Showing posts with label ina. Show all posts
Showing posts with label ina. Show all posts

29 January 2011

Watta Blast!!!

This week is a BLAST!!! Urgh!!! There's so many things that happened... Grabe... I can't imagine that in just a week, my life would probably change. Ganito kasi yon e... Simulan natin sa simula...
  • MONDAY - I went to Makati. I have an interview with ADCO Blue. Good thing 1:30 PM yung appointment ko dun kasi kung hindi siguradong ligwak. Monday kasi mahirap lumuwas. Along Chino Roces lang naman sila. Madaling hanapin. I was 30 minutes early kaya tambay muna ako sa South Gate nang biglang umulan ng bonggang bongga! Patay! The HELL!!! I was wearing heels pa naman tapos ganon!?!? Anyway... dahil maaga pa naman, nagpatila muna ako saka ako rumampa. I guess, 10 minutes earlier ako, tapos mamaya may dumating na din na ibang applicant. Walang exam, actually personality test lang sya lahat then interview with the HR. Wala lang,. relax lang,. di ko alam kung ano out come,. Sabi lang naman tatawag sila after maforward yun sa boss nila. Since December, pang tatlo ko na ata yung company nila. Lahat puro sa Makati. Una ung PJ Lhuillier, second yung ScotPH. Pero decided na talaga ako this time na I have to go... go out of my comfort zone. After nun nagpunta pa ako sa Pasig, yung electrician kasi namin may back job pa ulet. Hay nako! Pasaway...

  • TUESDAY - Time to chillax! At sa wakas ng panahon natuloy din. Nagkita kami ni Pare after a year... a year and 7 months ata. Ganon ka grabe! hahaha... As usual, the agenda, movie. Nuod ng Green Hornet base sa napagkasunduan at napag debatehan namin. Ok naman yung movie... ok din naman yung pagkikita namin. Pero medyo nangangapa pa rin ako kapag kasama ko sya. Siguro nga kasi di ko naman sya palagi nakakasama. Kahit ba nakakachat ko sya at nakakatext e. Iba kapag kaharap mo na. Yun yun e! hehehe..... Di lang ok yung food,. hahaha,.ewan ko ba di masarap spag sa Shakey's that day. Kaya nilunog ko na lang ang sarili ko sa Ice Tea. Grabe,. feeling ko nasa leeg ko pa lahat nung nanunuod kami. Ako ata nakaubos nung isang pitcher.Tapos yun,. after kain and after movie, ikot ikot lang sa mall. Ganun lang kasimple. Pare is one of the nicest guy I've ever met... in person ha,. pero sa text nako! palagi akong asar don! hahaha... Unforgettable day 'to isa sa pinaka unforgettable e yung pag pasok ko sa CR ng lalake. HAHAHA! Stupid! Pero eto ang paliwanag don, may katext kasi ako regarding sa Meralco application kaya nakatungo ako tapos nung pagtingin ko naman sa sign ng men o women e mukhang men yung unang room kaya nilampasan ko. Hindi ko naman talaga sinasadya, engot din naman yung janitor kasi hinayaan nya kong pumasok e andun lang naman sya sa may pinto. Kainis!

  • WEDNESDAY - Birthday ni mommy. At nablog ko na yung kwento. Additional na lang ..... Nagtext ule yung ADCO sa akin, for final interview na daw tomorrow 9:30 AM. Shit!!! AM na! Kaya yun, nagdecide na akong di umuwi kasi sayang pamasahe,. tapos maaga yung appointment baka matraffic lang ako at malate pa. Ang problema.. sapatos,. wala akong pang pormal. Kaya kahit wala sa budget, ayun! nakabili ng di oras. Anyway kelangan ko na rin naman talaga ng isang pormal dahil na nasira na yung dati ko.

  • THURSDAY -From Riverside, hindi ko masyado karkulado ang traffic kung papunta akong Magallanes. Umalis na lang ako ng maaga. Mahirap ng malate. Final interview yun. Siguradong boss na ang makakaharap ko. Kaso, sinubukan ata ni Bathala ang pasensya ko sa bago kong sapatos kaya napasubo ako sa isang mahabang lakaran. Pagdating ko dun sa office, saktong sakto lang at hingal na hingal ako. Pakiramdam ko pa e dugo na ang mga paa ko. Pakshet! Buti na lang mga around 10AM na nagsimulang magtawag sa interview. Bale, 4 kami. Yung isa don, nakasabay ko na nung lunes. Yung 2 bago sa paningin. Pangtatlo ako sa tinawag. Ok naman yung interview. Mabait naman yung boss nila. Mestiso yung mama. Kaya nosebleed ako araw araw kung sya na nga ang magiging boss ko. Anyway, magaan naman ung dating sa akin ng interview, parang nagkukwento lang. Sabi ule, tatawagan na lang daw hangga't matapos nya lahat ng applicants na mainterview. Pero di ko makakalimutan yung sinabi nya na "so far your the best that qualify in this position". Naks! watta compliment ! Dahil doon medyo nabuhayan ako ng dugo. May pag asa pa. hehehe... Pagkatapos nun balik sa Pasig ule, kumain tas uwi na ko San Pablo. Sa bus palang tinawagan na ako na ako daw ang napili. Shet! hours palang ang nakakalipas ok na agad. Sinabi na sa akin ang mga requirements na dapat isubmit at sinabi din na magreport na sa Monday para sa contract signing. WOW! OK! AYOS!

  • FRIDAY - Inaayos ko na mga papeles na dapat ayusin. Pati na rin yung mga kelangan kong i-submit. Nagpunta ako FPIP. Kelangan kong kausapin sina Sir para mag paalam at para ipaalam mga gagawin nila kapag wala na ako. Actually dami pang pending kaso, eto na e. Naging maayos naman ang lahat. Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan e. Pagkatapos ko sa FPIP, balik ako ng Pasig. Punta ako City Hall para sa iba pa ring dokumento. Sa Pasig ko na rin piniling matulog kasi bukas pupunta pa ko LP e gabi na rin traffic na. Sayang din pamasahe kung pabalik balik.

  • SATURDAY - At eto na nga, sabado na. Punta ako LP. Hay... mga papeles pa din. Pagkatapos ng konting kwentuhan sa bahay nina sir, derecho pa ko Sta. Rosa. Last route ko na for today. Pagod na ko. Dami ko pa gagawin. Daming dapat ayusin. Magsisimula ako ule sa simula. Hay... Antok na ko,. Shet! Matapos ko sana mga ginagawa ko. Bukas ng umaga, sisimba pa kami. Kain sa labas para sa Post BDAY celeb ni mommy tapos luwas na ule, pero this time sa Makati na...

09 October 2008

Ang Medical Examination Atbp.


Naging busy ako this week despite ng inaakala kong “katamaran galore” na nangyari sa akin nung Monday. Hmm, teka…imagine, I’ve been in Batangas pala this past three days. Ngayon ko lang naisip. Tapos wala pa rin akong tulog lalo nakagabi. Sarap iuntog ng ulo ko sa pader dahil hindi talaga ako dalawin ng antok. Lahat na ata tinitext ko e logtu na. Hay… Mapapagkamalan na naman akong adik. Gusto ko sanang itext si special monster kaya lang, meron ata sya that night at sobrang suplado. Hmp! Kainis talaga yun. Hmm, by the way ang cute pala ng tawag ko sa kanya… special monster… hehehe. Bigla lang yung pumasok sa isip ko a? Crap!


Last Tuesday, me and my mom went to Lipa. May inasikaso si ina at syempre wala naman syang ibang isasama kundi ako. After non, daan muna kami sa SM, relax… Antok ako talaga ako that day at wala akong ginawa kundi ang humikab ng humikab. Napansin nga yun ng nanay ko e.Puyat daw kasi ako, sino daw ba ang kausap ko nung gabi. Hehehehe. Narinig pala nyang may kausap ako. Well, kausap ko si special monster. Pero I really messed up that night. Badtrip, I’ve been waiting my whole life for that one night pero wala naman akong ka sa MOOD sa MOOD noon dahil natutulog na ako nung tumawag sya. So, inshort bangag lang ako. Adik ko talaga! Anyway, bakit ba nag woworry na naman ako??!! Parang tawag lang e… hmmm…


Last Wednesday naman, schedule ko ng medical exam sa FPIP. First time ko magpamedical. As in yung general check up talaga. Hindi naman kasi naging requirements yun ng mga previous companies na napasukan ko. Kabado palang ako, gabi pa lang. Shit! Baka madetect nilang may sakit ako sa utak. Hehehe. Konti lang naman ang mga naging kasabay ko. At inasikaso naman ako ng maayos. Mabuti naman, dahil first time ko. Hehehe.


Inaasahan ko nang sasablay ako sa EYE EXAMINATION dahil 9 years old palang ako nakasuot na ko ng salamin. Pero atleast, they gave me consideration. Hindi naman kasi ako operator wherein kelangang 20/20 ang vision. Sa dental, ok na rin. Nakabraces pa ang upper lateral ko pero ok naman ang mga molars ko at complete na rin kasi ang mga wisdom teeth ko. Pass! Sa physical naman, nakapa ata nung doktora yung thyroid ko, pero sinabi ko naman na meron akong history ng goiter. Pero nothing to worry dahil non-toxic yun. Pinakuha na lang nya ako ng medical clearance sa aking attending endocrinologist ( tama ba?). Syempre ang funniest part dito sa physical exam ay ang paghuhubad. Hehehe. Even before, naglolokohan na kami ng mga kaibigan ko about ditto. Specially yung mga nag apply na for abroad. Part talaga ng exam ang maghubad at tumuwad. I did it! Hehehehe. Pagkalabas ko nang room, natatawa ako at itinext ko pa sa kaibigan ko na…”hindi na ko virgin, tumuwad na ko”… Ang text back nya…”wow! Congrats! Nadevirginized ka na.” hehehe.




After that kinuhanan ako ng isang litrong dugo. JOKE! At pagkatapos x-ray. Ang problema ko na lang…yung stool sample ko. SHETNESS! Eto ang mahirap sa akin e, hindi ako basta basta makakajebs sa kung saang comfort room at sa kung anung oras. Dahil marami pa akong ritwal at seremonyas. So, kinausap ko yung doctor sa lab at pinayagan naman nya akong bukas na ibigay yung sample basta wala pang 2 hours yon. Ayos! Yung stool sample at medical clearance na lang. Umuwi ako sa kabila ng matinding sikat ng araw. Shit! Tanghaling tapat pero hindi muna ako nag lunch dahil kelangan ko pang dumaan sa attending physician ko para kumuha ng medical clearance. 2006 pa pala ako huling nagpacheck up! Hehehe. Pasaway talaga at one year ko rin itinigil ang pag inom ng thyrax at calsan. Last year kasi nagkameron ako ng reflux. At dahil kelangan ko ring uminom ng gamot para don, itinigil ko ang mga droga ko para sa aking thyroid. This year na lang ako uli nagstart ng medication ko. Medyo nasermonan ako ni doktora pero binigyan naman nya ko ng clearance. Lumiit naman ang size ng goiter ko e kaya abswelto na rin! Mabait naman si Dra. Sya rin ang doctor ng lola ko at kilala na nya pamilya naming kaya no prob. Para ngang hindi doctor-patient ang magkausap e.

DUANEY- ang teddy na bigay ni duane


Thursday… Kanina back to Asia Pacific Diagnostic Clinic uli ako para ibigay ang aking pinaka iingat ingatang stool sample at medical clearance. Sila na lang ang mag papass sa HR at yung HR na lang uli ang tatawag sa akin kapag ok na ang lahat. Sabi nila so far wala namang problema, hihintayin na lang yun magiging result ng stool at yung reading ng x-ray. Wala pang 15mins ang itinagal ko dun kaya sinabihan ko si Duane na magkita kami. Hehehe. Ngayon ko palang kukunin yung regalo nya sa akin. Late na sobra! Naging busy kasi kami pareho lalo na nung nagstay ako sa Manila. March pa pala kami huling nagkita nun. Nagpunta ako Calamba para kunin yung gift. Isang teddy bear na brown. Cute, mabango nga e. Sumusuot hanggang utak ko yung halimuyak grabe! Hindi ko alam kung anung inilagay nya don. Hindi rin naman kami nagtagal ng usap. Inihatid nya lang ako sa sakayan. Habang naglalakad kami papunta don, yun na lang ang naging time naming sa konting kwentuhan. Busy rin sya. May aaplyan daw kasi sya e. Tumigil na sya uli ng pagpasok, magtratrabaho daw muna. Kahit hindi na kami ganun kadalas nagkakausap ni Duane. Hindi pa rin sya nagbabago. After ng konting usapan sumakay na ko at umuwi na rin sya.


Pag uwi ko… umulan… Ang saya naman. Mabuti na lang at hindi ako inabot dahil naglakad lang ako. Nag online ako at nakausap ko si Mico. Si Micong sobrang kulet! Palagi nya akong sinasabihan ng mataray daw ako sobra. As in SOBRA! Magaling daw akong mambara at para bang lahat ng sagot ko e alanganin. Kung hindi ewan… bahala na. Nakakatawa sya. Hindi ko naman sya kilala talaga. Hay nako! Palagi syang tumatawag sa akin at pag online ako palagi ring nag YYM. Wala naman akong sa MOOD makipag bolahan sa kanya. Walang ibang lalake sa isip ko ngayon kundi si special monster. At dahil don, naiinis na ako sa sarili ko. Baka mamaya e matulad na to sa naramdaman ko kay Em. Hindi pede. Wag muna.Hindi dapat! Wag po! Hehehe.


10 September 2008

Ang Pagbabalik Kay Ina


Dahil sa labis kong dinaramdam, hindi na muling kinaya ng aking sistema ang lahat. Heto ako ngayon at mukhang lantang gulay na naman. Umiinit na ang aking likuran sa labis na paghiga sa aking kama kaya’t naisipan kong bumagon at gumawa ng bagay na hindi rin naman gaanong kapakipakinabang. Maraming bagay muli ang naglalaro sa aking isip.Kung kaya’t naisipang kong isulat na ang lahat ng ito bago pa ako atakihin ng aking pagkalimot.



Magdadalawang linggo na muli nang mangyari ang hindi kaaya ayang pangyayari sa aking buhay. Alam kong hindi pa tapos ang lahat at nagsisimula pa lamang akong muli sa aking pagbangon. Pero, bahagya na akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib ng ipagtapat ko na sa aking ina ang totoong sitwasyong kinasasangkutan ko. At syempre, dahil sa ako ang paboritong anak ng aking ina. Balewala lang yon. Naks! Hehehe. Alam na nyang may dinaramdam ako, hinihintay nya lang ang aking pagtatapat. Ang totoo nyan ay sa simula pa lang ay sasabihin ko na iyon sa kanya, pero para akong pinipigilan ng pagkakaton. Alam kong may problema pa sya noon kay ate. Mas matindi naman yon kaya hindi na ako nakisabay pa. Alam ko namang malulusutan ko rin ang isang ito. Nung ikalawang pagkakataong nais ko nang magtapat, ang kapatid ko namang bunso ang umeksena. Iyon ang dahilan kung bakit inabot pa ng ganung katagal bago ko sabihin ang totoo sa kanya.



Minsan, hindi ko na alam kung paano ko masusuklian ang pagmamahal sa amin ng nanay ko. Sa dami nang pinagdaanan nya at tiniis para sa amin. Pero katulad ng sitwasyong ito kung saan lahat kaming tatlo ay sunod sunod na nagkaroon ng problema. Hindi ko alam kung saan pa sya humihingi ng lakas ng loob para sa amin. Wala na si lola para hingian nya ng payo, pati na rin ang tatay ko. Alam kong mas mahirap ang sitwasyon nya kesa sa aming mga anak nya, pero kelangan nyang maging matapang para sa amin.



Pinilit kong maging matapang. Pinilit kong maging matatag. Pinilit kong kayanin at tiisin ang lahat. Pero kahapon, sumuko din ako at hindi ko na kinaya. Hindi lang ang kalooban ko ang bumigay, maging ang katawan at isip ko na rin. At eto na nga, bumalik ako sa aking ina at tinanggap nya ako uli.




Kagabi, halos hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga problema ko, dahil hindi pa naman ito tapos. Pansamantalang tinakasan ko lang ang mga ito habang nagpapagaling ako.Parang mahahati na ang ulo ko sa sakit. Ang masama pa nito, lumalala ang sikmura ko kapag may ganitong pangyayari. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang lahat na lang ay masakit sa akin kagabi. Maaga akong nahiga at nagpahinga, pero hindi pa rin matahimik ang aking kaluluwa. Nais ko sanang bumagon at tumabi sa nanay ko, pero wala na rin akong lakas para tumayo. Alam kong napuntahan na nya ako sa kwarto dahil napatay na nya ang mga ilaw.



Sa inaakala kong kaya ko na ang lahat, pwes… nagkakamali pa rin ako. Dahil mahina pa rin pala ako. Sa edad kong ito ay kinailangan ko pa rin ang nanay ko. At napakaswerte ko naman dahil palagi pa rin syang nariyan para sa akin. Habang sinusulat ko ito ay nagluluto sya ng pagkain para sa akin. Nagpaluto ako ng sopas.Dahil pakiramdam ko e sabaw lang ang gusto at kaya nang hudas kong sikmura.Gusto nya akong magpunta sa doktor ngayon, pero ayokong munang marinig ang sermon ng doktor ko sa akin sa mga ganitong pagkakataon.