Si lola noong panahon na sikat pa ang Escolta...
Sa linggo birthday ng lola ko. Kaya naman medyo busy kami ni mommy sa paghahanda. Kahit wala na sya, nakasanayan na rin naming maghanda kahit papaano. Ganun kasi nung nabubuhay pa sya, ginagawa talaga naming special ang araw na yon para sa kanya. Ito ang ikalawang taon na magcecelebrate kami ng birthday nya na wala sya. Malungkot, pero ok lng yon. Ganon talaga ang buhay, sabi nga, una una lang. Alam naman namin na masaya na sya kung saan man sya naroroon ngayon.
Isang simple "family affair" lang naman ang meron sa sunday. Sana makauwi ang mga pinsan ko na manggagaling sa Manila. Sayang nga e, kasi hindi makakapunta yung mga taga Pampanga. Marami din sa mga tito at tita ko ang nasa ibang bansa na, pati si ate. Kaya yon, konti lang siguro kami sa sunday.
Bumili na ako ng bulaklak para kay lola. Yon naman kasi ang gusto nya kahit nung buhay pa sya. Mas gusto nyang regalo ang mga bulaklak. Kahit nga sa panaginip ko e humingi pa sya ng bulaklak sa akin. Natawa talaga ako sa panaginip na 'yon. Ako pa naman ang taong napakabirang makaalala ng panaginip. Pero yung isang yon, tandang tanda ko lalo na nung sinabi nya ang mga katagang "flowers naman dyan". Hehehe... Ganon talaga si lola. Napaka cool. Sana inabutan nya nung may trabaho na kami ni ate, para mas nabibili namin ang mga gusto nya. Sayang...
Pero kahit wala na sya, may regalo pa rin ako kay lola, gumawa ako ng scrap book para sa kanya. Hindi ko pa nga natatapos pero, konti na lang yon. hehehe...Paglalamayan ko na mamaya para umabot.
Happy Birthday Granny... Pa-CHEESE burger ka naman!!!
No comments:
Post a Comment