12 September 2008

Ang Huling Halakhak, Ako ang Nagwagi...


2 days na akong narito sa bahay namin sa Laguna. Medyo nagrerelax, nagpapalamig, nagmumuni-muni at nag-iipon uli ng lakas ng loob. Dahil na rin sa mga hindi masyadong magandang pangyayari noong nasa Manila ako, madalas akong tahimik at nagmumukmok. Natural lang yon, feeling talunan actually. Pero kahapon, nakakita ako ng konting liwanag sa kabila ng kadiliman dahil sa sama ng panahon.



Ewan ko ba? Ang weird lang, pero kahit papaano e medyo nabuhayan ako ng konti. Tungkol ba saan ang pinagsasasabi ko ngayon? Hmm, ganito yon, sabihin na lang natin na sa mga pagkaktaong nalulungkot tayo at para tayong binagsakan ng langit at lupa, hindi dapat tayo magpalunod sa problema at mawalan ng pag asa.



Kahapon kasi ng umaga, meron akong natanggap na balita. At pakiramdam ko nung mga oras na yon ay pwede ko nang sabihin sa lahat na AKIN ANG HULING HALAKHAK!!! ( sabay tawa nang isang demonyo...) BWAHAHAHAHA!!!






Nakahinga ako ng maluwag at bahagyang nagbalik muli ang mga ngiti sa aking mga labi. Naisip ko na kahit may nawala sa akin at naging masakit ito, meron naman palang magandang kapalit. Shit! Kung talagang 'yon ang kapalit, aba! e ok na ok. As in OK sa ALRIGHT.



Matapos ng aking isang minutong kabaliwan at pag diriwang. Kinalma ko ng bahagya ang aking sarili at pinag aralan ang sitwasyon. Hmm, marahil hindi pa ito ang panahon para sa aking huling halakhak. Masyado pang maaga upang magdiwang. Pero kahit papaano, basta...


No comments: