Kagabi akala ko mamamatay na ko. Sobra! As in sobra talaga yung experience na yun. Life and death situation para sa akin. Sabi ng nanay ko, bangungot daw ang tawag dun. Kaya naman ngayon ni-research ko pa kung ano ba talaga ang causes at effects ng bangungot. Anak ng tokwa! Napakaweird ng feeling nun.
Mga past 12 na nang madaling araw yun. Sobran antok na talaga ako kaya hindi ko na rin nagawang tapusin pa yung drawing ko. Nahihilo na ko sa antok. Kahit pilitin ko, parang may hangin na ang ulo ko at hindi ko na rin maintindihan ang mga pinaggagagawa ko. Nagdecide na lang ako na matulog dahil feeling ko naman e hindi na rin ako productive at that time.
Paghiga ko sa kama, siguro mga ilang minutes lang tulog na agad. Bagsak na talaga ako. Wala na kong energy since may 1 week na ata akong nagpupuyat para sa project na 'to. Ang alam ko, tulog na ko. Pero gumagana pa rin ang isip ko. Hanggang sa naramdaman kong parang may mabigat sa katawan ko at hindi ako makagalaw. Nakamulat ako, pero kahit anung pilit kong gawin na igalaw ang katawan ko e hindi ko magawa. Pilit sinasabi ng isip ko na gumising ako. Ewan ko, ang weird talaga. Hindi kaya humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan? Nakikita ko kasi ang sarili ko na pilit gumagalaw pero hindi naman nagalaw. Naririnig ko rin ang sarili kong nagsasalita pero hindi bumubuka ang bibig ko. Ang labo talaga. Hanggang sa bigal akong nagising. Nagulat ako kasi ang pwesto ko nun e ganun pa rin katulad nung kung pano ako unang nahiga. Walang kagalaw galaw. Hindi pa ako, nakakumot. Ibig sabihin, nakatulog lang talaga ako agad nun, dahil yung kumot ko ay nasa ilalim pa din ng unan ko. Ibig sabihin kahihiga ko palang nun at hindi ko pa nakukuha ang kumot ko. Medyo naweirduhan na ko. Pero dahil nga antok at pagod. Natulog ako ule.
Shit! Naulit pa. At mas matindi. This time, hindi na ako makamulat. Hindi na makagalaw at hindi na makamulat. Ganun ule ang scene, naririnig ko ule ang sarili ko na sinasabing mumulat ako. Ang di ko maintindihan e kung bakit alam ko ang nangyayari sa akin na para bang gising ako at alam kong binabangungot ako at kailangan kong bumangon at magising. Buhay na buhay ang isip ko. Pilit syang lumalaban. Sinasabi pa nya ang mga dapat sabihin. Pati ang dapat na sumigaw ako para marinig ako ng nanay ko at gisingin nya ako dahil binabangungot na ako. Yung katawan ko naman na binabangungot nga ay pilit namang humihiyaw pero walang boses na lumalabas. Dahil para nga akong paralisado, kahit ang bibig ko ay hindi ko maibuka upang humingi ng tulong. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko para magising ako.
Patuloy naman ang utak ko sa pagsasabi ng mga dapat kong gawin. Ramdam ko rin ang pagka-panic ng isip ko, dahil parang hindi ko na talaga maimulat ang mata ko, at hindi rin ako maririnig ng nanay ko dahil kahit inisip kong sumigaw e wala naman talagang sigaw na nangyayari. Akala ko hindi na ako magigising. Pero, hindi ko rin alam kung panong namulat ko ang mga mata ko. Nagising ako. Gising na ko pero takot na takot ako sa nangyari.
Minsan nakakalito kung ano ang totoo sa panaginip. Kung alin ang kasalukuyan at ang mga mangyayari pa lang. Hinding hindi ko makakalimutan yung nangayaring iyon kagabi. Pano kung hindi ko na talaga naimulat ang mga mata ko. Patay na ko. Shit! Patay na ko. Maarin ding namatay na ako kagabi. Medyo mahirap kasing ipaliwanag at magulo kung titungnan pero, ganun ang nangyari.
Masyadong makapangyarihan ang isip. Napakalinaw ng mga salitang paulit ulit na sinasabi nito sa aking katawan na gumising ako. Ang di ko rin maintindihan ay kung bakit habang nangyayari yun, alam ko ding binabangungot ako.
Hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to. Tanda ko nangyari na rin 'to sa akin dati. Pero eto kasi mas weird at nakakatakot. Isa pa dalawang beses pang nangyari, halos magkasunod lang. At isa pa, sa pagkakataong ito. Gising na gising ang utak ko.
Kung natuluyang hindi na ako nagising kagabi. Ayos lang din, hindi naman ako natatakot mamamatay dahil lahat naman tayo ay papunta don, una una lang. Kaya lang ang inisip ko e, yung mga maiiwan ko. Hind ko pa naayos ang lahat e. Ang pamilya ko, ang nanay ko. Tapos, may maiiwan pa akong trabaho. Doon ako nababahala. Sa mga maiiwan kong mga trabahong hindi tapos.
Ngayon, gabi na naman. Medyo, antok na ule ako. Medyo, kinakabahan din at baka maulet ule. Sabi ng nanay ko, sobrang stress na daw ako. Kaya kahit tulog e nag iisip. Sabi din nya, baka daw hindi ako nagdadasal. Aminado ako na kapag sobrang pagod ko kasi, paghiga ko sa kama, tulog agad kaya minsan hindi na ako nakakapagdasal. Sign of the cross na lang ang nagagawa ko, tapos wala na.
Hay... mahiwaga talaga ang buhay ng tao. Malawak din ang kaisipan nito. Kung sakaling natuluyan ako kagabi, asan kaya ako ngayon? Hay...