01 December 2010

Our Amnesia Day


Wala naman initial plan talaga. Basta mag get to together lang. Magkita...Magkakwentuhan...Magkamustahan...Kaya kahit maulan.. sugod kami sa bahay nila. Dating gawi... sanay na kami sa bahay nila,.. at home na kung baga. So kwentuhan... tawanan... Tapos nagyaya si Jona lumabas para kumain. Tinatamad daw kasi syang magluto pa o maghanda kaya sa labas na lang daw kumain, anyway treat naman nya... why not chocnut?




Nagdinner kami sa Shakey's. Not the usual tambayan. Noon naman kasing College Days namin e sa mga carinderia lang kami sa tabi ng school nagmemerienda. Hmmm... parang nun nga lang kami kumain sa labas na 4 ng magkakasama. Mas madalas kami lang ni Janice ang nagkikita sa Manila. O kaya kami ni Donna. Basta kung magkameron lang ng chance na malapit yung isa sa lugar nung isa. Ok parin yung kwentuhan at tawanan. Nakakamiss maging estudyante. Noon mababaw lang pinag uusapan namin. Pero ngayon,. iba na,. mga plano na sa buhay. Career status, pera, trabaho, pamilya at iba pang komplikadong bagay. Lahat kami pagod na sa mga sarisarili naming trabaho. Parepareho kaming sawa na dito. Nag iisip kami ng bagong career... Bagong path na pupuntahan pero mahirap sumugal lalo kung alanganin. Eto na ang buhay namin ngayon...



Hindi pa naman masyadong gabi nung natapos kaming kumain. Nagyaya ule si Jona na manuod muna ng sine. Hmmmm... ok,.. wala namang problema. Lubusin na ang paglabas at holiday naman kasi bukas. Napagkasunduang panuorin ang MY AMNESIA GIRL ni John Lloyd at Toni. hehehehe.... Cheesy na kung cheesy pero ok ang movie. Actually mas gusto ko sya kesa dun sa Miss You Like Crazy nila ni Bea. Comedy kasi 'to pero infairness, maraming scene na teary eyed din ako. Ewan ko ba? adik ko talaga e. Dali ko paapekto sa ganun.




Naging masaya naman ang maghapon naming magkakaibigan kahit na wala pa ding tigil ang ulan. Naghiwa hiwalay kami sa kanya kanyang sakayan na pauwi. Kami ni Janice ang nagsabay. Bumili pa sya ng ulam nila. Hindi ko alam kung kelan mauulit ule yon. Sana bago umalis si Jona magkita kita ule. Matatagalan siguro bago sya makabalik ule. Sana hindi busy si Donna. Ako naman kasi flexible ang sched ko. Si Janice, sa ngayon ganun din.

Nakakamiss ang dati... Pero hindi ako natatakot na magka amnesia o mabura lahat sa alaala ko ang mga bagay na ito kasi alam ko na andyan lang palagi ang mga taong nagmamahal sa akin at mahal ko kaya pede pa kaming gumawa ng mga bagong alaala...

No comments: