25 August 2009

Bangungot

Kagabi akala ko mamamatay na ko. Sobra! As in sobra talaga yung experience na yun. Life and death situation para sa akin. Sabi ng nanay ko, bangungot daw ang tawag dun. Kaya naman ngayon ni-research ko pa kung ano ba talaga ang causes at effects ng bangungot. Anak ng tokwa! Napakaweird ng feeling nun.
Mga past 12 na nang madaling araw yun. Sobran antok na talaga ako kaya hindi ko na rin nagawang tapusin pa yung drawing ko. Nahihilo na ko sa antok. Kahit pilitin ko, parang may hangin na ang ulo ko at hindi ko na rin maintindihan ang mga pinaggagagawa ko. Nagdecide na lang ako na matulog dahil feeling ko naman e hindi na rin ako productive at that time.
Paghiga ko sa kama, siguro mga ilang minutes lang tulog na agad. Bagsak na talaga ako. Wala na kong energy since may 1 week na ata akong nagpupuyat para sa project na 'to. Ang alam ko, tulog na ko. Pero gumagana pa rin ang isip ko. Hanggang sa naramdaman kong parang may mabigat sa katawan ko at hindi ako makagalaw. Nakamulat ako, pero kahit anung pilit kong gawin na igalaw ang katawan ko e hindi ko magawa. Pilit sinasabi ng isip ko na gumising ako. Ewan ko, ang weird talaga. Hindi kaya humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan? Nakikita ko kasi ang sarili ko na pilit gumagalaw pero hindi naman nagalaw. Naririnig ko rin ang sarili kong nagsasalita pero hindi bumubuka ang bibig ko. Ang labo talaga. Hanggang sa bigal akong nagising. Nagulat ako kasi ang pwesto ko nun e ganun pa rin katulad nung kung pano ako unang nahiga. Walang kagalaw galaw. Hindi pa ako, nakakumot. Ibig sabihin, nakatulog lang talaga ako agad nun, dahil yung kumot ko ay nasa ilalim pa din ng unan ko. Ibig sabihin kahihiga ko palang nun at hindi ko pa nakukuha ang kumot ko. Medyo naweirduhan na ko. Pero dahil nga antok at pagod. Natulog ako ule.
Shit! Naulit pa. At mas matindi. This time, hindi na ako makamulat. Hindi na makagalaw at hindi na makamulat. Ganun ule ang scene, naririnig ko ule ang sarili ko na sinasabing mumulat ako. Ang di ko maintindihan e kung bakit alam ko ang nangyayari sa akin na para bang gising ako at alam kong binabangungot ako at kailangan kong bumangon at magising. Buhay na buhay ang isip ko. Pilit syang lumalaban. Sinasabi pa nya ang mga dapat sabihin. Pati ang dapat na sumigaw ako para marinig ako ng nanay ko at gisingin nya ako dahil binabangungot na ako. Yung katawan ko naman na binabangungot nga ay pilit namang humihiyaw pero walang boses na lumalabas. Dahil para nga akong paralisado, kahit ang bibig ko ay hindi ko maibuka upang humingi ng tulong. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko para magising ako.
Patuloy naman ang utak ko sa pagsasabi ng mga dapat kong gawin. Ramdam ko rin ang pagka-panic ng isip ko, dahil parang hindi ko na talaga maimulat ang mata ko, at hindi rin ako maririnig ng nanay ko dahil kahit inisip kong sumigaw e wala naman talagang sigaw na nangyayari. Akala ko hindi na ako magigising. Pero, hindi ko rin alam kung panong namulat ko ang mga mata ko. Nagising ako. Gising na ko pero takot na takot ako sa nangyari.
Minsan nakakalito kung ano ang totoo sa panaginip. Kung alin ang kasalukuyan at ang mga mangyayari pa lang. Hinding hindi ko makakalimutan yung nangayaring iyon kagabi. Pano kung hindi ko na talaga naimulat ang mga mata ko. Patay na ko. Shit! Patay na ko. Maarin ding namatay na ako kagabi. Medyo mahirap kasing ipaliwanag at magulo kung titungnan pero, ganun ang nangyari.
Masyadong makapangyarihan ang isip. Napakalinaw ng mga salitang paulit ulit na sinasabi nito sa aking katawan na gumising ako. Ang di ko rin maintindihan ay kung bakit habang nangyayari yun, alam ko ding binabangungot ako.
Hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to. Tanda ko nangyari na rin 'to sa akin dati. Pero eto kasi mas weird at nakakatakot. Isa pa dalawang beses pang nangyari, halos magkasunod lang. At isa pa, sa pagkakataong ito. Gising na gising ang utak ko.
Kung natuluyang hindi na ako nagising kagabi. Ayos lang din, hindi naman ako natatakot mamamatay dahil lahat naman tayo ay papunta don, una una lang. Kaya lang ang inisip ko e, yung mga maiiwan ko. Hind ko pa naayos ang lahat e. Ang pamilya ko, ang nanay ko. Tapos, may maiiwan pa akong trabaho. Doon ako nababahala. Sa mga maiiwan kong mga trabahong hindi tapos.
Ngayon, gabi na naman. Medyo, antok na ule ako. Medyo, kinakabahan din at baka maulet ule. Sabi ng nanay ko, sobrang stress na daw ako. Kaya kahit tulog e nag iisip. Sabi din nya, baka daw hindi ako nagdadasal. Aminado ako na kapag sobrang pagod ko kasi, paghiga ko sa kama, tulog agad kaya minsan hindi na ako nakakapagdasal. Sign of the cross na lang ang nagagawa ko, tapos wala na.
Hay... mahiwaga talaga ang buhay ng tao. Malawak din ang kaisipan nito. Kung sakaling natuluyan ako kagabi, asan kaya ako ngayon? Hay...

19 August 2009

Buhay nga naman


Still in Binan, Laguna... Sana bukas matapos na talaga yung building permit na 'yon. Nauubos na ang energy ko sa pag aasikaso. Hindi naman sya mahirap ayusin kaya langsobrang init lang talaga at sobrang nauubos ang lakas ko sa init. Hay... Kanina pa... super bad trip! Akalain mo ba namang mag brown out sa City Hall?!?!? WTF?!? Grabe di ba?!?! Pano ko naman matatapos yung inaayos ko. At syempre parang impyerno lalo sa init. Goshhhhhhhhhhh... Ayon tuloy, babalik na naman ako bukas. sigh....



4pm na wala paring kuryente. Syempre, dahil government office yon, kahit naman magkakuryente pa e tatamadin na rin naman magtrabaho yung mga empleyado dun. Marami na nga rin ang nag uwian. So, nagdecide na rin akong umuwi pero kumain muna ako. As usual... sa JABI na naman. Yung lang ang pinakamalapit at pinakasafe kong pedeng kainan. Medyo nauumay na nga rin ako sa mukha ni Jollibee. Nyay!!!




Habang ine-enjoy ko ang aking Tuna Pie at Rocky Road Sundae... May kamalabit sa balikat ko. Isang ale na may dalang baby. Sabi nya, kung pede daw makahingi ng 12 pesos kasi kulang lang daw ang pamasahe nya. Hindi daw dumating ang kapatid nya. Medyo nagulat lang ako sa sinabi nya. Kaya ang nasagot ko lang e "ano po?" Tapos yun, inulit nya. Ako naman kumuha agad sa bag ng pera, sakto yung 20 pesos na medyo na sa unahan kaya kinuha ko at binigay sa kanya. Sabi ko, "eto po, ingat po kayo." Sagot nung ale, "di bale, doble ang balik nyan sayo". At nagpasalamat naman sya. Isinasara ko palang uli yung bag ko, pagtalikod ko wala na yung ale. Tinanaw ko naman sa labas pero hindi ko matandaan na kung anu nga ba ichura nya. Marami kasi tao sa labas. Talagang nashock ako dun.




Sana nakatulong ang 20pesos. Ngayon ko nga lang narealize sana medyo malaki nabigay ko. Mukha namang mabait yung ale. Kawawa naman pati yung anak nya. Kaya lang nabigla ako kasi kanina, initial reaction ko, e ibigay agad yung kailangan nya.

Tapos pag uwi ko. Mas shocking! Akalain mong yung utol kong engot e nawalan ng pera kaya yun wala syang pamasahe pauwi. Nung bumaba lang sya ng bahay humingi ng pera kay mommy. E ang maganda pa nun, walang barya ang nanay ko. hehe... Kaya nagkalkal pa sila sa mga vase at jar na may barya.

Weird talaga ng nangyari. Isipin nyo, ako nagbigay sa isang taong hindi ko kilala ng pera dahil wala syang pamasahe tapos ang kapatid ko e walang pamasahe dahil nawalan ng pera...
Buhay nga naman...

16 August 2009

Himala...

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang HIMALA...

Sana matapos na 'to...
At sana makaya ko...
Nagtuto naman ako kahit papano...

14 August 2009

Jollibee and Heat






It was too hot yesterday. I guess the hear was beyond 32 degress centigrade... I was very exhausted making my way to Binan, Laguna. I had to settle some of the documents regarding our project and first time to handle the building permit thingy. Well, it's not that hard naman pala. The people there are quite approachable. I'm all alone by myself and really not familiar with that place anyway. But then, ofcourse, I manage everything in the end. I am getting used to going out alone. Been into places I've never been. It's kinda creepy when you don't know the road that you've been headin to, but in the end it like an accomplishment when you did surpass. I just think of it like I am just solving puzzle or I am a part of a reality show sort of ( amazing raze). I get to know strangers... had a chance to talk to them and somehow learn from them.
From the City Hall, I had lunch and when straight to the site to discuss things with the village manager. ( the village manager is kinda snob...haist!)but later in the she agreed on me and then everything is settled.




Another thing... it good to know that Jollibee is always there to cheer me up. To relieve my hunger. Just like a Rizal monument, this fast food chain is almost everywhere. Not having problems how to fill your tummy while your on the road.



I finished my task just before the sun sets... I was too exhausted by the heat really. I'm wet with sweat... Gee!



Photos courtesy of Flickr.com

10 August 2009

Bear with Me...

I'm getting bored...........
But
I still have tons of work to do!
Yikes!

Sigh.....

Already Gone

Remember all the things we wanted
Now all our memories they're haunted
We were always meant to say goodbye
Even with our fists held high
It never would've worked out right
We were never meant for do or die
I didn't want us to burn out
I didn't come here to hold you, now I can't stop
I want you to know that it doesn't matter
Where we take this road someone's gotta go
And I want you to know
you couldn't have loved me better
But I want you to move on
so I'm already gone
Looking at you makes it harder
But I know that you'll find another
That doesn't always make you want to cry
Started with a perfect kiss then
we could feel the poison set in
Perfect couldn't keep this love alive
You know that I love you so,
I love you enough to let you go
I want you to know that it doesn't matter
Where we take this road someone's gotta go
And I want you to know
you couldn't have loved me better
But I want you to move on so
I'm already gone
I'm already gone, already gone
You can't make it feel right
when you know that it's wrong
I'm already gone, already gone
There's no moving on
so I'm already gone
Already gone, already gone,
already gone
Already gone, already gone,
already gone, yeah


It's good to hear that Kelly Clarkson is doing rock no more this time... It was so heartfelt and Gee! I guess so timely for me...sigh...

Libro-Aklat-Pahina


Habang nag iikot ikot sa bookstore, naaliw lang ako dito. hehe... hindi ko naman planong bilhin ang librong 'to pero nakuha nya attention ko, kaya yun,. Binili ko naman at binasa ko rin agad kahit na busy ako. Buti na lang e sobrang nipis lang nito. Sa panahon ngayon kasi pahirapan talagang magkaroon ako ng oras para mag basa ng libro. Kahit nga yung Kapitan Sino ni Bob Ong hanggang ngayon hindi ko pa nabubuksan. Gusto ko kasi isang upuan lang, hindi yung paputol putol. Anyway, Back to the book, ayun... ok naman sya. Sobrang aliw dahil naalala ko uli yung highschool life ko. Shit! Hahaha. One of the happiest part of my life ang highschool kasi nung mga time na yun e hindi ko pa alam ang salitang "problema" . It's a feel good book... matutuwa ka rin sa mga characters na para bang nakikita mo ang sarili mo. Ganyan ang gusto ko sa mga librong binabasa ko. Admitted akong tamad talaga akong mag basa kahit na mahilig ako sa libro. ( ang labo no?!?!) Pero yun, ganun talaga... Kaya lang kapag nakita ko na ang sarili ko sa isang character, yun... wala nang tayuan yun. hehehe... feeling ko kasi kapag ganun, ako mismo yung nasa istorya. Praning no? hehehe...

Plano kong kumpletuhin ang mga libro ni Haruki Murakami at Paulo Coelho. Ah! Pati na pala si Mitch Albom. Tapos yung kay Eros Atalia. Medyo nahihirapan akong hanapin yung mga una nyang libro. Kumpleto ko na si Bob Ong... haist...Actuallt, mas gusto kong mag focus sa mga local writers. Sa dami ba naman ng magagandang libro, hindi mo alam kung ano uunahin mo. Kaya yun, plan ko lang naman yun. hehehe...Yung unang libro ni Ricky Lee, nakakaloka! hahaha...Maraming magagaling na writers dito sa atin, medyo kulang lang kasi ng suporta. Sa aking pag bobook hunting marami akong nakitang maganda. Next time, bibilhin ko na yun, at next time din sana magkameron ako ng time para basahin sila lahat.

08 August 2009

Random Past Activities

Just after beating the dealine, I got sick... And for quite sometime I've been addicted to the scent of eucalyptus... Yeah! The minty scent relieves my breathing and been depending on it a lot. hmmmm...ahhhhh....



Later:


Just finished my new creation...hahaha... This is my new monster, just sewed them with my bare hands so that I will be able to give it as a gift to my eccentric friend. Remember who he is? Hmm,. Nevermind... Actually, it is really not for him, but for NED, so that he'll have someone to be with... you know.. everyone needs a company and so are monsters... LOL! However, rightnow, I'm kinda making some moves to stay away from him. Sigh... I'd tell the reason to this one soon... just not rightnow.





Previous:


Went to visit my next project, somewhere in Cavite... The weather last thursday aint that good, obviously. But, then I had to go there. And somehow I messed up,. hehehe... Crap! Poor Chucks!

07 August 2009

Una

This is my very first...... and hope its never gonna be the last. Hehehe,.oo na, panget na yang gawa ko,.pero atleast nagawa ko! Haist! Yan ang bunga ng aking ilang gabing walang tulog. Grabe! nastress ata ako sa project na yan. Lalo na sa rendering dahil wala talaga akong alam dun. Unang project na ako ang nagdesign lahat, from achitectural to electrical. Duguan ako pagkatapos. Hahaha... Syempre, nagconsult naman ako sa mga taong mas nakakaalam sa akin. At nagpapasalamat naman ako dahil may mga taong katulad nila na handang tumulong at handang magtiwala sa akin.
Before accepting this project, admitted naman ako na hindi pa ko ganun kaexperience. Iba naman kasi line of work ko before, kahit pa gumagamit na ko ng CAD. Basta iba pa rin. Admitted din naman ako na bulok pa ko sa CAD. Making 3d perspective is a nightmare. Gusto ko na ngang umiyak at gawing manually na lang ang drawing,pero naisip ko, kung hindi ko 'to magagawa,. ano pa ang kaya kong gawin? Haler! Parang eto lang e... tsk,tsk,.. Kaya yan,. ganyan lang ang nakayanan kong outcome., Yikes! Kahit ako hindi pa rin ganun kasatisfied sa result. Pero not bad for a neophyte. Atleast I've tried. Hindi ako sumuko. Kahit papaano unti-unti ko nang natututunan yung ganung bagay. Shet! Nagmamatured na ko... hahaha...I've learned to set my goals na rin and what to prioritize. Haist... It's a tough road ahead but I think I can learn to deal with it. Well, I have to...
Pano ba yan? Next project ko 3 storey with swimming pool sa roof top! Shet! Iniisip ko palang e mamamatay na ko,. hehehe,. hindi lang ako sa architectural nito papatayin e,.pati sa structural., Lagot! Hehehe