Showing posts with label bucket list. Show all posts
Showing posts with label bucket list. Show all posts

25 August 2010

Lake Pandin






Pangarap ko ang libutin ang buong mundo. Pumunta sa iba't ibang lugar. Makilala ang iba't ibang tao. At malaman ang iba't ibang kultura. Masyadong malawak at mahirap na pangarap pero... libre naman 'to sabi nila, at malay mo magawa ko. Basta ang mag-tour ay isa sa mga BUCKET LIST ko. Pero, para mas maging makatotohanan ang plano kong ito sa buhay, mas gusto kong mag simula sa pinakasimple. Ang libutin ang bayan ko. Ang bayan ng pitong lawa... San Pablo City dito sa Laguna. Syempre mas mabuti na yung alam ko ang pasikot sikot at kasuluk sulukan ng lugar na ito bago ko naman puntahan ang iba. At dahil nga kilala ang aming lugar sa 7 lawa, e natural kailangang alam ko kung san saan, at anu ano ang mga lawang iyon.

Sampaloc Lake ang pinaka sikat at pinaka malaki sa lahat ng lawa dito. Alam ito ng lahat ng taga San Pablo kasi makikita lang ito mismo sa bayan. Mantakin mong halos ilang metro lamang ito sa aming City Hall. Pero,ang catch dito e,.. yung anim na natitira pang lawa sa San Pablo. Kasi marami ang taga rito na hindi alam at hindi pa napupuntahan ang lahat ng lawa katulad ko na lang.

Kasabay ng birthday celebration ng barkada namin, isinabay na rin ang Lake hopping. At ang first stop.... Lake Pandin.....






having lunch at the balsa

grotto sa bukal



interview portion w/ the bangkeras

rainy in the lake






02 December 2009

I Heart Copenhagen... I Heart Denmark...


Royal Guard


Little Mermaid





Habang ini-enjoy ang aking mahaba-habang bakasyon. Sa wakas naman ay nagkameron ako ng time na manuod ng TV. hehehehe... Nanuod ako ng past episodes ng Oprah. October episode pa ata nya yung about sa Happiest People in the World ( grabe sobrang late na nung napanuod ko no? ) Pero habang pinapanuod ko yung episode na yun, nadagdagan na naman ang aking BUCKET LIST. Unti-unting nabuo sa isip ko na sana minsan ay makarating ako sa Denmark, doon sa city ng Copenhagen which is ther capital.







Wow! As in wow! Na-amaze naman ako sa mga Danes. Para kasing napakasimple ng pamumuhay nila. Isa pa, yung way of thinking nila ay iba din. Positive, practical at modernize na sila pero pinapahalagahan pa rin nila ang values at culture. Galing talaga,. napahanga naman talaga ako don. Hindi ako magtataka kung bakit sinasabing ang Denmark ang Happiest Place on Earth. Grabe talaga! Sobrang gustoko nang magpunta sa Denmark at doon na lang tumira. Pasensya na kung pinapakita ko na wala akong pagpapahalaga at pagmamahal sa bansa natin pero kasi, sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon ano pa ba ang naghihintay para sa atin?



Sana talaga makapunta ako sa Denmark. Dati ang France, Spain at Italy ang mga european countries na nangunguna sa listhan ko, pero ngayon Denmark na. I heart Denmark. One day, I'll be there... Hay...
photos courtesy of flickr.com