Kagabi, habang ako'y inip na inip dahil sa haba ng gabi. Nagawa kong naitext ang isang kaibigan. Sa totoo lang, hindi ko naman sya talaga gusto katext kaya lang e,...talagang dumarating ang pagkakataong "no choice" ka at para lang lumipas ang oras ay kailangan mong makipagbolahan, plastikan o kung ano pa man sa isang tao. Ok,... masama na ko! Isa na akong dakilang manggagamit.
Habang katext ko sya, napunta ang usapan sa pakikipagrelasyon ng hindi sinasadya. Sa dami ba naman ng taong mapapagsabihan ko ng sitwasyon ko e sa kanya pa. Pakiramdam ko tuloy e desperada na akong may mahingian ng opinyon. Hindi ko naman nagawang ikwento sa kanya ang lahat, medyo nagbigay lang ako ng clue. hehehe, Salbahe talaga e!
Pero natuwa naman ako sa opinyon nya. Eto ang sinabi nya...
"Nasasaad sa bibliya na tungkulin ng mga babae na gumawa ng unang hakbang. Bahagi ng kanyang tungkulin ang hanapin ang nagmamay ari ng tadyang kung saan siya nagmula. Kaya ang masasabi ko lang, dapat gumawa ka rin ng paraan."
Napaisip ako, at nasabi ko sa sarili ko na may opinyon rin pala ang mokong na 'yon. Pero, bakit ko naman hahanapin ang tadyang kung saan ako nagmula? E bakit hindi yung may may ari ng tadyang ang maghanap sa tadyang nya? Sa madaling salita, hindi ako ang unang gagawa o kikilos para sa sitwasyon na 'to. Aba! malay ko kung kaya pala ako inalis sa katawan na yon dahil ibang tadyang ang mas aangkop?
Lecheng tadyang! Bakit naman kasi dito pa ko ikinumpara ng engot na yun! Hay... Matapos ng matagal kung pag mumuni muni. Mas minabuting kong I-ENJOY na lamang ang sitwasyong kinalalagyan ko sa ngayon. At bakit ba ako kelangang mag alala? Bakit ko ba kelangang isipin yon? Kung wala e di wala! Wala e. Isa sa mga bagay na natutunan ko e ang huwag nang ipagpilitan ang mga bagay bagay na hindi talaga nararapat. Kaya nga may kasabihan, kung hindi uukol, hindi bubukol. Minsan kahit wala ka pang ginagawa, kapag sayo talaga, sayo talaga.
Hindi ko kelangang mabahala.
Pinilit ko na rin matulog noon dahil malalim na ang gabi. Ang totoo, umaga na. Hay! Umaga na naman, sisikat na naman ang araw. Shit!

No comments:
Post a Comment