Bilog ang mundo ngunit buong buhay mo umiikot sa apat na sulok nito...kwadrado... masikip...paulit-ulit.
26 February 2011
Lumapit Ka Sa Akin...
'Wag kang madadapa
'Wag kang mahuhulog
'Wag kang mawawala
'Wag kang matutulog
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Tumanaw ka sa daan
Lumingon ka sa likod
Ipunin ang yong tapang
Saka ka tumalon
Ikaw ang bibitaw,
Ikaw ang sasalo
Pagka't ikaw din ang aahon
Sa dagat ng gulo
Ikaw ang syang landas
Oh 'wag kang madudulas
Maghihintay ako
Uh-oh
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Naliligaw ka ba?
Nalilito-lito?
Hindi ka ba kontento
Sa buhay mong bato?
Mapalad ka pa ba?
Sa tadhanang hawak mo
Hawiin mo ang kwento
Iguhit ang sayo
Hawiin mo ang usok
ng pagkakabigo
Andito lang ako (andito lang ako)
Uh-oh
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
'Wag kang padudulas
'Wag kang padadapa
'Wag kang pahuhulog
'Wag kang madadapa
Lumapit ka sa akin ('Wag kang mahuhulog)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang mawawala)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang matutulog)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang madadapa)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang mahuhulog)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang mawawala)
Lumapit ka sa akin ('Wag kang matutulog)
Lumapit
15 February 2011
Red and Itchy
There's so many things inside my head right now. I think I'm back on the track. I've been idle for a weeks or so. And now... I'm kinda adjusted with my new job as a Project Coordinator. Unfortunately, today I didn't go to work for I've been suffering with severe eye irritation. It started yesterday afternoon and everything to me becomes literally RED ( watta day to spend valentines ). Until this morning my right eye itched and still red so I decided not to go to work anymore for I thought of it as an eye sore. I hurriedly went home this morning to see my physician and in the end it was diagnose as an irritation because of my contact lens. Gee! I've spent a couple of bucks for new pair of contacts as well as my eye glasses. As of the moment, some part of my eye is still irritated and somehow itch. I hope I can manage to go back to work tomorrow. But what's bugging me rightnow is that I broke my current eye glasses!!! Gee!!! what should I do now?!?!? Both my new contacts and glasses will be available this coming Saturday. I hate having poor eye sight.
bahagyang kaugnayan
eye examination,
trabaho
13 February 2011
04 February 2011
New Job
Sa sobrang bilis ng nangyari last week, sana naman hindi ako nagkamali ng desisyon. Hay......... I find my new job boring. I have nothing to do at the office but to wait for the clock to turn 5:30pm. Grabe no? Sobrang idle. And I hate it. Feeling ko napaka unproductive ko. Grabe ule! Sana next week maraming new J.O.s na dumating para marami akong gawin. May pasok pa kapag saturday, half day daw. Sus! Nakakatamad,.. Kaya di na ko pumasok. hehehe... pasaway e.
Tapos isang bagay pa na napansin ko e parang delayed lagi ang sweldo nila. ANO BA YAN? Ganun na nga sa pinanggalingan ko tapos nalipatan ko ganun pa din. Base kasi sa mga usapan nila e mukhang mahina ngayon at nadedelayed ang sweldo. Goodness! Try ko sya for 1 month, if things didn't work out talaga e, hanap ako ule ibang trabaho. I hope things will work out right... according to the plan.
29 January 2011
Watta Blast!!!
This week is a BLAST!!! Urgh!!! There's so many things that happened... Grabe... I can't imagine that in just a week, my life would probably change. Ganito kasi yon e... Simulan natin sa simula...
- MONDAY - I went to Makati. I have an interview with ADCO Blue. Good thing 1:30 PM yung appointment ko dun kasi kung hindi siguradong ligwak. Monday kasi mahirap lumuwas. Along Chino Roces lang naman sila. Madaling hanapin. I was 30 minutes early kaya tambay muna ako sa South Gate nang biglang umulan ng bonggang bongga! Patay! The HELL!!! I was wearing heels pa naman tapos ganon!?!? Anyway... dahil maaga pa naman, nagpatila muna ako saka ako rumampa. I guess, 10 minutes earlier ako, tapos mamaya may dumating na din na ibang applicant. Walang exam, actually personality test lang sya lahat then interview with the HR. Wala lang,. relax lang,. di ko alam kung ano out come,. Sabi lang naman tatawag sila after maforward yun sa boss nila. Since December, pang tatlo ko na ata yung company nila. Lahat puro sa Makati. Una ung PJ Lhuillier, second yung ScotPH. Pero decided na talaga ako this time na I have to go... go out of my comfort zone. After nun nagpunta pa ako sa Pasig, yung electrician kasi namin may back job pa ulet. Hay nako! Pasaway...
- TUESDAY - Time to chillax! At sa wakas ng panahon natuloy din. Nagkita kami ni Pare after a year... a year and 7 months ata. Ganon ka grabe! hahaha... As usual, the agenda, movie. Nuod ng Green Hornet base sa napagkasunduan at napag debatehan namin. Ok naman yung movie... ok din naman yung pagkikita namin. Pero medyo nangangapa pa rin ako kapag kasama ko sya. Siguro nga kasi di ko naman sya palagi nakakasama. Kahit ba nakakachat ko sya at nakakatext e. Iba kapag kaharap mo na. Yun yun e! hehehe..... Di lang ok yung food,. hahaha,.ewan ko ba di masarap spag sa Shakey's that day. Kaya nilunog ko na lang ang sarili ko sa Ice Tea. Grabe,. feeling ko nasa leeg ko pa lahat nung nanunuod kami. Ako ata nakaubos nung isang pitcher.Tapos yun,. after kain and after movie, ikot ikot lang sa mall. Ganun lang kasimple. Pare is one of the nicest guy I've ever met... in person ha,. pero sa text nako! palagi akong asar don! hahaha... Unforgettable day 'to isa sa pinaka unforgettable e yung pag pasok ko sa CR ng lalake. HAHAHA! Stupid! Pero eto ang paliwanag don, may katext kasi ako regarding sa Meralco application kaya nakatungo ako tapos nung pagtingin ko naman sa sign ng men o women e mukhang men yung unang room kaya nilampasan ko. Hindi ko naman talaga sinasadya, engot din naman yung janitor kasi hinayaan nya kong pumasok e andun lang naman sya sa may pinto. Kainis!
- WEDNESDAY - Birthday ni mommy. At nablog ko na yung kwento. Additional na lang ..... Nagtext ule yung ADCO sa akin, for final interview na daw tomorrow 9:30 AM. Shit!!! AM na! Kaya yun, nagdecide na akong di umuwi kasi sayang pamasahe,. tapos maaga yung appointment baka matraffic lang ako at malate pa. Ang problema.. sapatos,. wala akong pang pormal. Kaya kahit wala sa budget, ayun! nakabili ng di oras. Anyway kelangan ko na rin naman talaga ng isang pormal dahil na nasira na yung dati ko.
- THURSDAY -From Riverside, hindi ko masyado karkulado ang traffic kung papunta akong Magallanes. Umalis na lang ako ng maaga. Mahirap ng malate. Final interview yun. Siguradong boss na ang makakaharap ko. Kaso, sinubukan ata ni Bathala ang pasensya ko sa bago kong sapatos kaya napasubo ako sa isang mahabang lakaran. Pagdating ko dun sa office, saktong sakto lang at hingal na hingal ako. Pakiramdam ko pa e dugo na ang mga paa ko. Pakshet! Buti na lang mga around 10AM na nagsimulang magtawag sa interview. Bale, 4 kami. Yung isa don, nakasabay ko na nung lunes. Yung 2 bago sa paningin. Pangtatlo ako sa tinawag. Ok naman yung interview. Mabait naman yung boss nila. Mestiso yung mama. Kaya nosebleed ako araw araw kung sya na nga ang magiging boss ko. Anyway, magaan naman ung dating sa akin ng interview, parang nagkukwento lang. Sabi ule, tatawagan na lang daw hangga't matapos nya lahat ng applicants na mainterview. Pero di ko makakalimutan yung sinabi nya na "so far your the best that qualify in this position". Naks! watta compliment ! Dahil doon medyo nabuhayan ako ng dugo. May pag asa pa. hehehe... Pagkatapos nun balik sa Pasig ule, kumain tas uwi na ko San Pablo. Sa bus palang tinawagan na ako na ako daw ang napili. Shet! hours palang ang nakakalipas ok na agad. Sinabi na sa akin ang mga requirements na dapat isubmit at sinabi din na magreport na sa Monday para sa contract signing. WOW! OK! AYOS!
- FRIDAY - Inaayos ko na mga papeles na dapat ayusin. Pati na rin yung mga kelangan kong i-submit. Nagpunta ako FPIP. Kelangan kong kausapin sina Sir para mag paalam at para ipaalam mga gagawin nila kapag wala na ako. Actually dami pang pending kaso, eto na e. Naging maayos naman ang lahat. Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan e. Pagkatapos ko sa FPIP, balik ako ng Pasig. Punta ako City Hall para sa iba pa ring dokumento. Sa Pasig ko na rin piniling matulog kasi bukas pupunta pa ko LP e gabi na rin traffic na. Sayang din pamasahe kung pabalik balik.
- SATURDAY - At eto na nga, sabado na. Punta ako LP. Hay... mga papeles pa din. Pagkatapos ng konting kwentuhan sa bahay nina sir, derecho pa ko Sta. Rosa. Last route ko na for today. Pagod na ko. Dami ko pa gagawin. Daming dapat ayusin. Magsisimula ako ule sa simula. Hay... Antok na ko,. Shet! Matapos ko sana mga ginagawa ko. Bukas ng umaga, sisimba pa kami. Kain sa labas para sa Post BDAY celeb ni mommy tapos luwas na ule, pero this time sa Makati na...
bahagyang kaugnayan
ina,
industrial park,
stress,
trabaho,
traffic
26 January 2011
Happy Birthday Mommy!
Birthday ni mommy ngayon. Take Note she's 50. Sadly, walang party. Di namin nagawa ni ate yung plano talaga. Badtrip nga e,. pero ganun talaga. May mas mga importanteng bagay kasi kaming priority ngayon. As usual, gumising ako ng maaga ( kahit mahirap ), sinasamahan ko kasi si mommy araw araw sa pag attend ng 7am mass. Mahirap bumangon kapag malamig. Lalo na sa akin,.. masyado kasi akong ginawin e. Pero nagawa ko at natapos ko yung 9 days. Hehehe. Actually, nasanay na rin akong bumangon ng mas maaga sa usual ko na pag gising.
Tumapat kasi ng weekday ang birthday nya. May pasok kami lahat. Wala rin talaga chance to celebrate. Kaya sabi ko kay mommy, this weekend na lang kami mag celebrate pag uwi ni ate. "This weekend... may basabog si Judis..." eto ang text ko. Reply nya,. baka sumabog ang pwet ko nyan. Hehehe... Masasabi kong close na ko kay mommy compare before. Kaya ko na syang patawanin at nakakausap ko na sya regarding din sa madaming bagay. Sana makasama pa namin sya ng matagal. Si Daddy kasi madaya retired agad. Hehehe...
Ang daming nangyari this week. Kahit Wednesday palang. Watta blast!!! Bukas, may final interview ako. I hope things will work out according to plan. Hay sana talaga. Marami pa kong kkwento ngayon, grabe hectic ng sched... kaso kelangan ko pang gumawa ng report. haysss... Happy sana si Mommy kahit wala kami ngayon ni ate sa bahay. At sana next year mabigyan na namin sya ng party na gusto nya.
18 January 2011
Isang Hapon sa Piling ng mga Aso
Alam nyo namang lahat ngayon na medyo may pinagdadaan ako. It's Complicated ang current status kung Facebook pero hindi naman regarding sa Lovelife. Confuse lang sa career path. Nag decide muna akong wag mag work for this week. At ika 2 days ko na ngayong di napasok. Magulo lang talaga isip ko. Kahapon, maghapon lang ako sa bahay. Nakakatamad din kasi ang panahon. Sobrang lamig dito sa amin ngayon. Ang lakas ng hangin grabe! Kung nakawig ka, siguradong tanggal na ýon. Kami lang ng nanay ko ang nasa bahay. Habang hinihintay ko umuwi ang kapatid ko galing school, nakipaglaro muna ako sa tatlo naming aso.







Hay... Isang mahangin at masayang hapon. Sabi ng nanay ko, minsan daw kapag may problema ka, lapitan mo lang sila at kapag nakita mo sila mawawala ang lungkot mo. Medyo gumaan talaga ang pakiramdam ko pag katapos kong makipaglaro sa kanila. Mabuti pa sila, parang walang kaprobleproblema. Kahit na sa maraming sitwasyon, mahirap maging isang aso. Kaya naman mahal na mahal namin sila. Malapit ng mag two years old sina MICKEY at CREAMY. Si CHUBBY naman kaka-four years old lang last year. Masyadon na silang malambing, kahit na minsan napapagalitan sila, kapag nakita ka nila, lalapit pa din sila sayo. Kapag umuuwi ako galing Pasig, nakasalubong na agad sila. Kahapon na lang ule ako nagkameron ng oras na makipaglaro sa kanila. Nawawalan na talaga ako ng oras sa maraming bagay. Ganito na ba ako kastress? Hay nako... Umaasa ako na maayos pa din ang lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)