Each year, we see to it na makapag Christmas Party kami ng mga High School friends ko. Kahit na gaano kahirap mag set ng date dahil nga busy busyhan ang lahat sa kani-kanilang scheds. Talagang pinipilit pa din namin na magkita kita. Before,. kami kami lang,. ngayon expanding na. Kasama na rin ang mga kids na kami kami rin naman ang magkukumare. Pero, sabi nga nila,.the more the merrier kaya talagang mas masaya. Yun nga lang,.. madalas na din kaming hindi nakukumpleto.
Anyway.... This year, ( I mean the 2010 Christmas Party ) was held at Happee's house. Here's the catch kasi birthday nya din nung New Year e. Saya no? Daming reason to celebrate. So, katulad ng dati... PotLuck at Inuman! hahaha...
Sayang talaga,. marami pa din di nakapunta nun. Pero enjoy kami sa 2 kids ni Rona. At inaanak ko yung youngest. ( proud ninang here! ) Actually, I'm not into kids. Parang iilan lang yung batang gusto ko. Ayoko sa baby pala. Hehehe... takot ako sa kanila parang napaka fragile kasi. Mas enjoy na ko sa toodler at yung pede nang kausapin. Kaya lang ayoko rin nung sobrang daldal tapos non-sense naman. ( nag -explain na talaga ako dito ) Ok. balik tayo sa inaanak ko. Hindi kami close actually, He's only three, at nung last year na nagkita kami e wala pa syang muang sa mundo kundi ang maglaro ng maglaro hanggang makasira ng screen door. hehehe. Pero nung nakita ko sya. Isa lang ang nasabi ko. "Patay! Ang laki nung T-shirt na regalo ko! Pang hanggang grade 3 na ! " ( Joke! ) Sobrang naaliw ako sa kanya. Kahit alam mong maraming bata mas cute pa sa kanya,. macoconsider mo syang cute. I love his facial expressions! Panalo! hahaha... Basta... tawa ako ng tawa sa kanya. Sana lumaki syang mabuting bata. Next year daw papasok na din sya. Sana katulad sya ng ate nya active sa school. Hands off naman ako sa aking mga friends na mother na. Talagang they handle their kids well. Sana ako rin, kapag naging mom na soon! ETCHOS! Sayang di present si Lois at Zacky. Minsan ang Christmas Party kasi namin parang children's party lang. hehehe....
Umuwi nang mas maaga si Rona dahil sa dalawang bata. Buti nakasunod si Pen although galing pa sya sa wake. Tawanan at kwentuhan. Kainan at inuman. Ganon lang kasimple kaming mag celebrate pero masaya... enjoy... Hindi naman namin napatumba ang THE BAR. Mahina naman kami lahat uminom except kay Bb. Quantum Science na kunyari mahina din uminom. At eto pa pala memorable nun. Naghiwahiwalay na kami nung mga around 7pm. ( Pen needs to leave ) At isa pa the next day may pasok na. At dahil blockmate ko lang si Ai sabay kami umuwi. At akalain mong naglakad kami pauwi?!?!?! Hindi naman kami lasing... Derecho pa naman lakad namin pero talagang parang ang bigat na nang mata ko ( nakakaantok pala ang THE BAR???!? ) Hay nako! Pero success pa din! Nakauwi kaming matiwasay. hehehe.
Salamat sa kapangyarihan ng Quantum Science...
Salamat sa pagkakaroon ng mga mabubuting kaibigan...
Sa uulitin...
No comments:
Post a Comment