17 October 2007

kelan matatapos?

Naranasan mo na ba? Yung pakiramdam na,.. buhay ka nga pero para ka namang patay? Gumagalaw ka at humihinga, pero parang wala pa rin kwenta at parang wala ka pa ring silbi? Lumilipas sayo ang panahon,.tumatakbo ang oras,. pero ikaw hindi. Para bang nailibing ka na,. yun nga lang, naiwan yung katawan mo. Mahirap intindihin ang lahat ng mga sinasabi ko ngayon. Dahil hindi mo sasabing alam mo ang lahat hanggat hindi mo pa rin yun nararanasan sa sarili mo. Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang beses kong pinagdasal sa gabi bago ako matulog na sana hindi na ako magising kinabukasan. Kaya lang,. nagigising pa rin ako sa sikat ng araw sa umaga. Ano nga kaya ang kulang sa buhay ko na hindi ko pa rin makita hanggang ngayon dahil hindi ko naman alam talaga kung ano yun?

tayo nang mag-cramming!!!!!!!

Hay!!!!!!!!! pagod na ko. At di na rin gumagana pa ang isip ko. Pano na 'yan? Kailangan ko ng gumawa ng article? Pero, wala na akong maisip. Eto ang mahirap minsan sa pagsusulat, kung kelan kailangan saka ka nawawalan ng idea. Minsan sobrang daming naglalaro sa isip mo at hindi mo naman alam ang uunahin mo. Grabe! Isip, isip, isip, isip, isip!!!!!!!!

12 October 2007

walang iwanan

Bakit sa tuwing iiwan mo ang isang tao, napakasakit nito? Kahit pa alam mong ito ang makakabuti para sa inyong dalawa. Para bang hindi mo na alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay mo bukas, sa isang araw, sa isang linggo at sa mga susunod pa kung wala sya. Ang totoo nyan hindi ko na nga mabilang kung ilang eksena na rin nang pagpapaalam ang na nakita ko at nagawa. Sa ibang bansa nagtratrabaho ang nanay ko, kaya mahirap yung palagi mo syang nakikitang umaalis na minsan hindi mo alam kung kelan kayo magkikita uli o magkikita pa ba kayo. Ang hirap nun kung kelan sanay kana na andyan sya at napalapit na ang loob mo. Isang araw, aalis na pala sya. Ulit, kailangan mong masanay sa sitwasyon.Pagbalik nya iba na uli ang takbo ng buhay mo kasi nasanay ka na din ng wala sya. Sa pagbabalik nya, mangangapa ka na naman uli. Kahit pa ba nanay ko yun, syempre marami na ding nagbago.Lalo pa kung ilang taon din syang nawala.

Minsan nga dumating ang oras na para bang lahat na lang ng tao sa paligid ko ay umaalis. At ako, naiiwang mag isa. May mga kanya kanya na ring buhay silang dapat puntahan. Hindi ko naman sila maaring pigilan dahil isa yon sa mga desisyon nila. Katulad na lang nung umalis ang kapatid ko. Hindi naman kami malambing sa isat isa pero kahit papaano nakakalungkot din ang wala sya dito. Halos 2 taon na ring syang wala sa Pilipinas.

Ilang mga kaibigan ko na rin ang umalis ng bansa. At nakakamiss pala. Totoong kapag wala na nga ang isang tao o bagay ay saka mo malalaman ang halaga ng mga ito.

Pero paano na lang kung yung umalis ay hindi na talaga babalik pa kahit kelan??? Katulad na lang ng tatay at lola ko nung namatay na sila. 7 taon nang patay ang tatay ko. Ang masakit nun ay wala ako nung namatay sya. Hindi ko man lang sya nakausap. Sa kaso naman ng lola ko, hindi pa kami nakakapagbabang luksa. Medyo sariwa pa. Pero ganito ang buhay sa ibabaw ng lupa. Makikita mong unti unting nawawala ang mga mahal mo. Lumilisan sila. At wala nang balikan pa.
Bahagi lamang ng buhay ng tao ang maiwanan. Ang masakit nga lang kung ang paglisan ay panghabang buhay na. Sa ganitong pagkakataon masusubok talaga ang tibay ng iyong loob. Masakit ang maiwan. Hindi iyon kailanman maganda sa pakiramdam. Pero ito ang realidad ng buhay. Araw araw, marami kang makikilang tao. Maaari silang mapalapit sa loob mo. Ngunit darating din ang araw na magkakahiwalay kayo sa ayaw at sa gusto mo. Ngunit hindi dapat tayo matakot kung sakali mang dumating ang araw na iyon. Dahil sa bawat araw at oras na kasama natin sila ay nasa atin ang lahat ng pagkakataong ipakita sa kanila kung gaano sila kahalaga.

05 October 2007

siguro nga tapos na

>isinulat ko ito kasabay ng unang ulan ng Mayo, at ayon sa mga matatanda, gamot daw ang tubig dito. hmmm. , ewan ko lang din pero isa rin yung pamahiin.<



Siguro nga tapos na…

Noong isang linggo ko pa napansin, malimit ng umuulan. Kung sa bagay, medyo hindi na rin naman maganda ang idinudulot ng sobrang init lalo na sa akin.

Siguro nga tapos na…

Siguro nga tapos na ang tag-init. Ngunit para sa akin, maraming bagay ang natapos kasabay nito. Maraming bagay ang naglaho hindi lamang ang matinding init ng araw. Hay… Eto na ang ulan. Bata pa lang ako mas gusto ko ang tag-ulan. Bakit??? Ewan ko, basta gusto ko lang. Malamig, masarap kumain,masarap matulog, masarap tumambay sa bahay, manuod ng t.v. , mag-relax, magbasa, magsulat… katulad ngayon. At syempre pa kahit gawin ko ang mga bagay na ito, hindi sasakit ang ulo ko.

Pinagmamasdan ko ang bawat pagpatak ng ulan.Naalala ko ang madalas kung kantahin nung bata pa ako kapag naulan.

“Kung ang ulan ay parang tsokolate,
o anung sarap ng ulan…
Ako’y lalabas at ako’y sisigaw…
ahhhhhhhhhhhhhhhhhh…”

Pero, maalat ang ulan… hindi ito kasing sarap ng tsokolate.Minsan nga mapait pa ito. Dahil ang ulan palang ‘yon ang ay mga luha. Bakit??? Wala naman, masarap ding magsenti kapag naulan.

Siguro nga tapos na… Malaya na ako. Pero masaya ba ako? Masaya naman… inihanda ko na ang sarili ko dito. Alam ko naming mangyayari din ito. Ang totoo nga nyan, ilang ulit na itong nangyari. At sa pagkakataong ito, siguro nga tapos na. Wala na akong dapat pang ikabahala. Dapat kong harapin kung anuman ang darating… nang wala sya.

Siguro nga tapos na… Wala na rin akong paliwanag na dapat pang hingiin sa kanya. Hindi ko na kailangan ang mga dahilan. Dahil wala naman akong karapatan.

Siguro nga tapos na… Hindi na rin ako nakapagpaalam pa. Ang maliwanag na kalangitan ay bigla na lang nabalot ng dilim, tapos umulan, kumulog, kumidlat… Hindi ko na nagawang magsalita at magtanong. Hindi man lang ako nakaimik at kumibo. Hinayaan kong matangay ako ng malakas na agos…

Siguro nga tapos na… Wala na akong magagawa pa. Hindi ko na maibabalik ang bawat pagkakataong sinayang ko. Ilang buwan ding magtatagal ang tag-ulan. Wala man lang akong payong na masusukuban. Pero hayaan na kahit mabasa ako, ayos lang. Darating din naman uli ang tag-init. Sisikat din naman uli ang araw. Sa ngayon, tititigan ko muna ang madilim na kalangitan. Sisikaping hanapin ang liwanag ng mag-isa.

Siguro nga tapos na…