Sa clinic… anak ng tinapay, pakiramdam ko na naman ay wala akong ngipin sa unahan. Sobrang higpit na as in to the max na ata ang higpit ng braces ko sa upper lateral ko. Nakadagdag pa ang chainsaw… Hayzzz… Good thing, hindi ko na kailangang mag elastics. YAHOO!!! As in yahoong yahoo. Tinanggal na din ang brackets ko sa lower lateral. Sabi ni Dra. Annie siguro December pedeng tanggalin. Sa wakas, makakakain na din ako ng maluwalhati.
Hayzzz. October na.Grabe ang bilis ng araw. Pero sana matuloy ang mga plano ko for this year, bago matapos ang taon na ‘to. Sana, sana,.. so help me God! Toinks!
Kanina ko lang narealize na wala nap ala akong kapera pera. Shit! Mahirap pa ako sa daga. ( Ngunit ako’y isang daga?!?!) nyahaha! Ang laman na lang ng wallet ko ay tumatagingting na 60pesos. San naman kaya ako makakarating sa 60 pesos? Ibinili ko pa kasi ng sim ang engot kong utol dahil walang ginawa ang sim card nya kundi kainin ang mga pinaload ko. Crap! Wala na nga rin pala akong load. Shit! Ano bang nangyayari? Wala na akong pera talaga. Mabuti na lang at may mga taong may mabuting kalooban na pinapaalhan ako ng load. NAKS! Ang galing diba? Hindi nila kasi kayang hindi ako makausap e,.. hehehehe…
Pero sa totoo lang kailangan kong kumita kahit konti. Kailangan ko ng part time job. Inisip ko kasi, kung mag aaply pa ako masasayang din dahil aalis naman ako. At matagal ko na talagang pinaplanong umalis. Pakiramdam ko kasi hindi talaga ako para dito e. Unang una, wala namang nangyayari.Hay… baka naman nasa ibang bansa ang swerte ko,..hehehe. Pero mga dalawang buwan pa ako tatambay. Yung 60 pesos ko, kailangang madagdagan. Kahit pang kape sa Starbucks hindi pede yung pera ko. Crap!
Trabaho, pera… Eto lang ang iniisip ko nagyon. Hmmm, ok, syempre iniisip ko rin ang akong bagong inspirasyon. Hehehe. Teka, speaking of him, hmmm,….dapat siguro hindi talaga ako nagpanic. Hinayaan ko na lang muna kung anung meron dahil hindi pa naman talaga ako sure. Pero infairness, naka one month na at mukhang continuous naman ang mga ginagawa nya. I find it sweet! Wala lang. Hehehe. Sana nga maging ok kami. Nyaks! Nag ilusyon! Sabi nung friend ko, wag ko daw replyan for two weeks, para daw matesting if mamimiss ako. Grabe! Sira ulong yun! E ako naman ata ang papahirapan nya! Pero, naisip ko, magawa kaya. Wala namang masama e. Testing lang kung talaga bang may halaga ako sa kulangot na yun! Hahaha… At sana matiis ko naman sya. Toinks!
Hay! October na! Tapos maya maya pasko na. Kelangan ko na talagang rumaket e. Makapagbenta kaya ng laman?! May bibili kaya? Hehehe… Sana makasimot ako ng pera, tulad nung 500 na nasimot ko. Makasali kaya sa mga game show? Tumaya kaya ako sa Lotto? Mag benta ng shabu? Ano kaya???!?!?!?
Bilog ang mundo ngunit buong buhay mo umiikot sa apat na sulok nito...kwadrado... masikip...paulit-ulit.
02 October 2008
October na!
Unang araw ng October sumpong ako ng katamaran. Tanghali na akong nagising dahil hindi ko naman naramdaman ang sikat ng araw. Maulan ang miyerkules na ito. May bagyo kasi, pero hindi naman talaga dito sa lugar namin. At dahil ngasa ganitong panahon, nakakatamad bumangon at kumilos. Masarap lang mahiga sa kama maghapon, ang kaso hindi naman pwede dahil may appointment ako sa aking dentist. Ayoko naman i-cancel pa ito uli dahil dapat nung Saturday pa ako nagpunta. Hinintay ko na lang na medyo tumila si ulan at saka ako umalis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment