26 January 2011

Happy Birthday Mommy!

Birthday ni mommy ngayon. Take Note she's 50. Sadly, walang party. Di namin nagawa ni ate yung plano talaga. Badtrip nga e,. pero ganun talaga. May mas mga importanteng bagay kasi kaming priority ngayon. As usual, gumising ako ng maaga ( kahit mahirap ), sinasamahan ko kasi si mommy araw araw sa pag attend ng 7am mass. Mahirap bumangon kapag malamig. Lalo na sa akin,.. masyado kasi akong ginawin e. Pero nagawa ko at natapos ko yung 9 days. Hehehe. Actually, nasanay na rin akong bumangon ng mas maaga sa usual ko na pag gising.
Tumapat kasi ng weekday ang birthday nya. May pasok kami lahat. Wala rin talaga chance to celebrate. Kaya sabi ko kay mommy, this weekend na lang kami mag celebrate pag uwi ni ate. "This weekend... may basabog si Judis..." eto ang text ko. Reply nya,. baka sumabog ang pwet ko nyan. Hehehe... Masasabi kong close na ko kay mommy compare before. Kaya ko na syang patawanin at nakakausap ko na sya regarding din sa madaming bagay. Sana makasama pa namin sya ng matagal. Si Daddy kasi madaya retired agad. Hehehe...
Ang daming nangyari this week. Kahit Wednesday palang. Watta blast!!! Bukas, may final interview ako. I hope things will work out according to plan. Hay sana talaga. Marami pa kong kkwento ngayon, grabe hectic ng sched... kaso kelangan ko pang gumawa ng report. haysss... Happy sana si Mommy kahit wala kami ngayon ni ate sa bahay. At sana next year mabigyan na namin sya ng party na gusto nya.

No comments: