30 August 2008

Ang Pinaka kong Biyernes

Palagi kong tanong sa aking sarili... "ganon na ba talaga ako kasamang tao at pinaparusahan ako ng ganito?" Parusa nga ba ito o sumpa? Mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit ba parang ako lang ang taong makasalanan at sumambot lahat ng kamalasan sa mundo. Ito ang buhay ko, nakakasawa.. Puro sablay, walang magandang nangyayari. Kung meron man, isang iglap lang at siguradong hindi magtatagal at may masama itong kapalit.



Biyernes noon. Ang pinakamalas at masamang biyernes ng buhay ko. Walang sinabi ang mga kinatatakutan nyong friday the 13th na yan. Dahil buong puwersa ata ng kadiliman ang nagsanib pwersa nung araw na yon para hiyakatin muli ang aking kaluluwa sa walang hanggang kalungkutan.
Kaya naman pala maraming kakaibang nangyari umaga palang ng araw na 'yon... Una, wala pang baha nung lumabas ako ng bahay kahit high tide naman. "Swerte" nasabi ko pa sa sarili ko. Pagkatapos nakalibre pa ako ng pamasahe sa tricycle. Pagsakay ko naman sa jeep, hindi na naman sinasadyang "student fare" ako. Masyado pang maaga noon, kaya nilakad ko na lang ang kahabaan ng Timog hanggang Tomas Morato. Tutal naman hindi pa ganon kainit at wala pang masyadong tao. Isa pa, exercise na din 'yon. Sa totoo lang ayos lang sa akin ang maglakad dahil mas nabibigyan ko ng pansin ang mga bagay bagay sa aking palagid. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ako ng mga ideya kung ano ang mga dapat kong isulat.

Saktong 7:30 palang nang makarating ako sa office. Maaga pa katulad ng dati. Inakala kong isang karaniwang araw lamang iyon,nagkamali ako. Hindi pala.

Araw ng sweldo. Sa wakas, nang inabot sa akin ang pay check ko, tinanong ako kung meron na daw akong natanggap sa sulat. Nagtaka ako, at sinabing "wala po". Buong araw kong iniisip kung anung sulat kaya yon at para saan. Sa totoo lang halos hindi ako nakapagtrabaho buong maghapon dahil don. Medyo kinabahan na rin ako at parang alam ko na. Pero binalewala ko yon. Ayoko nang mag isip ng negatibo. Nagbabagong buhay na ko.

Natapos ko na ang trabaho. Kelangan kong umuwi ng maaga dahil sa Laguna pa ako uuwi ngayon. Sinabihan akong dumaan sa kabilang opisina, may sasabihin siguro si Ma'am sa akin. Shit!!!! Baka may kinalaman din yun sa sulat na sinasabi sa akin kanina.

Pumasok ako sa kwarto ni Ma'am, malamig ang aircon, kinakabahan ako. Inaabot ang sulat.Shit! Tae! Sabi ko na nga ba. Nagpapaliwanag sya at sinasabi ang buongdetalye ngunit parang wala akong marinig. Iniisip kong panaginip at di ito totoo. Pero eto an nga. Gusto ko nang maglaho bigla sa kinauupuan ko nung mga oras na yon. Ni hindi ko magawang magsalita at magtanong. Alam kong konting minuto pa na ilalagi ko sa loob ng silid na 'yon ay babagsak na ang luha ko. Pucha ang sakit! Nadurog na naman ang pagkatao ko. Ang baba na nga ng tingin ko sa sarili ko, mas lalo pang hindi ko na ito mahukay pa sa pagkakabaon.




Lumabas ako ng silid na parang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kinuha ko lang ang gamit ko at hindi ko maayos ayos sa bag ko. Bwiset! Lumabas ako ng building. Tumawid sa kalsada. Parang gusto ko nang magpabangga sa jip. Pumapara ako ng masasakyan ng may mga luha sa mata. "wag kang tanga! umiiyak ka!" Bulong ko sa sarili. Halos pumapatak na ang luha ko sa loob ng jip. At nang bumaba naman ako para sumakay ng bus, para lang akong nakalutang sa ulap.



Umiyak lang ako sa bus. Pero pinipigil ko ang mga kaawa awa kong mga luha. Wala naman akong mapagsabihan ng problema ko sa mga oras na 'yon. Palagi naman akongnag iisa e. Hindi na ako nasanay...

Ano bang mangyayari sa buhay ko ngayon? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kung para saan ba talaga ako. Tang ina kasi! Bakit pa ako nabuhay? Wala naman akong silbi. Wala akong kwentang tao. Dapat sa akin mamatay. Mamatay...




23 August 2008

Pa-CHEESE burger ka naman!!!



Si lola noong panahon na sikat pa ang Escolta...


Sa linggo birthday ng lola ko. Kaya naman medyo busy kami ni mommy sa paghahanda. Kahit wala na sya, nakasanayan na rin naming maghanda kahit papaano. Ganun kasi nung nabubuhay pa sya, ginagawa talaga naming special ang araw na yon para sa kanya. Ito ang ikalawang taon na magcecelebrate kami ng birthday nya na wala sya. Malungkot, pero ok lng yon. Ganon talaga ang buhay, sabi nga, una una lang. Alam naman namin na masaya na sya kung saan man sya naroroon ngayon.


Isang simple "family affair" lang naman ang meron sa sunday. Sana makauwi ang mga pinsan ko na manggagaling sa Manila. Sayang nga e, kasi hindi makakapunta yung mga taga Pampanga. Marami din sa mga tito at tita ko ang nasa ibang bansa na, pati si ate. Kaya yon, konti lang siguro kami sa sunday.


Bumili na ako ng bulaklak para kay lola. Yon naman kasi ang gusto nya kahit nung buhay pa sya. Mas gusto nyang regalo ang mga bulaklak. Kahit nga sa panaginip ko e humingi pa sya ng bulaklak sa akin. Natawa talaga ako sa panaginip na 'yon. Ako pa naman ang taong napakabirang makaalala ng panaginip. Pero yung isang yon, tandang tanda ko lalo na nung sinabi nya ang mga katagang "flowers naman dyan". Hehehe... Ganon talaga si lola. Napaka cool. Sana inabutan nya nung may trabaho na kami ni ate, para mas nabibili namin ang mga gusto nya. Sayang...











Pero kahit wala na sya, may regalo pa rin ako kay lola, gumawa ako ng scrap book para sa kanya. Hindi ko pa nga natatapos pero, konti na lang yon. hehehe...Paglalamayan ko na mamaya para umabot.



Happy Birthday Granny... Pa-CHEESE burger ka naman!!!

27 July 2008

I'm Free

I found this poem at one of the customers at my uncle's printing shop in Recto. It caught my attention obviously because it deals with death ( in a nice way ). JUNE 19,2008...
Don't grieve for me, for now I'm free
I'm following the path God laid for me
I took His hand when I heard Him call
I turned my back and left it all
I could not stay another day
To laugh, to love, to work or to play,
Task left undone must stay that way,
I found that place at the close of the day
If my parting has left a void
Then fill it with remembered joy
A friendship shared,a laugh, a kiss
And yes, these things, I too will miss
Be not burdened with times of sorrow
I wish you the sunshine of tomorrow
My life's been full, I savored much,
Good friends, good times a love one's touch
Perhaps my time seemed all too brief
Don't lengthen it now with undue grief
Lift up your heart and share with me,
God wanted me now, He set me free.

19 July 2008

changes


I don't know what has gotten into me lately but it is quite strange.
How strange?
Well, I just can't explain it.
I just felt that there's something new in my system.
Apparently, these "changes" that I am into right now is quite ok.
I really felt so good this past few days.
Hmm, yeah, there are still things that need tobe compromise with.
But I think I can handle them now.
Things are a lot more better for me.
I already see the light.
I guess I am heading in the right direction so far.
But in case I am not...
Failures won't let me stop.






27 June 2008

sa di sinasadyang pagkakataon...

Isang araw, isang napakaordinaryong araw...
may nakilala akong isang estranghero
ordinaryo lang din sya...
pero habang tumatagal nalaman kong hindi pala
iba pala sya sa karamihan...
at meron syang katangian na tanging sa kanya lang,
ano yon?
ewan ko, hindi ko alam?
basta iba sya
para sa akin wala nang mas hihigit pa sa kanya
para bang nasa kanya na ang lahat ng gusto ko,
ang mga mata nya maraming sinasabi,
ang balat nya makinis pa sa akin
ang porma nya, astig!
ang mga ngiti nya, nakakaakit
ang labi nya, para bang palaging nanunukso
ang hawak nya, mainit
ang mga salita nya, nakakadurog ng puso
ang mga kanta nya, nakakapanlambot
gusto ko syang maging akin
tang ina!
sya na nga ang hinahanap ko!
at ang swerte ko naman dahil nakita ko sya
nararamdaman ko kung gaano ako kahalaga sa kanya
at masaya ako sa bawat oras na kasama ko sya
ito na yon!
ang pinakahihintay ko
ngunit
di pa pala pwede...
pareho man kami ng nararamdaman sa ngayon
hindi pwede...
sayang...
sayang ang gabing magkayakap kami
sayang ang pagmamahal namin sa isa't isa
sayang din ang mga pangako
masakit ito
sobra
ngunit talagang hindi kami ang para sa isa't isa
sa ngayon
sana na,
sa ngayon lang
dahil sya ang pangarap ko
pangarap din pala ng iba
hindi ko naman alam
na may nagmamahal din pala sa kanya
kaya ako ang lumayo...
dahil ako ang dumating sa buhay nya
sa di sinasadyang pagkakataon...



13 June 2008

Ang Scapular


Tanghaling tapat, matindi ang sikat ng araw. Mula sa Sucat, naisipan ko nang pumunta na rin noon sa may Tomas Morato. Baka kasi tamarin pa akong lumabas uli kung ipagpapabukas ko pa. Para isang lakad na rin lahat at isang pagod na. Shit! 12:00pm na pala, pero hindi ko na rin maramdaman ang gutom sa sobrang init. Isa pa, maraming bagay din ang naglalaro sa isip ko kaya hindi ko na naintindi pa na may sikmura pala akong dapat lamnan. Nakatayo ako sa may tapat ng simbahan ng Quiapo. Nag aabang ng jeep, bus, fx o kahit anung sasakyang may sign board na Fairview. Ewan ko ba kung may balat ako sa puwet dahil alin man sa tatlo e walang dumadaan. Anak nang!!! Pawisan na ako a? Iniisip kong di ako aabot ng 1pm sa pupuntahan ko. Badtrip! Asar!Hay!!! May nakasabay akong matandang lalakeng nag aabang din. Maraming dala si manong. At mukhang hirap ding mag abang ng sasakyan. Kaya chinika ko muna. Tinanong ko kung tama ba naman ang lugar na pinaghihintayan ko ng sasakyan. Dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag aabang ng sasakyan. At pakikipag chika kay manong. Hindi ko namamalayan ang mga tao sa aking kapaligiran.


Bigla na lang may lumapit sa akin. Ipinatong sa aking braso ang isang SCAPULAR. Lagot! Nayari na! Alam ko na ang mga modus operandi na ito. Bigla bigla na lang may magsasabit o may mag aabot sayo ng kung anung mga kwintas at mga larawan ng mga banal o medalyon. Pagkatapos ay pipilitin ka nilang bayaran yun sa murang halaga. Talagang mapapaMURA ka!!! Ang kaso nito,sakto na lang ang pera kong pamasahe. Aang alam ko wala na akong barya nun. May buo pa akong Ninoy na dapat sana e pang lunch ko. E kaso nga di naman ako naglunch. Shit! Makulet pa naman yung batang nagbigay sa akin ng scapular na 'to. Paano na yan?!?! Pilit kong binabalik dun sa bata yung scapular, pero syempre di na nya yun kukunin uli. Halos yakapin na nya ako para wag ko nang maibalik sa kanya yun. At lahat na ata nang pambobola ay sinabi nya para makabenta.


"Sige na po, 20 pesos lang po yan! Gagabayan po kayo nyan kung saan man kayo magpunta." Halos nagdaanan na ata ang lahat ng sasakyang may signboard na Fairview. At di naman ako makaalis dahil sa higpit ng hawak nung bata sa akin. Ok, para tapos na, inilabas ko na ang bente. Wag sanang may mahulog na kahit piso dahil yari ako. Hindi ko naman pwedeng ibayad ang 500 sa jeep dahil mamumura ako ng manong driver. Hay... Sa wakas e binitawan na din ako nung bata at saktong may dumaan namang FX.


Halos mag aalasais na ko nakauwi sa Caloocan non. Nakakapagod ang byahe. Mula Sucat tapos Quezon City. At tapos Caloocan naman. Mas nauuhaw ako kesa sa nagugutom. Kaya isang malamig na basong tubig kaagad ako pagkauwi. Solve na. Paalis noon ang tita ko kaya naiwan na naman ako sa bahay nila. Humilata muna ako sa sofa. Nuod ng T.V. Nakakaantok din. Naisipan ko nang magpalit ng damit na pambahay. Huhubarin ko na ang aking pantalong nadikitan pa pala ng chewing gum sa laylayan. Nang maalala ko ang mga laman ng aking bulsa. Sa kaliwa ang cellphone...sa kanan ang pera, mga coins,..teka meron pa pala sa kaliwa. Ah!!! Ang mahiwagang scapular nung bata. Tinago ko ang scapular sa bag kung saan naroon din ang aking rosary at iba pang mga kabanalbanalang gamit sa mga ritwal.


May ilang araw na rin ang nagdaan. At nasa akin pa rin ang scapular. Palagi ko na rin tuloy iyong dinadala sa tuwing aalis ako at may pupuntahang malayo. Ewan ko ba pero parang naging totoo ang sinabi nung bata na naging silbing gabay ko na nga ang mahiwagang scapular na yon.






06 June 2008

drama ko talaga!


Hindi ko na maalala kung ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko kung bakit ba ako nabuhay sa mundo. Ang totoo, pakiramdam ko, napakawala ko talagang kwentang tao. Hindi ko nga alam kung ano ang gusto ko at kung saan ako dapat pumunta. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang magpapasaya sa akin. Siguro kasi palagi akong malungkot kaya hindi ko na alam kung paano na nga ba ang maging masaya.

"mas madaling ngumiti kahit di ka masaya kaysa ipaliwanag kung bakit malungkot ka..."

Nagpapasalamat ako sa unang tao sa mundo na nakaalam ng pag ngiti. Malamang sa Diyos yun galing. Siguro kaya ginawa ang pag ngiti para maitago kahit man lang sandali kunyari masaya ka. Oo, kunyari lang. Kunyari masaya at ok lang ang lahat. Para lang wala nang masayadong tanong pa. Kahit papano naman nakakabawas din yun ng lungkot kahit pansamantala. Mahirap kasing maglabas ng sama ng loob sa ibang tao. Lalo na kung di ka rin naman nila maiintindihan.

"kapag may kaibigan kang naglabas sayo ng sama ng loob, huwag na huwag mong sasabihing alam mo ang nararamdaman nya, dahil ang totoo, hindi mo iyon alam.Dahil walang dalawang tao ang pareho ng nararamdaman kahit na pareho kayo ng sitwasyon."

Ito ang pinakamabigat sa lahat. Dahil sa panahon ngayon, walang nakakaunawa sa akin. Ewan ko ba kung bakit? Tagalog din naman ang salita ko pero para bang hirap na hirap silang unawin ang gusto kong manyari. Napapagkamalan tuloy akong ADIK. Mahirap ba talagang unawin ang mga sinasabi ko? Ganon na ba talaga ako ka-weirdo ngayong mga panahong ito? Para akong isang alien. Masakit ang sabihan ng mga ganito. Pag sinabi ko naman na ganon ang nararamdaman ko, sasabihin naman EMO ako. Tang inang buhay 'to! Wala nang lusutan. Palibhasa lahat ng tao, sila na ang magaling. Mga akala mo kung sino? Teka,.. mas may putik pa ang mga mukha nyo kesa sa akin. Aminado akong masama akong tao, hindi ko kahit minsan itinatago ang sungay at buntot ko. Masama ba ang magpakatotoo sa sarili mo. Mabuting tingnan nyo muna ang mga sarili nyo bago nyo ko husgahan. Baka may sungay ka rin, mas mahaba pa sa akin.

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-bahagi ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay."

Hindi ko maiwasang gumawa ng mga pagkakamali. Minsan, napapadalas na dahil na rin siguro padalos-dalos ako. Akala ko magiging maayos na rin muna ang lahat kahit papaano. Pero hindi pala. Isa sa mga dahilan kung bakit nabaon ako sa ugaling negatibo. Kasi naman ang hirap makabawi kapag na disappoint ka na. Ang masama pa nito, kapag maganda na ang mood ko sa isang bagay at naging positive ako don. Sigurado, palpak yun. Ang ending, duguan at luhaan ako. Nabalot na rin ang sarili ko sa apat na sulok ng kalungkutan. Bakit? Iisipin nyo, EMO na naman. Mali! Kasi sa tuwing may magandang mangyayari may kapalit din yung di maganda. Natatakot ako kapag nagiging masaya ako. Dahil alam ko sa loob ng 24 oras may resbak yun na sobrang tindi! Yari talaga! Katulad ngayon. Unti-unti na nga akong nabubuo at nabubuhayan pero ewan ko ba kung kakambal ko ba ang kahihiyan at kamalasan.

Nakakahiya talaga ang nagawa ko. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Life is what you make it"

Kasalanan ko. Alam ko. Kaya kailangan kong harapin ang kaparusahan. Ang lumayo. Pucha! Paglayo na naman. Bakit kasi ngayon pa nangyari 'to kung kailan ok na,..sana. Ang tanga ko kasi. Sabi na nga ba wala talaga akong kwentang tao. Bakit ba hindi mo ipasok sa mapurol mong utak na kahit kelan hindi ka pwedeng maging masaya. );

Ngayon kailangan ko nang dumistansya sa isang tao na nagpapasaya sa akin. Kasi, kung mananatili ako,may ibang malulungkot. Ayoko namang makasakit, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nun. Isa pa, ako ang dapat lumugar. Ngayon saan na ko pupunta? Hindi ko alam? Para akong palaboy,.. Nanlilimos ng awa, naghahanap ng atensyon, nanghihingi ng pang unawa, humihiling ng himala. Sayang naman, nakakapanghinayang din kasi dahil sa kanya kahit pano nakakita ako ng pag-asa. Pero ganon lang ata talaga. Isa lang syang estranghero na dumating sa buhay ko. Mas mabuti kong ganon na lang siguro ang iisipin ko. Lilipas din naman ang lahat. Nasaktan talaga ako dun ah? Ganon na pala sya kahalaga sa akin. Akala ko, wala lang. Kaya pala nung una palang kami nagkakilala ilang beses ko nang sinabi na "baka we're not meant".


"There will always be hope."

Hay! Hindi ko alam kung ano pang meron sa akin ngayon. Parang lahat unti-unti nang nawawala. Minsan tuloy naisip ko, naging pabaya ba ako? O masyado naman akong naging makasarili? Pakiramdam ko, nag-iisa na naman ako ngayon. Sino pa bang lalapitan ko? E sigurado namang sawa na sila sa mga sinasabi ko. Ayaw na nilang pakinggan ang mga problema ko. Ang pagkukwento ko tungkol sa kung gaano ako nalungkot at nasaktan. Noong bata pa ko, gustong magkameron ng robot na pedeng gawin ang lahat para sa akin. Pero ngayon, kung may pagkakataon, mas gugustuhin ko nang hilingin na maging robot ako. Para maging manhid na sa lahat ng bagay. Tama si Wizard of Oz, napakaswerte ni TINMAN dahil wala syang puso. At kahit kailan hindi nya mararamdaman kung paano ang masaktan. Sana ako rin, isang latang robot. Kahit tapak-tapakan at yupi-yupiin, walang pakiramdam. Pagod na po akong masaktan!!! Hanggang kelan po ba ito??? Hindi pa rin ba ako pwedeng maging masaya?