Nagtataka ako kung ano ba talaga ang silbi ko sa mundo at nabuhay pa ko. Katulad ngayon,. sa panahong katulad ngayon... pakiramdam ko e ako ang pinakawalang kakwenta kwentang tao. Ano ba pakinabang ko? Wala namang something unsual sa akin. Napaka-common ko nga. Lahat ng meron ako,. meron din ang iba., mas higit pa nga. Kung ano ang kaya ko,. kaya rin ng iba., mas magaling pa nga. So, ano pa at nananatili pa kong humihinga dito sa ibabaw ng lupa?
Wala naman akong masyadong kaibigan. Konti lang talaga yung tinuturing kong malapit sa aki at mapapagkatiwalaan ko. Maliit lang din ang pamilya namin. Kung iisipin ko nga e, nanay ko lang ang sobrang malulungkot kung sakaling mawala ako. Wala namang ibang nagpapahalaga sa akin. Wala rin namang ibang nag-aalala. Sa totoo lang,. napapagod na talaga ako. Sabihin nyo nang stress lang 'to at masyado na akong nahahawa sa mga emo. Pero, hindi ko talaga makita ang bagay na mag papasaya sa akin. Hindi ko mahanap ang satisfaction sa buhay ko. Hindi ko nararamdaman ang completeness ng pakatao ko.
Ni hindi ko nga alam kung ano yun e. Pano ko mahahanap? Hindi ko nga alam kung saang direksyon ba ako dapat magpunta. Ni hindi nga ako makapagdesisyon ng tama.
Bakit ba kasi nabuhay pa ko? E kulang na lang naman e dumikit ako sa kisame. Wala akong patutunguhan. Wala akong kinalalagyan.
Araw araw, patuloy na umiikot ang mundo. Araw araw, iisang eksena lang ang nangayayari. Paulit-ulit lang. Nakakasawa talaga. Kahit anong gawin ko para mabago ang lahat, wala pa rin. Nauuwi pa rin sa wala ang lahat. Bumabalik sa dati. Napapako ako sa isang sitwasyong walang pinagkaiba sa mga nakaraan.
Nagsasawa na kong mabuhay. Ano ba talaga ang meron sa kabilang buhay? Baka naman pede na ko don. Ayoko na kasi dito. Hindi ako masaya. Nahihiarapan na akong intindihin ang mga bagay bagay kahit na anung pilit kong unawin ang mga ito.
Nauubusan na ako ng matitinong bagay na dapat isipin. Nilalamon na ko ng sobrang kalungkutan dahil sa mga kabiguan ko sa buhay. Wala akong silbi. Hindi na dapat mabuhay. Ayoko nang makita ang sikat ng araw. Ayoko nang magising pag tulog ko ngayon. Gusto ko na talagang magpahinga. Masyado na akong nasasaktan. Sa sobrang hirap, unti-unti na akong namamanhid. Nawawalan na ako ng pakiramdam. Para na rin naman akong patay.
Sinusulat ko ang lahat ng ito. Mabawasan man lang sana ang nararamdaman ko. Hindi talaga ako matapang. Madali talaga akong sumuko. Ayoko na talaga. Nagsasawa na ako at napapagod na. Hindi ako masaya.
No comments:
Post a Comment