Showing posts with label problema. Show all posts
Showing posts with label problema. Show all posts

10 April 2011

Another Sakit sa Ulo

Kahit hindi pa tapos ang Wind Residence sa Tagaytay,.Pinabalik na ako agad ng Manila para sa bagong SMDC project. Ang Sea Residence naman ang kelangang pagtuunan ng pansin. Hay nako! nagtataka nga ako at bakit ba sa akin tinatapon ang mga SM Project. MAdugo sila masyado at masakit sa BANGS! Kainis! Pero no choice sa ngayon. Tawag ng tungkulin ito. Naks! So far ang daming flaws ng project na'to. Grabe! Two weeks na, wala pang buhos. Kamusta naman. Hay..... Pero ok lang din, boring naman kung walang challenge. Walang Thrill. Part ng reality 'to. AJA!

19 March 2011

Wind Residence

First out of town project ko ang Wind Residence sa Tagaytay... I don't know if it's going to be my break ( naks! ). After a month kasi pinatapon na agad ako sa site tapos sa Sm pa. Alam kong magiging madugo 'to. Hay... Dami pa namang flaws from the very start. First day agad zero accomplishment. I wish I can do this. I have scheduled the project for 15 days only. Whew talaga....

18 January 2011

Isang Hapon sa Piling ng mga Aso

Alam nyo namang lahat ngayon na medyo may pinagdadaan ako. It's Complicated ang current status kung Facebook pero hindi naman regarding sa Lovelife. Confuse lang sa career path. Nag decide muna akong wag mag work for this week. At ika 2 days ko na ngayong di napasok. Magulo lang talaga isip ko. Kahapon, maghapon lang ako sa bahay. Nakakatamad din kasi ang panahon. Sobrang lamig dito sa amin ngayon. Ang lakas ng hangin grabe! Kung nakawig ka, siguradong tanggal na ýon. Kami lang ng nanay ko ang nasa bahay. Habang hinihintay ko umuwi ang kapatid ko galing school, nakipaglaro muna ako sa tatlo naming aso.












Hay... Isang mahangin at masayang hapon. Sabi ng nanay ko, minsan daw kapag may problema ka, lapitan mo lang sila at kapag nakita mo sila mawawala ang lungkot mo. Medyo gumaan talaga ang pakiramdam ko pag katapos kong makipaglaro sa kanila. Mabuti pa sila, parang walang kaprobleproblema. Kahit na sa maraming sitwasyon, mahirap maging isang aso. Kaya naman mahal na mahal namin sila. Malapit ng mag two years old sina MICKEY at CREAMY. Si CHUBBY naman kaka-four years old lang last year. Masyadon na silang malambing, kahit na minsan napapagalitan sila, kapag nakita ka nila, lalapit pa din sila sayo. Kapag umuuwi ako galing Pasig, nakasalubong na agad sila. Kahapon na lang ule ako nagkameron ng oras na makipaglaro sa kanila. Nawawalan na talaga ako ng oras sa maraming bagay. Ganito na ba ako kastress? Hay nako... Umaasa ako na maayos pa din ang lahat.

17 January 2011

Game Show Mode

Mukhang hindi talaga maganda ang pasok ng 2011 ko,.. Sad to say,. January palang puro problema na talaga. Pinauulanan ako ng iba't ibang sakit ng ulo. Minsan wala na talaga akong mgawa. Ang masama pa nun,. kapag nararamdaman ko na hindi ko na kaya e naghahanap ako ng alternative kung saan makakatakas ako. Which is alam kong mali. Hindi ko naman kasi matatakasan ang mga ?bagay na 'to pero ano na ba talaga ang gagawin ko? Para na naman akong nasa game show. Kailangang makapag decide ka kung LABAN o BAWI... KWARTA o KAHON... PERA o BAYONG... UWE o HINDE...



Naaalala ko na parang nangyari na 'to sa akin before. 2009 ata yun,.mga mid year ng 2009 to be exact. I'm at the very same situation. Masyadong mahirap. Hindi ko alam kung bakit nauulit na naman ngayong taon na 'to. Ano ba talaga ang problema sa akin? Hays... hindi ko na alam. Sana pag gising ko bukas ng umaga OK na ko.

21 November 2010

Yet To Decide...



I am having a hard time deciding whether to resign with my previous job. To tell you the truth... I am really no longer happy with it. The working environment... the people around me... lahat na... Hay... I just wanna leave but how? and when? Wala pa ko makitang malipatan na trabaho. Hindi ako pede na magresign basta basta na walang siguradong malilipatan. Pero talagang stress out na ko dito sa trabaho ko. I can't handle the next worst thing na darating. And daming issues about money. At sa lahat ayon pa naman ang ayoko. Nagbabago talaga ang tao pagdating sa pera. Shit! Universe... don't be so cruel on me this time. I just need a lot of help... Lalo na ngayon na may financial problem pa ang family namin. Although sinabi na ng nanay ko na magresign na ko, nag aalangan pa rin ako baka mamaya e maging tambay lang ako. I badly needed some help! HAY!!! tapos magpapasko pa. Yun pa isa,. di ko maramdaman ang pasko, malamig lang ang hangin pero yun lang. Yung essence di ko na mafeel. Grabe na talaga stress na inabot ko sa trabaho ko ngayon at parang wala na akong naging ibang buhay kundi puro dito na lang. Sana makapag-decide ako. At sana yung tama at makakabuti sa lahat.

16 December 2009

For Sale


Yesterday, I found out that the house that we built is now FOR SALE..... sigh... The owner ( and his family ) had so many issues even before the house is planned. And to settle those issues and as well as to avoid more complications. He decided to sell the house.




I can't deny that I am not affected of what had happened. I stayed for couple of months with them and treated me part of their family thought we've just met because of this particular project. This is also my very first project. ( I mentioned it a couple of times ) That's how proud I am with this. I have done a lot of sacrifices. Too bad, the particular recipient wouldn't be able to live their anymore. We've designed that house for the ill father of the family. But then he died just after we've finished it. Because of that, they are not anymore comfortable to move to the new house. Just like the normal thingy, when the head of the family dies,.. conflicts are inevitable among the family members who are left and especially in this case money is somehow involved. I hope the feud will come to an end soon.




And hope that my next project ( next year ) wouldn't be as tragic as this one.

09 December 2009

Block 1, Lot 8

From this...





To this...









Hehehe...Medyo malayo yung outcome from the plan. Pero, proud lang ako dito kasi unang project ko yang house na yan. Bungalow with Attic Residence... Marami rin akong natutunan in two months time. First time kung maghandle ng ganitong project. First time kong mag-site. Masyado akong maraming na-experience na first time dito. Marami rin akong nakilalang iba't ibang klase ng tao. Masaya at mahirap. Sa tingin ko, palagi naman yung magkasama e. Pero ang importante sa lahat ay kung paano mo nagawang i-handle ang bawat sitwasyon na dumarating sa buhay mo sa di sinasadyang pagkakataon.

Next Project... Pasig...

10 September 2008

Ang Pagbabalik Kay Ina


Dahil sa labis kong dinaramdam, hindi na muling kinaya ng aking sistema ang lahat. Heto ako ngayon at mukhang lantang gulay na naman. Umiinit na ang aking likuran sa labis na paghiga sa aking kama kaya’t naisipan kong bumagon at gumawa ng bagay na hindi rin naman gaanong kapakipakinabang. Maraming bagay muli ang naglalaro sa aking isip.Kung kaya’t naisipang kong isulat na ang lahat ng ito bago pa ako atakihin ng aking pagkalimot.



Magdadalawang linggo na muli nang mangyari ang hindi kaaya ayang pangyayari sa aking buhay. Alam kong hindi pa tapos ang lahat at nagsisimula pa lamang akong muli sa aking pagbangon. Pero, bahagya na akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib ng ipagtapat ko na sa aking ina ang totoong sitwasyong kinasasangkutan ko. At syempre, dahil sa ako ang paboritong anak ng aking ina. Balewala lang yon. Naks! Hehehe. Alam na nyang may dinaramdam ako, hinihintay nya lang ang aking pagtatapat. Ang totoo nyan ay sa simula pa lang ay sasabihin ko na iyon sa kanya, pero para akong pinipigilan ng pagkakaton. Alam kong may problema pa sya noon kay ate. Mas matindi naman yon kaya hindi na ako nakisabay pa. Alam ko namang malulusutan ko rin ang isang ito. Nung ikalawang pagkakataong nais ko nang magtapat, ang kapatid ko namang bunso ang umeksena. Iyon ang dahilan kung bakit inabot pa ng ganung katagal bago ko sabihin ang totoo sa kanya.



Minsan, hindi ko na alam kung paano ko masusuklian ang pagmamahal sa amin ng nanay ko. Sa dami nang pinagdaanan nya at tiniis para sa amin. Pero katulad ng sitwasyong ito kung saan lahat kaming tatlo ay sunod sunod na nagkaroon ng problema. Hindi ko alam kung saan pa sya humihingi ng lakas ng loob para sa amin. Wala na si lola para hingian nya ng payo, pati na rin ang tatay ko. Alam kong mas mahirap ang sitwasyon nya kesa sa aming mga anak nya, pero kelangan nyang maging matapang para sa amin.



Pinilit kong maging matapang. Pinilit kong maging matatag. Pinilit kong kayanin at tiisin ang lahat. Pero kahapon, sumuko din ako at hindi ko na kinaya. Hindi lang ang kalooban ko ang bumigay, maging ang katawan at isip ko na rin. At eto na nga, bumalik ako sa aking ina at tinanggap nya ako uli.




Kagabi, halos hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga problema ko, dahil hindi pa naman ito tapos. Pansamantalang tinakasan ko lang ang mga ito habang nagpapagaling ako.Parang mahahati na ang ulo ko sa sakit. Ang masama pa nito, lumalala ang sikmura ko kapag may ganitong pangyayari. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang lahat na lang ay masakit sa akin kagabi. Maaga akong nahiga at nagpahinga, pero hindi pa rin matahimik ang aking kaluluwa. Nais ko sanang bumagon at tumabi sa nanay ko, pero wala na rin akong lakas para tumayo. Alam kong napuntahan na nya ako sa kwarto dahil napatay na nya ang mga ilaw.



Sa inaakala kong kaya ko na ang lahat, pwes… nagkakamali pa rin ako. Dahil mahina pa rin pala ako. Sa edad kong ito ay kinailangan ko pa rin ang nanay ko. At napakaswerte ko naman dahil palagi pa rin syang nariyan para sa akin. Habang sinusulat ko ito ay nagluluto sya ng pagkain para sa akin. Nagpaluto ako ng sopas.Dahil pakiramdam ko e sabaw lang ang gusto at kaya nang hudas kong sikmura.Gusto nya akong magpunta sa doktor ngayon, pero ayokong munang marinig ang sermon ng doktor ko sa akin sa mga ganitong pagkakataon.



01 June 2008

bukas

Gabi na naman. Higa sa kama. Mag-mumuni muni sa mga nangyari sa maghapon at maging sa maaaring mangyari bukas at sa mga susunod pang araw. Bukas,.. hmm,.. bukas ko malalaman kung ano ba talaga ang daan na dapat kong tahakin at kung tama ba ang naging desisyon kong pagpili dito. Shit! May posibilidad na maiba ang lahat. Panibagong mundo na naman. At siguradong masalimot uli at tiyak na mahirap iyon. Isa na naman bang malaking kalokohan ang pinasok kong ito? Bakit biglang dumating na naman sa puntong naguguluhan ako? Handa na ba talaga akong kalimutan ang lahat? O ginagawa ko lang itong dahilan upang mapagtakpan ang kahinaan ko. Eto na naman ba ako? Tumatakas na naman sa bawat gusot na ginawa ko?




Ang totoo, kahit ako ay nahihirapan ng hanapin ang lugar ko sa mundong ito. Saan ba talaga ako papunta at dapat pumunta? Saan ba talaga ako pwede? Paano kung walang mangyaring maganda bukas? Para na naman akong basurang itapon nito sa tambakan ng payatas. Bago ko pa uli makumbinsi ang sarili ko na dapata akong magpatuloy, mawawala na naman ba uli ang tiwala ko sa sarili? Tang ina! Matulog na nga! Kung anu-ano kasing kapraningan ang iniisip ko e. Kung walang mangyari e di wala.

Oras na para ipikit ang mata at magpaalam...