Finally... nagkameron din ng rest day. Hays... sarap... Yun nga lang hindi ko maintindihan kung bakit kapag wala akong pasok e automatic pa ring namulat ang mata ko sa umaga around 5am. F*ck! kainis! Samantalang kapag may pasok naman ako e halos nakapagkit na ang likuran ko sa kama. Anyway,.. kahit naman ilang days akong pahinga ngayon,. sobrang busy naman dito sa bahay kasi malapit ng umuwi ang aking kapatir. hehehe... Kaya naman to the highest level pa rin ang pag aayos ng bahay. Lalo na ko kasi magpapalit kami ng kwarto. Grabe naman sa dami ng kailangang ligpitin. Crap! Sana lang matapos ko yung lahat bago sya dumating at bago ako magtrabaho uli.
Bilog ang mundo ngunit buong buhay mo umiikot sa apat na sulok nito...kwadrado... masikip...paulit-ulit.
Showing posts with label kapatid. Show all posts
Showing posts with label kapatid. Show all posts
27 November 2009
19 August 2009
Buhay nga naman
Still in Binan, Laguna... Sana bukas matapos na talaga yung building permit na 'yon. Nauubos na ang energy ko sa pag aasikaso. Hindi naman sya mahirap ayusin kaya langsobrang init lang talaga at sobrang nauubos ang lakas ko sa init. Hay... Kanina pa... super bad trip! Akalain mo ba namang mag brown out sa City Hall?!?!? WTF?!? Grabe di ba?!?! Pano ko naman matatapos yung inaayos ko. At syempre parang impyerno lalo sa init. Goshhhhhhhhhhh... Ayon tuloy, babalik na naman ako bukas. sigh....

4pm na wala paring kuryente. Syempre, dahil government office yon, kahit naman magkakuryente pa e tatamadin na rin naman magtrabaho yung mga empleyado dun. Marami na nga rin ang nag uwian. So, nagdecide na rin akong umuwi pero kumain muna ako. As usual... sa JABI na naman. Yung lang ang pinakamalapit at pinakasafe kong pedeng kainan. Medyo nauumay na nga rin ako sa mukha ni Jollibee. Nyay!!!

Habang ine-enjoy ko ang aking Tuna Pie at Rocky Road Sundae... May kamalabit sa balikat ko. Isang ale na may dalang baby. Sabi nya, kung pede daw makahingi ng 12 pesos kasi kulang lang daw ang pamasahe nya. Hindi daw dumating ang kapatid nya. Medyo nagulat lang ako sa sinabi nya. Kaya ang nasagot ko lang e "ano po?" Tapos yun, inulit nya. Ako naman kumuha agad sa bag ng pera, sakto yung 20 pesos na medyo na sa unahan kaya kinuha ko at binigay sa kanya. Sabi ko, "eto po, ingat po kayo." Sagot nung ale, "di bale, doble ang balik nyan sayo". At nagpasalamat naman sya. Isinasara ko palang uli yung bag ko, pagtalikod ko wala na yung ale. Tinanaw ko naman sa labas pero hindi ko matandaan na kung anu nga ba ichura nya. Marami kasi tao sa labas. Talagang nashock ako dun.

Sana nakatulong ang 20pesos. Ngayon ko nga lang narealize sana medyo malaki nabigay ko. Mukha namang mabait yung ale. Kawawa naman pati yung anak nya. Kaya lang nabigla ako kasi kanina, initial reaction ko, e ibigay agad yung kailangan nya.
Tapos pag uwi ko. Mas shocking! Akalain mong yung utol kong engot e nawalan ng pera kaya yun wala syang pamasahe pauwi. Nung bumaba lang sya ng bahay humingi ng pera kay mommy. E ang maganda pa nun, walang barya ang nanay ko. hehe... Kaya nagkalkal pa sila sa mga vase at jar na may barya.
Weird talaga ng nangyari. Isipin nyo, ako nagbigay sa isang taong hindi ko kilala ng pera dahil wala syang pamasahe tapos ang kapatid ko e walang pamasahe dahil nawalan ng pera...
bahagyang kaugnayan
binan laguna,
blessings,
kapatid,
nanay
10 September 2008
Ang Pagbabalik Kay Ina
Dahil sa labis kong dinaramdam, hindi na muling kinaya ng aking sistema ang lahat. Heto ako ngayon at mukhang lantang gulay na naman. Umiinit na ang aking likuran sa labis na paghiga sa aking kama kaya’t naisipan kong bumagon at gumawa ng bagay na hindi rin naman gaanong kapakipakinabang. Maraming bagay muli ang naglalaro sa aking isip.Kung kaya’t naisipang kong isulat na ang lahat ng ito bago pa ako atakihin ng aking pagkalimot.
Magdadalawang linggo na muli nang mangyari ang hindi kaaya ayang pangyayari sa aking buhay. Alam kong hindi pa tapos ang lahat at nagsisimula pa lamang akong muli sa aking pagbangon. Pero, bahagya na akong nabunutan
ng tinik sa aking dibdib ng ipagtapat ko na sa aking ina ang totoong sitwasyong kinasasangkutan ko. At syempre, dahil sa ako ang paboritong anak ng aking ina. Balewala lang yon. Naks! Hehehe. Alam na nyang may dinaramdam ako, hinihintay nya lang ang aking pagtatapat. Ang totoo nyan ay sa simula pa lang ay sasabihin ko na iyon sa kanya, pero para akong pinipigilan ng pagkakaton. Alam kong may problema pa sya noon kay ate. Mas matindi naman yon kaya hindi na ako nakisabay pa. Alam ko namang malulusutan ko rin ang isang ito. Nung ikalawang pagkakataong nais ko nang magtapat, ang kapatid ko namang bunso ang umeksena. Iyon ang dahilan kung bakit inabot pa ng ganung katagal bago ko sabihin ang totoo sa kanya.

Minsan, hindi ko na alam kung paano ko masusuklian ang pagmamahal sa amin ng nanay ko. Sa dami nang pinagdaanan nya at tiniis para sa amin. Pero katulad ng sitwasyong ito kung saan lahat kaming tatlo ay sunod sunod na nagkaroon ng problema. Hindi ko alam kung saan pa sya humihingi ng lakas ng loob para sa amin. Wala na si lola para hingian nya ng payo, pati na rin ang tatay ko. Alam kong mas mahirap ang sitwasyon nya kesa sa aming mga anak nya, pero kelangan nyang maging matapang para sa amin.
Pinilit kong maging matapang. Pinilit kong maging matatag. Pinilit kong kayanin at tiisin ang lahat. Pero kahapon, sumuko din ako at hindi ko na kinaya. Hindi lang ang kalooban ko ang bumigay, maging ang katawan at isip ko na rin. At eto na nga, bumalik ako sa aking ina at tinanggap nya ako uli.


Subscribe to:
Posts (Atom)