Bakit sa tuwing iiwan mo ang isang tao, napakasakit nito? Kahit pa alam mong ito ang makakabuti para sa inyong dalawa. Para bang hindi mo na alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay mo bukas, sa isang araw, sa isang linggo at sa mga susunod pa kung wala sya. Ang totoo nyan hindi ko na nga mabilang kung ilang eksena na rin nang pagpapaalam ang na nakita ko at nagawa. Sa ibang bansa nagtratrabaho ang nanay ko, kaya mahirap yung palagi mo syang nakikitang umaalis na minsan hindi mo alam kung kelan kayo magkikita uli o magkikita pa ba kayo. Ang hirap nun kung kelan sanay kana na andyan sya at napalapit na ang loob mo. Isang araw, aalis na pala sya. Ulit, kailangan mong masanay sa sitwasyon.Pagbalik nya iba na uli ang takbo ng buhay mo kasi nasanay ka na din ng wala sya. Sa pagbabalik nya, mangangapa ka na naman uli. Kahit pa ba nanay ko yun, syempre marami na ding nagbago.Lalo pa kung ilang taon din syang nawala.
Minsan nga dumating ang oras na para bang lahat na lang ng tao sa paligid ko ay umaalis. At ako, naiiwang mag isa. May mga kanya kanya na ring buhay silang dapat puntahan. Hindi ko naman sila maaring pigilan dahil isa yon sa mga desisyon nila. Katulad na lang nung umalis ang kapatid ko. Hindi naman kami malambing sa isat isa pero kahit papaano nakakalungkot din ang wala sya dito. Halos 2 taon na ring syang wala sa Pilipinas.
Ilang mga kaibigan ko na rin ang umalis ng bansa. At nakakamiss pala. Totoong kapag wala na nga ang isang tao o bagay ay saka mo malalaman ang halaga ng mga ito.

Pero paano na lang kung yung umalis ay hindi na talaga babalik pa kahit kelan??? Katulad na lang ng tatay at lola ko nung namatay na sila. 7 taon nang patay ang tatay ko. Ang masakit nun ay wala ako nung namatay sya. Hindi ko man lang sya nakausap. Sa kaso naman ng lola ko, hindi pa kami nakakapagbabang luksa. Medyo sariwa pa. Pero ganito ang buhay sa ibabaw ng lupa. Makikita mong unti unting nawawala ang mga mahal mo. Lumilisan sila. At wala nang balikan pa.
Bahagi lamang ng buhay ng tao ang maiwanan. Ang masakit nga lang kung ang paglisan ay panghabang buhay na. Sa ganitong pagkakataon masusubok talaga ang tibay ng iyong loob. Masakit ang maiwan. Hindi iyon kailanman maganda sa pakiramdam. Pero ito ang realidad ng buhay. Araw araw, marami kang makikilang tao. Maaari silang mapalapit sa loob mo. Ngunit darating din ang araw na magkakahiwalay kayo sa ayaw at sa gusto mo. Ngunit hindi dapat tayo matakot kung sakali mang dumating ang araw na iyon. Dahil sa bawat araw at oras na kasama natin sila ay nasa atin ang lahat ng pagkakataong ipakita sa kanila kung gaano sila kahalaga.
No comments:
Post a Comment