08 November 2008

Semi Sumpong

Medyo sinumpong na naman ako ng katopakan ngayong gabi. hehehe...Wala na naman sa katinuan. Mahirap talaga kapag nababasa ng ulan e. Sa totoo lang marami pa akong gagawin na trabaho ngayon kaya lang medyo nasusuka na ako sa mga as built plans namin sa office. Plano ko sanang magsoundtrip muna ngayong gabi at matulog agad para relax,mag gain ng energy dahil halos LINGGO LANG ANG PAHINGA. E ang kaso, may sumpong ako ngayon kaya eto. Blog blog muna...




Nag-cancel na ako ng account sa TAGGED. Matagal ko na talagang gustong i-cancel ang account ko don kaya lang medyo nanghihinayang lang ako sa layout ko. Hehehe. Pero ngayon na-cancel ko na ng tuluyan. Naisip ko kasing napaka NONSENSE na nang account na yon. Isa pa, napaka NONSENSE din ng mga tao don. Wala na rin akong masyadong panahon sa mga ganung bagay.




Hay... Ano kaya gagawin ko? Matutulog na o mag dedesign pa? Kaya lang bukas sunday na, dapat may matapos man lang ako. SHIT! PAKING SHET!!! Hirap a? Naninibago ata ako a pagbabanat ng buto ngayon. Talagang seryoso 'tong napasok ko this time. Pero no choice, darating at darating na kailangan ko talagang ma-experience ang ganitong bagay dahil ito ang REALITY ng buhay ko.

Hay... Sana mapanuod ko ang twilight. Pero sino naman ang kasama ko? Imposible na si Pako dahil drawing yun at pa yun sa pang chichix nya ngayon. Si Empot, mas lalong imposible dahil mahirap pa yun sa daga. Napakamalas ko naman pag dating sa ganitong pagkakataon.


05 November 2008

gradual

I’ve been facing a lot of changes in my life right now. And because of that, I’m still at the period wherein I need to do a lot of adjustments. Everything seems to turn out right. I guess… I hope… In the past few days, I suddenly felt like giving up (again) * LOSER/EMO MODE… But then I finally regain my hope back in my shoe again and decided to take another step forward. Well, this is the life that I chose. I have to deal with it and I have to PROVE something. My current job really making me exhausted but I’m kinda starting to appreciate every part of it. I’m learning a lot of things on the people I’ve meet every day and even on the task that is being assigned on me. I hope to finish those just in time. Anyway the only thing that bothers me now is my health. I can sense that it would be the only thing that will HINDER me to do things.

04 November 2008

Kapag Ako'y Tinopak

Ang isip ko ngayon ay kasing gulo ng gamit sa mesa ko. Dahil dito, umabsent muna ako sa trabaho. Syempre naka plano na ang lahat, bago pa lang ako umuwi mula sa office kagabi. Ang dami kong gagawin na mga plano sa totoo lang. Deadline ko bukas kaya mas pinili kong paglamayan ito kagabi at buong maghapon ngayon. E bakit ba hindi ko pa sa office tinatapos ang trabaho ko? Hay... ewan... Minsan kasi kailangan ko rin ng ibang surroundings. Hindi pa rin nawawala ang ugali ko na masyadong mainipin sa trabaho. Gusto ko palaging may ibang ginagawa, may ibang nakikita, may bago sa paningin. Kapag natutunan ko na ang logic ng mga bagay, nagsasawa na ako. Lalo na kung nagiging routine na ang lahat. Yari ka! Inshort, sumpong na naman ang katopakan ko sa buhay. Isang bahagi na naman ng pagkatao ko ang naiinip at naghahanap ng ibang timpla ng buhay. Shit! Wag sanang lumala ang topak ko. Hay!

01 November 2008

Hindi ako, at hindi sya...


Anung meron at bakit bigla na lang nagbago ang lahat? Hindi ko rin talaga alam kung ano ang nangyari e. Basta, nangyari na lang. Para bang bigla na lang akong nawalan ng gana sa taong yon. Although, pinipilit ko pa ring magpakita ng concern sa kanya kahit paano. Alam ko kasing kailangan nya yon. Kailangang nyang malaman na mahalaga sya at importante sya lalo na sa akin. Kaya lang, sa di ko maipaliwanag na pangyayari, nakaramdam ako ng pagkapagod sa ginagawa ko. Para kasi akong nakikipag usap sa hangin. Nakikipaghabulan sa kidlat. At nagmamahal ng isang bato.
Gustong gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano sya ka-special sa buhay ko kahit walang kapalit. Kaya lang, namamanhid na rin ata ako. Totoo palang nagbabago rin ang lahat. Katulad nga ng nasabi ko, hindi ko kailangan ng kapalit. Sana man lang kahit konting appreciation. Alam kong mahirap syang intindihin. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para maintindihan sya. Pero hindi ko pala kaya. Sumusuko na ako kasi talagang pagod na ako. Sa isang iglap lang nawala ang lahat. Ganon lang kabilis. Ganon lang pala. Ni hindi ko man lang nalaman kung ano ako sa buhay nya. Gusto kong tulungan ang special monster ko, kaya lang mukhang hindi ako ang kailangan nya, at mukhang hindi ako makakatulong sa kanya.
Mukhang yun na lang yun...Kasing lamig na ng simoy ng hangin ang pakikitungo namin ngayon sa isa't isa.