ka-comfortable dun sa bahay. Kaya nga " There's no place like home". Although, I was blessed enough because I was treated very nice by the chinese family that I'm with pero syempre iba pa rin sa bahay mo talaga. Pag uwi ko sasalubong na sa akin yung bunsong anak nila si Moimoi, (in chinese kasi moimoi means small) so literally she's the smallest and bunso. Pero halos pareho kami ng real name. Yung sinundan nya si Ella, mabait din sya sa akin. Silang dalawa palaging nandon sa room ko every night at nakikipagkwentuhan kahit na minsan ay hindi ko na maintindihan ang mga kwento at laro nila dahil liyong liyo na ako sa antok. Mababait naman sila ng mga bata kahit na medyo may kakulitan atleast hindi maldita.
Kapag naman weekend, normally gabi na rin ako umuuwi. Kain lang nang dinner ayusin ang gamit, shower tapos tulog na. Bihira na ko makapagcheck ng email, mag-log sa facebook or friendster. Ka-chat ko lang ang kapatid or tito then wala na. Ngayon ko na lang nabisita si Blogspot at nakapag gawa ng entry. Sorry...
Ang dami dami na ngang nangyari e. Dami ko na dapat entry. Kaya lang tamad pa ako at walang time. hehe... maybe next week mailinya ko na nang maayos ang mga dapat kong gawin at sana hindi ako masyadong drain sa work para makagawa naman ng ibang bagay. Hmm, lapit na haloween..... Trick or treats...
No comments:
Post a Comment