06 June 2008

drama ko talaga!


Hindi ko na maalala kung ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko kung bakit ba ako nabuhay sa mundo. Ang totoo, pakiramdam ko, napakawala ko talagang kwentang tao. Hindi ko nga alam kung ano ang gusto ko at kung saan ako dapat pumunta. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin. Siguro kasi palagi akong malungkot kaya hindi ko na alam kung paano na nga ba ang maging masaya.

"mas madaling ngumiti kahit di ka masaya kaysa ipaliwanag kung bakit malungkot ka..."

Nagpapasalamat ako sa unang tao sa mundo na nakaalam ng pag ngiti. Malamang sa Diyos yun galing. Siguro kaya ginawa ang pag ngiti para maitago kahit man lang sandali kunyari masaya ka. Oo, kunyari lang. Kunyari masaya at ok lang ang lahat. Para lang wala nang masayadong tanong pa. Kahit papano naman nakakabawas din yun ng lungkot kahit pansamantala. Mahirap kasing maglabas ng sama ng loob sa ibang tao. Lalo na kung di ka rin naman nila maiintindihan.

"kapag may kaibigan kang naglabas sayo ng sama ng loob, huwag na huwag mong sasabihing alam mo ang nararamdaman nya, dahil ang totoo, hindi mo iyon alam.Dahil walang dalawang tao ang pareho ng nararamdaman kahit na pareho kayo ng sitwasyon."

Ito ang pinakamabigat sa lahat. Dahil sa panahon ngayon, walang nakakaunawa sa akin. Ewan ko ba kung bakit? Tagalog din naman ang salita ko pero para bang hirap na hirap silang unawin ang gusto kong manyari. Napapagkamalan tuloy akong ADIK. Mahirap ba talagang unawin ang mga sinasabi ko? Ganon na ba talaga ako ka-weirdo ngayong mga panahong ito? Para akong isang alien. Masakit ang sabihan ng mga ganito. Pag sinabi ko naman na ganon ang nararamdaman ko, sasabihin naman EMO ako. Tang inang buhay 'to! Wala nang lusutan. Palibhasa lahat ng tao, sila na ang magaling. Mga akala mo kung sino? Teka,.. mas may putik pa ang mga mukha nyo kesa sa akin. Aminado akong masama akong tao, hindi ko kahit minsan itinatago ang sungay at buntot ko. Masama ba ang magpakatotoo sa sarili mo. Mabuting tingnan nyo muna ang mga sarili nyo bago nyo ko husgahan. Baka may sungay ka rin, mas mahaba pa sa akin.

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-bahagi ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay."

Hindi ko maiwasang gumawa ng mga pagkakamali. Minsan, napapadalas na dahil na rin siguro padalos-dalos ako. Akala ko magiging maayos na rin muna ang lahat kahit papaano. Pero hindi pala. Isa sa mga dahilan kung bakit nabaon ako sa ugaling negatibo. Kasi naman ang hirap makabawi kapag na disappoint ka na. Ang masama pa nito, kapag maganda na ang mood ko sa isang bagay at naging positive ako don. Sigurado, palpak yun. Ang ending, duguan at luhaan ako. Nabalot na rin ang sarili ko sa apat na sulok ng kalungkutan. Bakit? Iisipin nyo, EMO na naman. Mali! Kasi sa tuwing may magandang mangyayari may kapalit din yung di maganda. Natatakot ako kapag nagiging masaya ako. Dahil alam ko sa loob ng 24 oras may resbak yun na sobrang tindi! Yari talaga! Katulad ngayon. Unti-unti na nga akong nabubuo at nabubuhayan pero ewan ko ba kung kakambal ko ba ang kahihiyan at kamalasan.

Nakakahiya talaga ang nagawa ko. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Life is what you make it"

Kasalanan ko. Alam ko. Kaya kailangan kong harapin ang kaparusahan. Ang lumayo. Pucha! Paglayo na naman. Bakit kasi ngayon pa nangyari 'to kung kailan ok na,..sana. Ang tanga ko kasi. Sabi na nga ba wala talaga akong kwentang tao. Bakit ba hindi mo ipasok sa mapurol mong utak na kahit kelan hindi ka pwedeng maging masaya. );

Ngayon kailangan ko nang dumistansya sa isang tao na nagpapasaya sa akin. Kasi, kung mananatili ako,may ibang malulungkot. Ayoko namang makasakit, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nun. Isa pa, ako ang dapat lumugar. Ngayon saan na ko pupunta? Hindi ko alam? Para akong palaboy,.. Nanlilimos ng awa, naghahanap ng atensyon, nanghihingi ng pang unawa, humihiling ng himala. Sayang naman, nakakapanghinayang din kasi dahil sa kanya kahit pano nakakita ako ng pag-asa. Pero ganon lang ata talaga. Isa lang syang estranghero na dumating sa buhay ko. Mas mabuti kong ganon na lang siguro ang iisipin ko. Lilipas din naman ang lahat. Nasaktan talaga ako dun ah? Ganon na pala sya kahalaga sa akin. Akala ko, wala lang. Kaya pala nung una palang kami nagkakilala ilang beses ko nang sinabi na "baka we're not meant".


"There will always be hope."

Hay! Hindi ko alam kung ano pang meron sa akin ngayon. Parang lahat unti-unti nang nawawala. Minsan tuloy naisip ko, naging pabaya ba ako? O masyado naman akong naging makasarili? Pakiramdam ko, nag-iisa na naman ako ngayon. Sino pa bang lalapitan ko? E sigurado namang sawa na sila sa mga sinasabi ko. Ayaw na nilang pakinggan ang mga problema ko. Ang pagkukwento ko tungkol sa kung gaano ako nalungkot at nasaktan. Noong bata pa ko, gustong magkameron ng robot na pedeng gawin ang lahat para sa akin. Pero ngayon, kung may pagkakataon, mas gugustuhin ko nang hilingin na maging robot ako. Para maging manhid na sa lahat ng bagay. Tama si Wizard of Oz, napakaswerte ni TINMAN dahil wala syang puso. At kahit kailan hindi nya mararamdaman kung paano ang masaktan. Sana ako rin, isang latang robot. Kahit tapak-tapakan at yupi-yupiin, walang pakiramdam. Pagod na po akong masaktan!!! Hanggang kelan po ba ito??? Hindi pa rin ba ako pwedeng maging masaya?





No comments: