19 August 2009

Buhay nga naman


Still in Binan, Laguna... Sana bukas matapos na talaga yung building permit na 'yon. Nauubos na ang energy ko sa pag aasikaso. Hindi naman sya mahirap ayusin kaya langsobrang init lang talaga at sobrang nauubos ang lakas ko sa init. Hay... Kanina pa... super bad trip! Akalain mo ba namang mag brown out sa City Hall?!?!? WTF?!? Grabe di ba?!?! Pano ko naman matatapos yung inaayos ko. At syempre parang impyerno lalo sa init. Goshhhhhhhhhhh... Ayon tuloy, babalik na naman ako bukas. sigh....



4pm na wala paring kuryente. Syempre, dahil government office yon, kahit naman magkakuryente pa e tatamadin na rin naman magtrabaho yung mga empleyado dun. Marami na nga rin ang nag uwian. So, nagdecide na rin akong umuwi pero kumain muna ako. As usual... sa JABI na naman. Yung lang ang pinakamalapit at pinakasafe kong pedeng kainan. Medyo nauumay na nga rin ako sa mukha ni Jollibee. Nyay!!!




Habang ine-enjoy ko ang aking Tuna Pie at Rocky Road Sundae... May kamalabit sa balikat ko. Isang ale na may dalang baby. Sabi nya, kung pede daw makahingi ng 12 pesos kasi kulang lang daw ang pamasahe nya. Hindi daw dumating ang kapatid nya. Medyo nagulat lang ako sa sinabi nya. Kaya ang nasagot ko lang e "ano po?" Tapos yun, inulit nya. Ako naman kumuha agad sa bag ng pera, sakto yung 20 pesos na medyo na sa unahan kaya kinuha ko at binigay sa kanya. Sabi ko, "eto po, ingat po kayo." Sagot nung ale, "di bale, doble ang balik nyan sayo". At nagpasalamat naman sya. Isinasara ko palang uli yung bag ko, pagtalikod ko wala na yung ale. Tinanaw ko naman sa labas pero hindi ko matandaan na kung anu nga ba ichura nya. Marami kasi tao sa labas. Talagang nashock ako dun.




Sana nakatulong ang 20pesos. Ngayon ko nga lang narealize sana medyo malaki nabigay ko. Mukha namang mabait yung ale. Kawawa naman pati yung anak nya. Kaya lang nabigla ako kasi kanina, initial reaction ko, e ibigay agad yung kailangan nya.

Tapos pag uwi ko. Mas shocking! Akalain mong yung utol kong engot e nawalan ng pera kaya yun wala syang pamasahe pauwi. Nung bumaba lang sya ng bahay humingi ng pera kay mommy. E ang maganda pa nun, walang barya ang nanay ko. hehe... Kaya nagkalkal pa sila sa mga vase at jar na may barya.

Weird talaga ng nangyari. Isipin nyo, ako nagbigay sa isang taong hindi ko kilala ng pera dahil wala syang pamasahe tapos ang kapatid ko e walang pamasahe dahil nawalan ng pera...
Buhay nga naman...

No comments: