24 September 2007

ang unang kwento

Kung anong sarap ng buhay ko nung highschool, sya namang kabaligtaran ng buhay ko nung college. Unang buwan pa lang, pakiramdam ko mamamatay na ako. Para kasing napakahirap ng lahat noon... yung course na kinuha ko, ang mga tao sa paligid ko, ang buhay na meron ako.Parang halos lahat na ata. Hindi ko akalain na matatapos ko rin lahat ng yon.
Sa totoo lang hindi ko gusto ang course na kinuha ko. Mas gusto ko ang Architecture o kaya mag Fine Arts. Dun naman talaga ang linya ko, kahit nung bata pa ko. Hindi ko rin gusto ang school na pinasukan ko. Gusto ko kasi sa ibang lugar sana. Malayo sa amin. Kaya lang noong mga panahong yon, medyo hindi maganda ihip ng hangin. Kaya yon, dun ako napunta. Doon ako bumagsak.

Labag man sa kalooban ko ang mag aral dun, wala akong magagawa. Badtrip pa ang uniform nila. Natatandaan ko nung highshool ako sinumpa ko ata na hinding hindi magsusuot ng uniform na yun. Pero wala rin... Darating pala ang panahon na isusuot ko yon sa loob ng limang taon!!! Sinumpa ko rin ang unang araw ng klase. Hindi ko maisip kung paano pakisamahan ang mga tao sa paligid ko. Parehong catholic school kasi ang pinasukan ko nung elementary at highshool. Kaya medyo iba ang "mundo" sa bago kong school.

Unang araw, walang klase! Badtrip! Isa ko pang problema ang pag uwi. Dahil hindi ako masyadong marunong magcommute. Dahil may mga service naman kami mula elementary at highschool. Kakaunin at ihahatid ka. Kahit make-up classes pa yon, may service pa din. Kaya natatandaan ko nun, sinusundo pa ako ng tito ko kapag hanggang 8pm ang klase ko.
Iba kapag engineering ang kinuha mong course. Sabi nga nila kapag daw engineering graduate ang kakwentuhan mo, wag mong itanong kung meron syang singko. Dapat daw ang tanong e kung ilan ang singko meron sya. Habang tumatagal nadala na rin ako ng agos. Tinanong ako ng nanay ko kung gusto ko pang mag-shift noon at lumipat ng school after ng 1st sem. Pero pinili kong ituloy at tapusin na rin yung nasimulan ko. Ayoko kasi ng palipat at pabago-bago. Which is naisip ko ngayon na medyo sumablay din ako sa decision kong yon dati. E wala na e, graduate na ko!

Naging maganda naman ang takbo ng “career” ko noon. (naks!) Syempre, hindi naman ako pabayang estudyante. Kahit mahirap, nag aaral ako. Naging kabarkada ko pa nun masisipag din mag aral kaya napadamay na rin ako. Hehehe. First time ko nga nung magpuyat ng hanggang madaling araw at makaranas ng gutom. Dahil na rin sa dami ng mga ginagawa lalo na kapag nagkasabay sabay ang mga project at exam. Lahat na ata ng first time ko na-experience ko nung college except lang sa … hehehe yun nay un! First time kong makatulog sa mesa, wag magtanghalian o hapunan, maglakad na parang walang katapusan, kumuha ng exam at quiz na walang maisagot

Ang isa sa pinaka di ko makakalimutan non, paskong pasko e nag dradrawing pa ko. Hindi pa kasi tapos ang plano na kailangan mai-submit pagpasok after ng xmas vacation. ( xmas vacation? E halos wala rin naman..) Inabot pa nga ata ako ng new year noon. Ilang minuto na lang putukan na. Shit! Hindi pa din tapos! Nag bagong taon na tambak ang trabaho ko sa table noon. Minsan nga nappapagalitan na ako ng lola ko, sya kasi kasama ko sa kwarto. E medyo messy tapos tuwing magigising sya sa madaling araw gising pa din ako. Ganon talaga e. Lamay palagi. Hindi ko naman magawa sa umaga or nang mas maaga dahil wala pa ako sa mood nun.

Mas mahirap yun dahil lalong natagal ang trabaho dahil dadami lang ang mali mo at uulit ka lang ng uulit. Sayang ang papel, tinta ng ballpen pati pagod mo at oras.
Sa limang taon, umikot ang buhay ko sa calcu, libro, at cell phone. Hehehe. Hindi talaga ako ma-gimik . Kaya after school bahay lang talaga agad ako. Unang una, hindi ako mahilig lumabas, barkada ko ganun din. Pangalawa, parang wala akong time nun. Pangatlo, di talaga ako pede ng ginagabi pag uwi, nag aalala agad ang lola ko. E ayoko namang iisipin nya pa ko. Makakasam yun para sa kanya. Pang apat, mabait lang talaga akong bata. Walang kokontra!!!
To be continued……

No comments: