Hay nako! Sinasabi ko na nga ba?
Huwag nang padadala sa mga bagay na walang katiyakan.
Ayan! Nakita mo na?
Ilang beses na bang nangyarai sayo sa yan?
Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin ba natututunan?
Bakit ba napakabobo mo?
Dapat ata iniuumpog na sa pader ang ulo mo?
Ang mga taong katulad nya ay hindi pinagkakatiwalaan.
Hindi pinaniniwalaan.
Wala syang kwenta!
Wala syang silbi!
Wala syang isang salita!
Ginamit ka lang nya.
Hindi mo ba nakikita?
Lalapit lang sya kapag may kailangan sya.
Mabait lang sya kapag may pabor syang hihingin.
Kapag nakuha na nya ang gusto nya?
Saan ka na ba pupulutin?
Daig mo pa ang laruan.
Para ka lang basurang itinapon sa daan.
Ang ganyang klase ng tao ay hindi pinag aaksayahan ng panahon.
Hindi minamahal...
Sarili lang nila ang iniisip nila.
At huwag mo nang masubukan pang bigyan sya ng pagkakataon.
Dahil lahat ng pagkakataong nasa kanya ay sinayang na nya.
Kalimutan mo na sya.
Ilibing mo na sya ng buhay sa iyong alaala.
Mas mabuting huwag mo nang bigyan ng pagkakataon ang isip mo na isipin sya.
Nasaktan ka na naman.
Ilang ulit pa ba?
Huwag kang magmadaling ibigay ang puso mo sa taong di karapat dapat.
Dahil meron naman talagang nararapat para sayo.
At sa palagay ko hinihintay ka rin nya.
Huwag mong sayangin ang oras mo sa kanya.
Isipin mo na lang na isa itong leksyong dapat mo nang matutunan.
Dapat matuto ka na.
No comments:
Post a Comment