06 December 2007

DILIM



Kagabi, dinalaw na naman ako ng masama kong nakaraan. Akala ko maayos na nga uli ang lahat at kaya ko nang paglabanan ang mga nararamdaman ko. Hindi pa pala. Ang totoo, nananatiling mahina pa rin ako. Noong mga nakaraang araw naman halos "smooth sailing " ang lahat. Ewan ko nga ba? Bakit ganon? Hindi ko talaga sya matakasan. Hindi ko sya magawang taguan. Nandito pa rin sya at di ako iniiwan. Kasunod ko lang sya. Kasama ko palagi. Kahit pilit kong iwasang huwag mangyari wala pa rin akong magawa. Hay naman!!! Sa totoo lang, nagsasawa na ako. Marami ng oras ang nasasayang at maraming tao na akong nasasaktan.

Kung maiintindihan lang sana nila ako. Hindi ko naman talaga ginusto yon. Kung may magagawa nga lang ba ako. Pero may magagawa naman ako! Ayaw ko lang ba talagang gawin? Bakit ba hinahayaan kong matalo ako. Tinatanggap ko na lang palagi na mahina ako. Para tuloy tumatatak na sa isip ko na ganon na 'yon, na mangyayari talaga 'yon. Ang tanong? Anong problema? Ako? Malamang ako nga. Sarili ko 'to,katawan ko, isip ko. Ako lang ang pwedeng sisihin talaga.

Hindi ko na nga din mabilang kung ilang beses nang nangyari yon. Sa totoo lang para ngang minsan, sinsadya ko na. Tama, ginugusto ko rin. Pero paano ko 'to matatakasan? Kung maging ako ay nasanay na. Ang totoo, nahihirapan na ako. Hindi madaling magsuot ng maskara araw-araw para itago sa lahat ng tao ang totoong mukha ko. Ang totoong ako. Hanggang kailan pa kaya? Napapagod na ako. Kung pwede lang, ayoko ng dumating ang gabi. At kung pwede lang ayoko nang makita ang sikat ng araw.

Unti-unti kong inaayos ang lahat. Lahat ng sinayang at sinira ko. Ngunit ako ang nagiging biktima, dahil ako ang naiiwang talo dito. Natatakot ako... Mangyayari yon uli. Sana naman,. 'wag na po...


No comments: