12 December 2010

Pagkatapos ng Ika-Walo

Byernes ng gabi nang pilitin kong tapusin ang bagong libro ni Bob Ong. Kahit na marami akong trabaho kinabukasan e hindi ko na pedeng pigilan pa ang sarili ko sa pagbabasa noon. Nauna pa nga ang kapatid ko na matapos ang libro kesa sa akin. Pano ba naman dinala nya sa trabhao nya yun. Pampalipas oras daw. Tinanong ko kung maganda ba. Sabi nya,. wala daw kwenta. Hmp... e malay naman noon sa mga gawa ni Bob Ong?!?! E kung tutuusin ngayon na lang naman sya nahilig sa pagbabasa ng mga libro.





Panggabi ang kapatid ko sa trabaho kaya ako lang mag isa sa boarding house namin. Naghapunan na talaga ako ng maaga para dire derecho na ang pagbabasa ko. At yun... noong medyo nasa climax na e medyo umi epekto na ata sa akin ang mga kapangyarihan ng isang manunulat na makuha ang atensyon at kalooban ng kanyang mangbabasa. Aminado ako na natakot din ako. ( hehehe ) Tapos naalala ko na nag iisa pa ako... gabi pa... Nyay! Asar talaga...





Medyo hindi nga ako nakatulog nung gabing yun. Marami din kasi akong naiisip. Hindi naman lahat e dahil sa natatakot pa rin ako. ( pero isang factor na din yun ) Naalala ko ang lola ko pagkatapos kong basahin ang libro. Naalala ko rin ang tatay ko. Siguro kasi may ilang parte nang kwento na tungkol sa pamilya. At naisip ko, paano kung maging katulad ako ng bida sa libro na si Galo? Pano kung maging mag isa lang ako sa buhay. Paano kaya? Napakahirap nung wala kang pupuntahan. Na para bang wala kang lulugaran na kahit saan.




Isa pa sa mga bagay na naiisip ko pagkatapos kung basahin ang libro ay ang tungkol naman sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. May kanya kanya naman tayong pinaniniwalaan at desisyon. Minsan na sa atin na lang talaga kung paano natin patatakbuhin ang buhay natin. Di ko alam kung masyado lang akong nagpapaapekto kay Bob Ong dahil sa binasa ko ang libro nya. Pero, napag isip isip ko na hanggang ngayon e hindi pa rin talaga ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Masyado paring malabo sa akin kung anung daan ang pupuntahan ko,. kaso andito na ko at andito ang mga opurtunidad. Iniisip ko, kung kelan ko kung katulad ni Galo na kelangan ba nyang bumalik sa Maynila para mag aral o manatili sa Tarmanes at mamuhay ng simple at naayon sa kapaligiran. Tapos naisip ko pa paano kung mawala ang nanay ko ( at wag naman sana ) Paano na kaming magkakapatid. Hindi ko maisip kung paano mawalan ng pamilya. Napakahirap talaga.





Ngayon tuloy... nilalatag ko ng maayos ang mga plano ko sa isang taon. Gusto kong maisaayos ang lahat e. Marami akong naging realizations after mabasa ang libro. Ang galing no? Nakuha ng manunulat ang loob ko. Well,.. isa sa mga plano o e makabalik sa pag susulat. At sana mas madalas ule ang pagsusulat ko next year. Sa totoo lang kasi yung trabaho ko ngayon parang nakukuha lahat ng oras ko. At wala ako magawang iba. Hmm...






No comments: