Pangarap ko ang libutin ang buong mundo. Pumunta sa iba't ibang lugar. Makilala ang iba't ibang tao. At malaman ang iba't ibang kultura. Masyadong malawak at mahirap na pangarap pero... libre naman 'to sabi nila, at malay mo magawa ko. Basta ang mag-tour ay isa sa mga BUCKET LIST ko. Pero, para mas maging makatotohanan ang plano kong ito sa buhay, mas gusto kong mag simula sa pinakasimple. Ang libutin ang bayan ko. Ang bayan ng pitong lawa... San Pablo City dito sa Laguna. Syempre mas mabuti na yung alam ko ang pasikot sikot at kasuluk sulukan ng lugar na ito bago ko naman puntahan ang iba. At dahil nga kilala ang aming lugar sa 7 lawa, e natural kailangang alam ko kung san saan, at anu ano ang mga lawang iyon.
Sampaloc Lake ang pinaka sikat at pinaka malaki sa lahat ng lawa dito. Alam ito ng lahat ng taga San Pablo kasi makikita lang ito mismo sa bayan. Mantakin mong halos ilang metro lamang ito sa aming City Hall. Pero,ang catch dito e,.. yung anim na natitira pang lawa sa San Pablo. Kasi marami ang taga rito na hindi alam at hindi pa napupuntahan ang lahat ng lawa katulad ko na lang.
Kasabay ng birthday celebration ng barkada namin, isinabay na rin ang Lake hopping. At ang first stop.... Lake Pandin.....