27 June 2008

sa di sinasadyang pagkakataon...

Isang araw, isang napakaordinaryong araw...
may nakilala akong isang estranghero
ordinaryo lang din sya...
pero habang tumatagal nalaman kong hindi pala
iba pala sya sa karamihan...
at meron syang katangian na tanging sa kanya lang,
ano yon?
ewan ko, hindi ko alam?
basta iba sya
para sa akin wala nang mas hihigit pa sa kanya
para bang nasa kanya na ang lahat ng gusto ko,
ang mga mata nya maraming sinasabi,
ang balat nya makinis pa sa akin
ang porma nya, astig!
ang mga ngiti nya, nakakaakit
ang labi nya, para bang palaging nanunukso
ang hawak nya, mainit
ang mga salita nya, nakakadurog ng puso
ang mga kanta nya, nakakapanlambot
gusto ko syang maging akin
tang ina!
sya na nga ang hinahanap ko!
at ang swerte ko naman dahil nakita ko sya
nararamdaman ko kung gaano ako kahalaga sa kanya
at masaya ako sa bawat oras na kasama ko sya
ito na yon!
ang pinakahihintay ko
ngunit
di pa pala pwede...
pareho man kami ng nararamdaman sa ngayon
hindi pwede...
sayang...
sayang ang gabing magkayakap kami
sayang ang pagmamahal namin sa isa't isa
sayang din ang mga pangako
masakit ito
sobra
ngunit talagang hindi kami ang para sa isa't isa
sa ngayon
sana na,
sa ngayon lang
dahil sya ang pangarap ko
pangarap din pala ng iba
hindi ko naman alam
na may nagmamahal din pala sa kanya
kaya ako ang lumayo...
dahil ako ang dumating sa buhay nya
sa di sinasadyang pagkakataon...



13 June 2008

Ang Scapular


Tanghaling tapat, matindi ang sikat ng araw. Mula sa Sucat, naisipan ko nang pumunta na rin noon sa may Tomas Morato. Baka kasi tamarin pa akong lumabas uli kung ipagpapabukas ko pa. Para isang lakad na rin lahat at isang pagod na. Shit! 12:00pm na pala, pero hindi ko na rin maramdaman ang gutom sa sobrang init. Isa pa, maraming bagay din ang naglalaro sa isip ko kaya hindi ko na naintindi pa na may sikmura pala akong dapat lamnan. Nakatayo ako sa may tapat ng simbahan ng Quiapo. Nag aabang ng jeep, bus, fx o kahit anung sasakyang may sign board na Fairview. Ewan ko ba kung may balat ako sa puwet dahil alin man sa tatlo e walang dumadaan. Anak nang!!! Pawisan na ako a? Iniisip kong di ako aabot ng 1pm sa pupuntahan ko. Badtrip! Asar!Hay!!! May nakasabay akong matandang lalakeng nag aabang din. Maraming dala si manong. At mukhang hirap ding mag abang ng sasakyan. Kaya chinika ko muna. Tinanong ko kung tama ba naman ang lugar na pinaghihintayan ko ng sasakyan. Dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag aabang ng sasakyan. At pakikipag chika kay manong. Hindi ko namamalayan ang mga tao sa aking kapaligiran.


Bigla na lang may lumapit sa akin. Ipinatong sa aking braso ang isang SCAPULAR. Lagot! Nayari na! Alam ko na ang mga modus operandi na ito. Bigla bigla na lang may magsasabit o may mag aabot sayo ng kung anung mga kwintas at mga larawan ng mga banal o medalyon. Pagkatapos ay pipilitin ka nilang bayaran yun sa murang halaga. Talagang mapapaMURA ka!!! Ang kaso nito,sakto na lang ang pera kong pamasahe. Aang alam ko wala na akong barya nun. May buo pa akong Ninoy na dapat sana e pang lunch ko. E kaso nga di naman ako naglunch. Shit! Makulet pa naman yung batang nagbigay sa akin ng scapular na 'to. Paano na yan?!?! Pilit kong binabalik dun sa bata yung scapular, pero syempre di na nya yun kukunin uli. Halos yakapin na nya ako para wag ko nang maibalik sa kanya yun. At lahat na ata nang pambobola ay sinabi nya para makabenta.


"Sige na po, 20 pesos lang po yan! Gagabayan po kayo nyan kung saan man kayo magpunta." Halos nagdaanan na ata ang lahat ng sasakyang may signboard na Fairview. At di naman ako makaalis dahil sa higpit ng hawak nung bata sa akin. Ok, para tapos na, inilabas ko na ang bente. Wag sanang may mahulog na kahit piso dahil yari ako. Hindi ko naman pwedeng ibayad ang 500 sa jeep dahil mamumura ako ng manong driver. Hay... Sa wakas e binitawan na din ako nung bata at saktong may dumaan namang FX.


Halos mag aalasais na ko nakauwi sa Caloocan non. Nakakapagod ang byahe. Mula Sucat tapos Quezon City. At tapos Caloocan naman. Mas nauuhaw ako kesa sa nagugutom. Kaya isang malamig na basong tubig kaagad ako pagkauwi. Solve na. Paalis noon ang tita ko kaya naiwan na naman ako sa bahay nila. Humilata muna ako sa sofa. Nuod ng T.V. Nakakaantok din. Naisipan ko nang magpalit ng damit na pambahay. Huhubarin ko na ang aking pantalong nadikitan pa pala ng chewing gum sa laylayan. Nang maalala ko ang mga laman ng aking bulsa. Sa kaliwa ang cellphone...sa kanan ang pera, mga coins,..teka meron pa pala sa kaliwa. Ah!!! Ang mahiwagang scapular nung bata. Tinago ko ang scapular sa bag kung saan naroon din ang aking rosary at iba pang mga kabanalbanalang gamit sa mga ritwal.


May ilang araw na rin ang nagdaan. At nasa akin pa rin ang scapular. Palagi ko na rin tuloy iyong dinadala sa tuwing aalis ako at may pupuntahang malayo. Ewan ko ba pero parang naging totoo ang sinabi nung bata na naging silbing gabay ko na nga ang mahiwagang scapular na yon.






06 June 2008

drama ko talaga!


Hindi ko na maalala kung ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko kung bakit ba ako nabuhay sa mundo. Ang totoo, pakiramdam ko, napakawala ko talagang kwentang tao. Hindi ko nga alam kung ano ang gusto ko at kung saan ako dapat pumunta. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin. Siguro kasi palagi akong malungkot kaya hindi ko na alam kung paano na nga ba ang maging masaya.

"mas madaling ngumiti kahit di ka masaya kaysa ipaliwanag kung bakit malungkot ka..."

Nagpapasalamat ako sa unang tao sa mundo na nakaalam ng pag ngiti. Malamang sa Diyos yun galing. Siguro kaya ginawa ang pag ngiti para maitago kahit man lang sandali kunyari masaya ka. Oo, kunyari lang. Kunyari masaya at ok lang ang lahat. Para lang wala nang masayadong tanong pa. Kahit papano naman nakakabawas din yun ng lungkot kahit pansamantala. Mahirap kasing maglabas ng sama ng loob sa ibang tao. Lalo na kung di ka rin naman nila maiintindihan.

"kapag may kaibigan kang naglabas sayo ng sama ng loob, huwag na huwag mong sasabihing alam mo ang nararamdaman nya, dahil ang totoo, hindi mo iyon alam.Dahil walang dalawang tao ang pareho ng nararamdaman kahit na pareho kayo ng sitwasyon."

Ito ang pinakamabigat sa lahat. Dahil sa panahon ngayon, walang nakakaunawa sa akin. Ewan ko ba kung bakit? Tagalog din naman ang salita ko pero para bang hirap na hirap silang unawin ang gusto kong manyari. Napapagkamalan tuloy akong ADIK. Mahirap ba talagang unawin ang mga sinasabi ko? Ganon na ba talaga ako ka-weirdo ngayong mga panahong ito? Para akong isang alien. Masakit ang sabihan ng mga ganito. Pag sinabi ko naman na ganon ang nararamdaman ko, sasabihin naman EMO ako. Tang inang buhay 'to! Wala nang lusutan. Palibhasa lahat ng tao, sila na ang magaling. Mga akala mo kung sino? Teka,.. mas may putik pa ang mga mukha nyo kesa sa akin. Aminado akong masama akong tao, hindi ko kahit minsan itinatago ang sungay at buntot ko. Masama ba ang magpakatotoo sa sarili mo. Mabuting tingnan nyo muna ang mga sarili nyo bago nyo ko husgahan. Baka may sungay ka rin, mas mahaba pa sa akin.

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-bahagi ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay."

Hindi ko maiwasang gumawa ng mga pagkakamali. Minsan, napapadalas na dahil na rin siguro padalos-dalos ako. Akala ko magiging maayos na rin muna ang lahat kahit papaano. Pero hindi pala. Isa sa mga dahilan kung bakit nabaon ako sa ugaling negatibo. Kasi naman ang hirap makabawi kapag na disappoint ka na. Ang masama pa nito, kapag maganda na ang mood ko sa isang bagay at naging positive ako don. Sigurado, palpak yun. Ang ending, duguan at luhaan ako. Nabalot na rin ang sarili ko sa apat na sulok ng kalungkutan. Bakit? Iisipin nyo, EMO na naman. Mali! Kasi sa tuwing may magandang mangyayari may kapalit din yung di maganda. Natatakot ako kapag nagiging masaya ako. Dahil alam ko sa loob ng 24 oras may resbak yun na sobrang tindi! Yari talaga! Katulad ngayon. Unti-unti na nga akong nabubuo at nabubuhayan pero ewan ko ba kung kakambal ko ba ang kahihiyan at kamalasan.

Nakakahiya talaga ang nagawa ko. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Life is what you make it"

Kasalanan ko. Alam ko. Kaya kailangan kong harapin ang kaparusahan. Ang lumayo. Pucha! Paglayo na naman. Bakit kasi ngayon pa nangyari 'to kung kailan ok na,..sana. Ang tanga ko kasi. Sabi na nga ba wala talaga akong kwentang tao. Bakit ba hindi mo ipasok sa mapurol mong utak na kahit kelan hindi ka pwedeng maging masaya. );

Ngayon kailangan ko nang dumistansya sa isang tao na nagpapasaya sa akin. Kasi, kung mananatili ako,may ibang malulungkot. Ayoko namang makasakit, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nun. Isa pa, ako ang dapat lumugar. Ngayon saan na ko pupunta? Hindi ko alam? Para akong palaboy,.. Nanlilimos ng awa, naghahanap ng atensyon, nanghihingi ng pang unawa, humihiling ng himala. Sayang naman, nakakapanghinayang din kasi dahil sa kanya kahit pano nakakita ako ng pag-asa. Pero ganon lang ata talaga. Isa lang syang estranghero na dumating sa buhay ko. Mas mabuti kong ganon na lang siguro ang iisipin ko. Lilipas din naman ang lahat. Nasaktan talaga ako dun ah? Ganon na pala sya kahalaga sa akin. Akala ko, wala lang. Kaya pala nung una palang kami nagkakilala ilang beses ko nang sinabi na "baka we're not meant".


"There will always be hope."

Hay! Hindi ko alam kung ano pang meron sa akin ngayon. Parang lahat unti-unti nang nawawala. Minsan tuloy naisip ko, naging pabaya ba ako? O masyado naman akong naging makasarili? Pakiramdam ko, nag-iisa na naman ako ngayon. Sino pa bang lalapitan ko? E sigurado namang sawa na sila sa mga sinasabi ko. Ayaw na nilang pakinggan ang mga problema ko. Ang pagkukwento ko tungkol sa kung gaano ako nalungkot at nasaktan. Noong bata pa ko, gustong magkameron ng robot na pedeng gawin ang lahat para sa akin. Pero ngayon, kung may pagkakataon, mas gugustuhin ko nang hilingin na maging robot ako. Para maging manhid na sa lahat ng bagay. Tama si Wizard of Oz, napakaswerte ni TINMAN dahil wala syang puso. At kahit kailan hindi nya mararamdaman kung paano ang masaktan. Sana ako rin, isang latang robot. Kahit tapak-tapakan at yupi-yupiin, walang pakiramdam. Pagod na po akong masaktan!!! Hanggang kelan po ba ito??? Hindi pa rin ba ako pwedeng maging masaya?





05 June 2008

Messing Up Again

Maybe I'm still not learning. That's why I'm still into this situation. I really find it so difficult to find some new hope and courage. Coz' everytime I try, it would only end up to nothing. I'm tired of dealing with my life. Everything seems to be same. And I'm really sick with it. Don't know how to figure out what is right or wrong anymore. I just feel so empty but then I still need to go through with all these mess everyday. Kinda hard! And it really sucks! They say, life is what you make it. But what else do I need to prove? I've even lost everything that I had. Even my dignity, my pride,. I feel like a lost soul. Wandering nowhere...Finding something to occupy my mind, digging for some pills to cure my sanity, searching for someone who's wiling to share his fresh bloody hearty with a devil. Still, I'm in this miserable journey. Faced with a lot of troubles and difficulties. When will these things end? I don't know? Maybe when I start to refuse to breathe. Then it will be the time that things will be over for me. MY LIFE SUCKS! but I have to deal with it.

03 June 2008

from Twenty Poems of Love




Tonight I Can Write The Saddest Lines

by Pablo Neruda


Spanish Version:


Puedo escribir los versos más tristes esta noche.

Escribir, por ejemplo: 'La noche está estrellada,y tiritan, azules, los astros, a lo lejos.

'El viento de la noche gira en el cielo y canta.

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.

Yo la quise, y a veces ella también me quiso.

En las noches como ésta la tuve entre mis brazos.

La besé tantas veces bajo el cielo infinito.

Ella me quiso, a veces yo también la quería.

Cómo no haber amado sus grandes ojos fijos.

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.

Pensar que no la tengo.

Sentir que la he perdido.

Oir la noche inmensa, más inmnesa sin ella.

Y el verso cae al alma como al pasto el rocío.

Qué importa que mi amor no pudiera guadarla.

La noche está estrellada y ella no está conmigo.

Eso es todo.

A lo lejos alguien canta.

A lo lejos.

Mi alma no se contenta con haberla perdido.

Como para acercarla mi mirada la busca.

Mi corazón la busca, y ella no está conmigo.

La misma noche que hace blanquear los mismos árboles.

Nosotros, los de entonces, ya no somos los mismos.

Ya no la quiero, es cierto, pero cuánto la quise.

Mi voz buscaba el viento para tocar su oído.

De otro.

Será de otro.

Como antes de mis besos.

Su voz, su cuerpo claro.

Sus ojos infinitos.

Ya no la quiero, es cierto, pero tal vez la quiero.

Es tan corto el amor, y es tan largo el olvido.

Porque en noches como ésta la tuve entre mis brazos,

mi alma no se contenta con haberla perdido.

Aunque éste sea el último dolor que ella me causa,

y éstos sean los últimos versos que yo le escribo.


Tagalog Version:


Isulat halimbawa, "Ang gabi'y pira-piraso at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."

Umiikot ang hangin sa langit... at umaawit.

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula.

Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako.

Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya sa aking mga bisig.

At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit.

Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya.

Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata.

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula.

Para isiping wala na siya sa aking piling,

para maramdamang wala na siya.

Para marining ang matinding liwanag,

na mas matindi pa kahit wala siya.

At ang mga berso'y nahuhulog sa damdamin

na parang hamog sa damuhan.

Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko'y di sya kayang pigilan?

Ang gabi'y pira-piraso at wala siya sa tabi ko.

Ito lamang.

Sa malayo may umaawit.

Sa malayo.

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Ang paningin ko'y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya.

Ang puso ko'y hinahanap siya, at siya'y di ko kasama.

Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno.

Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami.

Paanong minahal ko siya!

Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig.

Sa iba.

Siya'y mapupunta sa iba.

Tulad ng aking mga halik.

Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata.

Hindi ko na siya mahal, tiyak yan.

Ngunit baka mahal ko siya.

Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot.

At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya.

Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya sa aking mga bisig.

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin.


01 June 2008

bukas

Gabi na naman. Higa sa kama. Mag-mumuni muni sa mga nangyari sa maghapon at maging sa maaaring mangyari bukas at sa mga susunod pang araw. Bukas,.. hmm,.. bukas ko malalaman kung ano ba talaga ang daan na dapat kong tahakin at kung tama ba ang naging desisyon kong pagpili dito. Shit! May posibilidad na maiba ang lahat. Panibagong mundo na naman. At siguradong masalimot uli at tiyak na mahirap iyon. Isa na naman bang malaking kalokohan ang pinasok kong ito? Bakit biglang dumating na naman sa puntong naguguluhan ako? Handa na ba talaga akong kalimutan ang lahat? O ginagawa ko lang itong dahilan upang mapagtakpan ang kahinaan ko. Eto na naman ba ako? Tumatakas na naman sa bawat gusot na ginawa ko?




Ang totoo, kahit ako ay nahihirapan ng hanapin ang lugar ko sa mundong ito. Saan ba talaga ako papunta at dapat pumunta? Saan ba talaga ako pwede? Paano kung walang mangyaring maganda bukas? Para na naman akong basurang itapon nito sa tambakan ng payatas. Bago ko pa uli makumbinsi ang sarili ko na dapata akong magpatuloy, mawawala na naman ba uli ang tiwala ko sa sarili? Tang ina! Matulog na nga! Kung anu-ano kasing kapraningan ang iniisip ko e. Kung walang mangyari e di wala.

Oras na para ipikit ang mata at magpaalam...