Showing posts with label bob ong. Show all posts
Showing posts with label bob ong. Show all posts

12 December 2010

Pagkatapos ng Ika-Walo

Byernes ng gabi nang pilitin kong tapusin ang bagong libro ni Bob Ong. Kahit na marami akong trabaho kinabukasan e hindi ko na pedeng pigilan pa ang sarili ko sa pagbabasa noon. Nauna pa nga ang kapatid ko na matapos ang libro kesa sa akin. Pano ba naman dinala nya sa trabhao nya yun. Pampalipas oras daw. Tinanong ko kung maganda ba. Sabi nya,. wala daw kwenta. Hmp... e malay naman noon sa mga gawa ni Bob Ong?!?! E kung tutuusin ngayon na lang naman sya nahilig sa pagbabasa ng mga libro.





Panggabi ang kapatid ko sa trabaho kaya ako lang mag isa sa boarding house namin. Naghapunan na talaga ako ng maaga para dire derecho na ang pagbabasa ko. At yun... noong medyo nasa climax na e medyo umi epekto na ata sa akin ang mga kapangyarihan ng isang manunulat na makuha ang atensyon at kalooban ng kanyang mangbabasa. Aminado ako na natakot din ako. ( hehehe ) Tapos naalala ko na nag iisa pa ako... gabi pa... Nyay! Asar talaga...





Medyo hindi nga ako nakatulog nung gabing yun. Marami din kasi akong naiisip. Hindi naman lahat e dahil sa natatakot pa rin ako. ( pero isang factor na din yun ) Naalala ko ang lola ko pagkatapos kong basahin ang libro. Naalala ko rin ang tatay ko. Siguro kasi may ilang parte nang kwento na tungkol sa pamilya. At naisip ko, paano kung maging katulad ako ng bida sa libro na si Galo? Pano kung maging mag isa lang ako sa buhay. Paano kaya? Napakahirap nung wala kang pupuntahan. Na para bang wala kang lulugaran na kahit saan.




Isa pa sa mga bagay na naiisip ko pagkatapos kung basahin ang libro ay ang tungkol naman sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. May kanya kanya naman tayong pinaniniwalaan at desisyon. Minsan na sa atin na lang talaga kung paano natin patatakbuhin ang buhay natin. Di ko alam kung masyado lang akong nagpapaapekto kay Bob Ong dahil sa binasa ko ang libro nya. Pero, napag isip isip ko na hanggang ngayon e hindi pa rin talaga ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Masyado paring malabo sa akin kung anung daan ang pupuntahan ko,. kaso andito na ko at andito ang mga opurtunidad. Iniisip ko, kung kelan ko kung katulad ni Galo na kelangan ba nyang bumalik sa Maynila para mag aral o manatili sa Tarmanes at mamuhay ng simple at naayon sa kapaligiran. Tapos naisip ko pa paano kung mawala ang nanay ko ( at wag naman sana ) Paano na kaming magkakapatid. Hindi ko maisip kung paano mawalan ng pamilya. Napakahirap talaga.





Ngayon tuloy... nilalatag ko ng maayos ang mga plano ko sa isang taon. Gusto kong maisaayos ang lahat e. Marami akong naging realizations after mabasa ang libro. Ang galing no? Nakuha ng manunulat ang loob ko. Well,.. isa sa mga plano o e makabalik sa pag susulat. At sana mas madalas ule ang pagsusulat ko next year. Sa totoo lang kasi yung trabaho ko ngayon parang nakukuha lahat ng oras ko. At wala ako magawang iba. Hmm...






08 December 2010

Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan





Ang tagal ko syang hinintay... August pa ata nung pumutok ang balita tungkol sa bagong libro ni Bob Ong para sa taong ito. Ayon sa mga sabi - sabi ilalabas na nga daw sa August pero wala naman. Nag leak na rin ang balita na kulay violet nga raw ang cover ng libro at ang title ay "Ika-walo". Pero natapos ang buong buwan ng August, wala naman naging launch ng nsabing libro.



Kapag pumupunta ako sa bookstore chini-check ko na rin kung out na nga. Hanggang sa isang araw nung nagpasama ang kapatid ko na bumili ng oil pastel e biglang JACKPOT ! Meron na nga! Ang nakakatawa pa nun palabas na kami ng bookstore nung nakita namin. Kasi hanap kami ng hanap sa mga shelves wala naman. E yun naman pala nakadisplay sa hiwalay na table. Bobits talaga! Pero anyway, syempre di na namin pinalampas pa yun. Binili ko na kaagad. Nagulat lang kami dahil iba yung title.




Sa wakas kumpleto ko na ang Bob Ong Collection ko! ( clap! clap! clap! ) Ganyan lang naman kababaw ang kaligayahan ko sa buhay hehehehe. Kaso, may problema... hanggang ngayon kasi e hindi ko pa rin nababasa ang libro. Hay ! Nako! Nakakainis.... Dami pa kasi trabaho na dapat tapusin. Gusto ko kasi kapag binasa ko yun tuloy tuloy at walang istorbo. So, sana sa bakasyon mabasa ko na sya. Nauna pa matapos ni ate basahin samantalang hindi naman sya talaga ang tagahanga ni Bob Ong. hay nako life...

10 August 2009

Libro-Aklat-Pahina


Habang nag iikot ikot sa bookstore, naaliw lang ako dito. hehe... hindi ko naman planong bilhin ang librong 'to pero nakuha nya attention ko, kaya yun,. Binili ko naman at binasa ko rin agad kahit na busy ako. Buti na lang e sobrang nipis lang nito. Sa panahon ngayon kasi pahirapan talagang magkaroon ako ng oras para mag basa ng libro. Kahit nga yung Kapitan Sino ni Bob Ong hanggang ngayon hindi ko pa nabubuksan. Gusto ko kasi isang upuan lang, hindi yung paputol putol. Anyway, Back to the book, ayun... ok naman sya. Sobrang aliw dahil naalala ko uli yung highschool life ko. Shit! Hahaha. One of the happiest part of my life ang highschool kasi nung mga time na yun e hindi ko pa alam ang salitang "problema" . It's a feel good book... matutuwa ka rin sa mga characters na para bang nakikita mo ang sarili mo. Ganyan ang gusto ko sa mga librong binabasa ko. Admitted akong tamad talaga akong mag basa kahit na mahilig ako sa libro. ( ang labo no?!?!) Pero yun, ganun talaga... Kaya lang kapag nakita ko na ang sarili ko sa isang character, yun... wala nang tayuan yun. hehehe... feeling ko kasi kapag ganun, ako mismo yung nasa istorya. Praning no? hehehe...

Plano kong kumpletuhin ang mga libro ni Haruki Murakami at Paulo Coelho. Ah! Pati na pala si Mitch Albom. Tapos yung kay Eros Atalia. Medyo nahihirapan akong hanapin yung mga una nyang libro. Kumpleto ko na si Bob Ong... haist...Actuallt, mas gusto kong mag focus sa mga local writers. Sa dami ba naman ng magagandang libro, hindi mo alam kung ano uunahin mo. Kaya yun, plan ko lang naman yun. hehehe...Yung unang libro ni Ricky Lee, nakakaloka! hahaha...Maraming magagaling na writers dito sa atin, medyo kulang lang kasi ng suporta. Sa aking pag bobook hunting marami akong nakitang maganda. Next time, bibilhin ko na yun, at next time din sana magkameron ako ng time para basahin sila lahat.

14 July 2009

Busy July

Finally, I think I'm close to the finish line. Just need to consult my boss for further improvements and some necessary changes regarding the project. Whoa! Kinda exhausted with this one. But again, there's no need to quit this time... Just like they say, be thankful if you get tired, it means you are capable of doing something and just be blessed that you have a job. Well... July has been a very busy month for me... It's good though...



Since I was busy... I haven't read the book yet though I got it since a couple of months ago and to tell you the truth I haven't seen those great movies lined up this month. Sigh... So, now you can imagine how tough this month is. Wish to read Kapitan Sino this weekend.




Another thing... birthdays keep on coming... WHoA!!! Last 11th is my cousin, today is my eccentric friend ( hehe ),. I guess on the 16th is my highschool friend Rona. On the 20th is my dad and my sister, next on the 21th is my gay cousin and lastly on the 29th is my kid cousin Ai Chan, the japanese doll in the family.




Pardon my entry, it just sounds so numb. Maybe I am just not into writing rightnow, just wanna share the things that I've been into this pass few days of July. And just wanna say "hello" to my account. (=

28 February 2009

27 November 2007

Malubhang Karamdaman

Kanina pag-gising ko, may bagong pasa (bruise) na naman ako sa braso. Sa totoo lang hindi na yun bago sa akin. Karaniwan lang na makikita kong may mga pasa ako sa braso, binti at hita ko. Hindi ko alam kung san ko sila nakukuha. Wala naman akong nararamdamang masakit. Basta makikita ko meron na. At tulad nga ng nasabi ko, hindi na ako nag-aalala pa dito. Yun na nga lang, pinoproblema ko na lang e kung paano ko ito itatago sa nanay ko. Lalo na kapag sa braso, asar pa don... medyo malalaki rin ang nagiging pasa ko.

Natural lang sa nanay ang mag-alala. Natatakot sya baka daw anong meron sa akin. May sakit nga ba ako? Hmmm, masamang damo, matagal mamatay. hehehe... Wala lang naman 'to.Panic lang palagi yang si mommy. Ang alam ko anemic ako. At talagang bata pa lang ako hindi na ko HEALTHY. Isa akong LAMPAYATOT. Hmm, napapaisip tuloy ako bigla ngayon? Naka-tatlong pasa na pala agad ako? Sa loob ng isang linggo may average na 4 na pasa ang nakukuha ko. Ayos ah?

Kung sa bagay, may ilang araw na rin akong walang energy. Nanghihina talaga ako at palaging walang ganang kumain. Hala!!! may sakit ako?!!?! hehehe,. Sa tingin ko, SOBRANG STRESS lang talaga ako ngayon! DAMN IT! Sino bang hindi ma-stress sa buhay na 'to! Sabi nga ni Ulang sa kwento ni Bob Ong, .. "ang hirap gumawa ng wala". Tama naman e, ni hindi mo nga malaman kung kelan matatapos. Ang hirap mag-isip ng wala kang iisipin. Ang hirap mag-plano ng hindi mo alam kung ano ang dapat mong simulan. Grrrrrrrrrrrrrrrr! Nakakainis di ba?

Sabi ng nanay ko, magpacheck-up daw ako. E, ayoko nga! Ayokong marinig ang sasabihin ng doktor e. Isa pa, wala naman talaga akong nararamdaman. Yung sumpong ng tyan ko, alam ko na yon. May gamot na ko para don. Etong mga pasa,.. nawawala rin naman ng kusa yang mga yan. Nothing to worry. hehehehe...

Sa isang araw... mababatukan na ko ng nanay ko! hehe. Ang tigas daw kasi ng ulo ko.