December 14,2007... simula alas-10 ng gabi, maliwanag na makikita sa langit ang meteor shower...
Excited ako... galing pa ako ng Manila nung umagang yon at pinilit kong makauwi agad dahil sakto! Chance ko ng makakita ng meteor shower. Sabi kasi sa balita, kahit walang gamit na telescope basta hindi maulap makikita daw yun ang mga yon. Isa pa, perfect din ang veranda namin sa second floor kasi nakaharap sya sa silangan kung saan naman makikita ang mga meteors. Ayos! Wala lang kokontra... Makakakita din ako... sa wakas...
Isang taon na mahigit nang makilala ko si Duane. Magkatext lang talaga kami, at hanggang ngayon di pa kami nagkikita. Wala lang talagang chance na mag-meet. Noong bago pa lang kaming nagkakatext, isa sa napag-usapan namin ang mga shooting stars at meteors. Nakakita na daw sya noon. Pero bata pa sya. Ako naman, inggit na inggit sa kanya. Hanggang sa naging sign ng relationship naming dalawa ang stars. Kahit di kami nagkikita at nagkakasama, as long as may mga bituin sa langit, naroon kami para sa isa't -isa. Baduy no? Pero ganon talaga. Naging constant textmates kami at naging close. Ewan ko nga ba bakit ko na-consider na close? Imagine di ko naman sya nakikita. Text and calls lang. Minsan nga sinubukan kong sumulat sa kanya. Pero di nya yon natanggap. Sinubukan ko uli, pero wala pa rin. Napaisip na nga ako e. Teka... totoong tao ba 'tong nakakausap ko. Hindi naman kaya ala-LAKE HOUSE ang drama naming dalawa? Minsan tuloy tinanong ko sya, "anong date ngayon?" Sabi nya, "bakit?" Sabi ko, "basta! anong date ngayon?" Tama naman ang araw at buwan na binigay nya, maliban sa taon. 2010! Ha? 2010??? Syempre, joke nya lang 'yon. Alam nyang nagdududa na ako kung sino ba talaga sya. Pero basta magtiwala lang daw ako sa kanya. "Tin, totoo ako, totoong may Duane Cortez."
Ayun! Hindi ko pa natatapos bigkasin ang salitang a-yun! Nawala na agad ang shooting star na nakita ko. Kasama kong nag-aabang ang nanay ko at bunsong kapatid. Nakakatawa dahil walang nakapag-wish. Pero kasi atat makakita at kapag may nakita nang isa... AYUN! lang naman ang nasasabi. Ako ang may pinakamaunting nakita sa aming tatlo. Dalawa lang ang nakita ko. Pero ok na rin. Atleast may 2 akong nakita sa loob ng halos 1 oras lang ng pagtambay. Hehehe... hindi naman sa wala akong katyaga-tyagang maghintay. Pero pagod ako nung araw na 'yon.
Bago ako mahiga, nakita kong may 2 text messages. Galing kay Duane. May nakita rin daw syang 2, at winish nya na sana maging masaya na kaming dalawa. Hindi ko alam kung matutuwa ako. Pero itinulog ko na lang lahat. Tapos na 'yon nung gabing 'yon. Hindi na rin ako umaasa pa na magkikita kami. Kahit na nagse-set sya ng date sa 24. Alam kong hindi 'yon matutuloy. Busy na yung araw na 'yon. At nawala na rin yung pagka-excited ko. Parang katulad din nung makakita ako ng isang talang bumabagsak mula sa langit. Nung nakita ko na... Ah... yon pala...
No comments:
Post a Comment