This week is a BLAST!!! Urgh!!! There's so many things that happened... Grabe... I can't imagine that in just a week, my life would probably change. Ganito kasi yon e... Simulan natin sa simula...
- MONDAY - I went to Makati. I have an interview with ADCO Blue. Good thing 1:30 PM yung appointment ko dun kasi kung hindi siguradong ligwak. Monday kasi mahirap lumuwas. Along Chino Roces lang naman sila. Madaling hanapin. I was 30 minutes early kaya tambay muna ako sa South Gate nang biglang umulan ng bonggang bongga! Patay! The HELL!!! I was wearing heels pa naman tapos ganon!?!? Anyway... dahil maaga pa naman, nagpatila muna ako saka ako rumampa. I guess, 10 minutes earlier ako, tapos mamaya may dumating na din na ibang applicant. Walang exam, actually personality test lang sya lahat then interview with the HR. Wala lang,. relax lang,. di ko alam kung ano out come,. Sabi lang naman tatawag sila after maforward yun sa boss nila. Since December, pang tatlo ko na ata yung company nila. Lahat puro sa Makati. Una ung PJ Lhuillier, second yung ScotPH. Pero decided na talaga ako this time na I have to go... go out of my comfort zone. After nun nagpunta pa ako sa Pasig, yung electrician kasi namin may back job pa ulet. Hay nako! Pasaway...
- TUESDAY - Time to chillax! At sa wakas ng panahon natuloy din. Nagkita kami ni Pare after a year... a year and 7 months ata. Ganon ka grabe! hahaha... As usual, the agenda, movie. Nuod ng Green Hornet base sa napagkasunduan at napag debatehan namin. Ok naman yung movie... ok din naman yung pagkikita namin. Pero medyo nangangapa pa rin ako kapag kasama ko sya. Siguro nga kasi di ko naman sya palagi nakakasama. Kahit ba nakakachat ko sya at nakakatext e. Iba kapag kaharap mo na. Yun yun e! hehehe..... Di lang ok yung food,. hahaha,.ewan ko ba di masarap spag sa Shakey's that day. Kaya nilunog ko na lang ang sarili ko sa Ice Tea. Grabe,. feeling ko nasa leeg ko pa lahat nung nanunuod kami. Ako ata nakaubos nung isang pitcher.Tapos yun,. after kain and after movie, ikot ikot lang sa mall. Ganun lang kasimple. Pare is one of the nicest guy I've ever met... in person ha,. pero sa text nako! palagi akong asar don! hahaha... Unforgettable day 'to isa sa pinaka unforgettable e yung pag pasok ko sa CR ng lalake. HAHAHA! Stupid! Pero eto ang paliwanag don, may katext kasi ako regarding sa Meralco application kaya nakatungo ako tapos nung pagtingin ko naman sa sign ng men o women e mukhang men yung unang room kaya nilampasan ko. Hindi ko naman talaga sinasadya, engot din naman yung janitor kasi hinayaan nya kong pumasok e andun lang naman sya sa may pinto. Kainis!
- WEDNESDAY - Birthday ni mommy. At nablog ko na yung kwento. Additional na lang ..... Nagtext ule yung ADCO sa akin, for final interview na daw tomorrow 9:30 AM. Shit!!! AM na! Kaya yun, nagdecide na akong di umuwi kasi sayang pamasahe,. tapos maaga yung appointment baka matraffic lang ako at malate pa. Ang problema.. sapatos,. wala akong pang pormal. Kaya kahit wala sa budget, ayun! nakabili ng di oras. Anyway kelangan ko na rin naman talaga ng isang pormal dahil na nasira na yung dati ko.
- THURSDAY -From Riverside, hindi ko masyado karkulado ang traffic kung papunta akong Magallanes. Umalis na lang ako ng maaga. Mahirap ng malate. Final interview yun. Siguradong boss na ang makakaharap ko. Kaso, sinubukan ata ni Bathala ang pasensya ko sa bago kong sapatos kaya napasubo ako sa isang mahabang lakaran. Pagdating ko dun sa office, saktong sakto lang at hingal na hingal ako. Pakiramdam ko pa e dugo na ang mga paa ko. Pakshet! Buti na lang mga around 10AM na nagsimulang magtawag sa interview. Bale, 4 kami. Yung isa don, nakasabay ko na nung lunes. Yung 2 bago sa paningin. Pangtatlo ako sa tinawag. Ok naman yung interview. Mabait naman yung boss nila. Mestiso yung mama. Kaya nosebleed ako araw araw kung sya na nga ang magiging boss ko. Anyway, magaan naman ung dating sa akin ng interview, parang nagkukwento lang. Sabi ule, tatawagan na lang daw hangga't matapos nya lahat ng applicants na mainterview. Pero di ko makakalimutan yung sinabi nya na "so far your the best that qualify in this position". Naks! watta compliment ! Dahil doon medyo nabuhayan ako ng dugo. May pag asa pa. hehehe... Pagkatapos nun balik sa Pasig ule, kumain tas uwi na ko San Pablo. Sa bus palang tinawagan na ako na ako daw ang napili. Shet! hours palang ang nakakalipas ok na agad. Sinabi na sa akin ang mga requirements na dapat isubmit at sinabi din na magreport na sa Monday para sa contract signing. WOW! OK! AYOS!
- FRIDAY - Inaayos ko na mga papeles na dapat ayusin. Pati na rin yung mga kelangan kong i-submit. Nagpunta ako FPIP. Kelangan kong kausapin sina Sir para mag paalam at para ipaalam mga gagawin nila kapag wala na ako. Actually dami pang pending kaso, eto na e. Naging maayos naman ang lahat. Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan e. Pagkatapos ko sa FPIP, balik ako ng Pasig. Punta ako City Hall para sa iba pa ring dokumento. Sa Pasig ko na rin piniling matulog kasi bukas pupunta pa ko LP e gabi na rin traffic na. Sayang din pamasahe kung pabalik balik.
- SATURDAY - At eto na nga, sabado na. Punta ako LP. Hay... mga papeles pa din. Pagkatapos ng konting kwentuhan sa bahay nina sir, derecho pa ko Sta. Rosa. Last route ko na for today. Pagod na ko. Dami ko pa gagawin. Daming dapat ayusin. Magsisimula ako ule sa simula. Hay... Antok na ko,. Shet! Matapos ko sana mga ginagawa ko. Bukas ng umaga, sisimba pa kami. Kain sa labas para sa Post BDAY celeb ni mommy tapos luwas na ule, pero this time sa Makati na...